Chapter 32 - Hold Me

Magsimula sa umpisa
                                    

Ang sweet lang ng tagpo.

Sabay ng pagkatapos ng kanta ay ang pagkatapos naman ng pag mix ko at handa na kaming magluto ng pancake.

"Oooops! Umupo ka muna dun!" Suway ko sa kanya. Baka kasi mapaso siya habang nakasalang ang pan na paglulutuan namin.

Sumunod naman siya.

Bigla akong napahinto na naman sa gagawin ko nang yakapin niya ulit ako. Dinuduyan na naman kasi siya ng kantang pumapangibabaw sa buong kabahayan.

"I hold you, i'll touch you, Make you my "husband" "sa sariling lyrics niya. Diniinan niya pa talaga ang salitang husband na sa totoong lyrics ay "woman".

Napatingin ako sa kanya ng seryoso habang kumakanta siya. Oo sintunado siya. Pero hindi yung ang kina-count ko. It's the effort na kuhanin niya ang attention.

"I'll give you, my love, now and forever..." Di ko alam bakit bigla akong umiyak habang kinakanta niya ang linyang yun. Napakaseryoso kasi ng mukha niyang nakatitig sa akin. Mga mata namin ang nag uusap.

Patuloy siyang kumakanta habang palapit ang mukha niya sa mukha ko. Kumakanta pa din siya at mga butil ng luha naman ang kumawala sa mga mata.

Niyakap niya ako bigla na di pa rin tumitigil sa pagkanta.

Pumailanlang ang kanta sa background namin at naramdaman ko na lang na sumasayaw na kami habang magkayakap sa saliw ng kantang "Hold Me ni Whitney Houston and Teddy Pendergrass".

Hold me in your arms tonight
Fill my life with pleasure
Let's not waste this precious chance
Our live is ours to treasure

Ang kaninang tipid na iyak ko ay naging hagulhol na ikinabigla niya.

"Pare... What's wrong?" Kunot noo niyang tanong habang hinahawi niya ang buhok ko na tumakip sa mga mata ko.

"W-wa-l-a.. Nadal-a l-lang a-ko ng kanta." Pagsisinungaling ko sa garalgal kong boses.

"Pare, bagay nga sa atin yung kanta." He paused. "Looked at me.." Hinawakan niya ang baba ko at inangat ang mukha ko para salubungin ang tingin niya. "I Love You!" Buong puso niyang sabi. Dama kong galing sa loob niya ang sinabi niyang yun.

"Mas mahal na mahal kita Paolo! Noon pa!" Sabay yumakap ako sa kanya and he caress my back. Ang saya ko ay walang mapagsisidlan. Hanggang ngayon di ako makapaniwala na akin na si Paolo.

Di namin namalayan kung ilang segundo o ilang minuto kaming nasa ganong posisyon. Ang alam ko ayokong matapos ang sandaling ito.

Kay ganda nga naman ng umaga ko. Dahil kay Paolo.

Pagkatapos naming mapagsaluhan ang agahan, napagkasunduan naming mag OOT (out of town). Sabado naman at wala kaming gagawin pareho.

Bago pa kami nakaalis ng bahay ay napansin kong may tumawag at may kausap sa phone si Paolo pero minarapat kong wag na lang makinig at baka yung attorney lang ang kausap niya.

"Sorry, tumawag lang si attorney. Let's go!?" Aya niya.

Sukbit niya ang dala naming bag. Destination: Mindoro.

Pareho naming first time mapuntahan.

Pagkarating namin sa pier after about 2 hours na biyahe, nag commute lang kasi kami, ay agad kung napansin ang nagtitinginang mga babae sa amin. Pareho din yata silang papunta sa Puerto Galera.

Hindi na lang namin pinansin lalo't biglang hinawakan ni Paolo ang mga kamay ko na nagbigay sa akin ng rason para wag na lang pansinin.

"Hi!" May lumapit sa amin na dalawang teenager yata na mga babae. "Are you Paolo? Yung model?" Tanong nila.

I Love You, Paolo! (Complete) (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon