#1. THE WORLD TO SEE

4 2 0
                                    

The world to see

Mula pa noong bata pa ako, wala akong ibang hiniling kundi ang makita ang mundo. No matter what it will cost. Kahit saglit lang. Kahit isang silip lang. Gusto kong maranasan kung paano imulat ang mga mata sa isang umaga na nakikita kung paano sumilay ang liwanag ng araw sa bintana ng aking kwarto. Kung paano mapagmasdan ang mga anyo ng nakapaligid sa akin. Because I don't want just to feel them. I want to see them also. Yun lang naman ang hiking ko. Mula noon, hanggang ngayon, yun lang. Gusto kong makita ang lahat. Kung anong itsura ng mundo? Ang itsura ng nakapaligid dito.

Nakakasawa nang magisa sa dilim. Nakakakatakot. Pakiramdam ko, wala akong kasama. Na magisa lang ako. Nakakalungkot. Masakit. Nasasaktan ako. Gusto kong maging normal. Maranasan ang mga bagay na dapat kong maranasan. Mga simple lang naman diba? Pero bakit napakaimposible?

"Cara, gusto mo bang mamasyal?" Tanong sa akin ni mama. Gusto kong matawa. Bakit pa diba? Wala namang saysay ang pamamasyal kong hindi mo nakikita ang paligid. Pero tulad noon, wala akong imik na tumango.

Labing walong taon na ako ngayon....pero hanggang ngayon..

Pero ang hindi ko inaasahan na sa pagkakataong iyon ay makikita- hindi pala. Makikilala ko siya. Ang lalaking nagparamdam sa akin na mahalaga ako kahit ganito ang sitwasyon ko.

Bata pa lang ako ng iwan kami ni papa para sumama sa ibang babae. Masakit iyon lalo na't mahirap ang buhay namin noon. Kaya buong buhay ko, si Mama lang ang kasama ko sa bahay at buhay ko. Hindi naman kasi ako normal na bata para makisalamuha sa iba. Mas mabuti pang magisa na lang ako kaysa sa may kasama nga akong iba pero ramdam ko ang awa sa kanila. Ayokong kaawaan. Gusto kong tratuhin nila akong normal gaya nila. Pero hindi ko iyon naramdaman. Hindi ko maramdaman.

"Ano ba ang hiling mo" tanong niya sa akin. Nahiwagaan ako sapagkat iyon ang tinanong niya matapos siyang tumabi sa akin na para bang wala lang iyon. Na wala lang sa kanya ang sitwasyon ko. Na para bang normal ako.

Napangiti ako bago siya sinagot.
"Ang makita ang mundo." Iyon ang sagot ko. Pinakiramdaman ko siya ng hindi siya umimik. Ang akala koy umalis na siya pero hindi pala.

"Sana matupad ang hiling mo." Iyon ang sabi niya. Ibinalik ko ang tanong niya sa akin.

"Wala. Imposible nang matupad. Wala nang pagasa." Iyon ang isinagot niya. Nakakalungkot. Ramdam ko ang kanyang lungkot at kawalan ng pagasa.

"Maaari ko bang hawakan ang kamay mo?" May pagdadalawang isip kong tanong. Hindi ako sigurado kong papayag ba siya pero napangiti na lang ako ng gagapin niya ang kamay ko.

"May isa pa pala akong hiling." Ang sabi ko. Marahan kong pinisil ang kanyang kamay nang hindi siya tumugon.
"Sana...hindi ka mawalan ng pagasa. Na kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon, sana patuloy ka pa ring umasa na matatapos din ang lahat. Na magiging maayos din ang lahat."

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Ilang sandali kaming walang imik. Kaming dalawa..parehong estranghero sa isa't isa ngunit nakaupong magkahawak kamay. Nakapagtataka man kung papaano ako nakaramdam ng kapanatagan sa kanyang tabi ay hindi ko na inalintana. Ang mahalaga'y may taong nakapagparamdam sa akin na kahit papaano'y normal ako. Iyon ang mahalaga sa akin.

Lumipas ang ilang araw, ako na mismo ang yumayaya kay mama na ihatid ako sa park. Pinaupo niya ako sa parehong upuan na inupuan namin ilang araw na ang nakalilipas.

Ilang sandali akong naghintay kahit walang kasiguraduhan kong dadating ba siya. Pero alam ko..nararamdaman kong darating siya. At hindi ako nabigo nang maramdaman ko ang presensya niya..ang pamilyar niyang amoy na tumatak na sa akin noong una kaming nagkita.

Unspoken  .....the lies behindWhere stories live. Discover now