Pwede bang hati na lang tayo sa kanya?

1 1 0
                                    

"Mahal! May tumatawag sayo!" Sigaw ko mula sa kusina.

Nakita kong naglalad si Anton papuntang sal kung saan nakalagay ang kanyang selpon.

Pinagmasdan ko ito mula sa kinatatayuan ko. Nakita ko itong umiling at pinatay ang tawag.

May sandali pang ito ay natulala bago ko ito tawagin.

"Mahal..kain na tayo?" Sabi ko.

Nakita kong nagulat ito sa aking sinabi ngunit dinaluhan pa din ako sa kusina.

"Kain ka, mahal.." Hinainan ko ito ng pagkain sa kanyang plato.

"Ha?" Tanong nito sa akin. Umiling lang ako saka inumang sa kanya ang plato.

"Mahal..may problema ba?" Tanong ko nang wala itong gana sa pagkain.

Bumuntong hininga ito saka umiling. Nang tumunog uli ang selpon nito.

"Mahal.." Tawag ko nang baliwalain nya lang iyon.

"Wala iyon, Sel..wag mo nang pansinin."

May problema si Anton. Iyon ang naiisip ko habang pinagmamasdan itong nakatalikod na nakahiga sa aming kama.

Lumipas ang ilang araw ramdam ko ang pagkabalisa niya. Lumamig na ang trato nya sa akin.

Naguguluhan ako sa mga pangyayari ngunit luminaw iyon nang mabasa ko mensahe ni Lea..ang kanyang asawa..

Wag niyong isiping kabet ako..oo sa teknikal na aspeto maaaring oo ngunit si Lea ang unang nagloko..at hinde ko kasalanan na mahulog kami ni Anton sa isa't isa.

Ngunit bakit? Iyon ang naitanong ko sa aking sarili nang mabasa ang kanyang mensahe..

'babawiin ko na ang asawa ko Sel..total akin naman talaga sya..dahil ako ang legal..kabit ka lang.'

Ano ang laban ko? Ang pagibig ko kay Anton? Hinde iyon sapat. Iniluha ko ang sakit dahil iyon lamang ang aking magagawa.

"Ano ba Lea! Tantanan mo ako! Hinde hinde na ako babalik sayo!"

Napahikbi ako sa sulok nang marinig iyon kay Anton. May parte sa akin na masaya ngunit ano ang laban namin?

"Magkita tayo Sel." Pagbabasa ko sa mensahe ni Lea. Pinunasan ko ang luha ko sa aking mga mata at nagbihis.

"Sel! Finally!" Bati sa akin ni Lea na animo'y close na close kaming dalawa.
"Anong kailangan mo?" Matapang kong tanong. Humalakhak ito saka pauyam akong tiningnan.

"Sa tingin ko alam mo na kung ano ang kailangan ko, Sel. Hanggang ngayon tatanga-tanga ka pa din?"

Ngumisi ito sa akin. Ikinuyom ko ng mahigpit ang kamay ko sa ilalim ng mesa.

"Hinde ko alam, Lea." Matigas mong sagot.

"Well, fine babawiin ko na ang sakin, Sel. Babawiin ko na si Anton. At! Wala kang karapatang tumutol dahil ako ang legal at ikaw.." Napabaling ako sa kaliwa ng duruin nito ang aling noo.

"Kabet ka lang.." sambit nito.

"Babawiin? Bakit laruan ba si Anton na pwede mong iwan at balikan na lang? Pagaari ko na sya Lea. Pagaari ko na mula nung lumande ka ng iba!"

"Walanghiya ka!" Akma niya akong sasampalin ngunit agad ko itong sinalo.

"Ikaw ang walang hiya Lea!" Sigaw ko. Wala akong pakialam kong maraming tao ang nakakarinig sa amin.

"Kung hinde mo hihiwalayan si Anton..pwes magkikita tayo sa korte! Banta niya sa akin saka lumabas ng cafe.

Nanghihina akong napayuko sa mesa. Lumipas ang buwan napansin ko na iniiwasan ako ni Anton.

May oras na hinde na ito umuuwi sa bahay. Kaya nagpasya akong sundan ito.

Mula sa kotse, tanaw ko sila..silang dalawa habang yakap yakap ni Lea si Anton..

"Mga walanghiya!" Sigaw ko sa aking utak. Tangina! Nanginginig ako sa galit at hinde makuhang umiyak.

Kinuha ko ang selpon at tinawagan si Anton. Nakita kong binunot nito mula sa bulsa ang selpon at akmang sasagutin ng hablutin ito ni Lea.

Durog na durog ako nang pumasok sila sa isang bahay.

Isiwinalang kibo ko iyo. Kaya ko iyong kimkimin basta akin si Anton.

Ngunit isang pamauhin ang hinde ko inaasahan.

"Lea?" Gulat kong sabi. Hinde dahil sa andito sya sa bahay ko kundi dahil sa sinabi niya.

"Buntis ako Sel, si Anton ang ama..kaya kung may awa ka sa bata, hiwalayan mo na si Anton."

Nanghihina ang mga tuhod ko at muntikan na akong mapaluhod.

"Sel, alam kong mabuti ang kaloobam mo kaya pwede ba? Parang awa mo na ibalik mo na si Anton."

Tuluyan na akong humagulgol.

Napailing ako..at lumuhod.

"Hinde ko kaya Lea..Pwede bang hati na lang tayo sa kanya?"

Unspoken  .....the lies behindWhere stories live. Discover now