Moment Three

53 1 0
                                    

JANUARY 20, 2019

Ina Poon Bato Church - Botolan, Zambales

"Ano ba 'yan, magdikit nga kayong dalawa at hindi kayo magkasya sa screen!" Pabirong saway ni Mayora sa'ming dalawa ni Huli.

Kasi naman! Kanina pa nila kami kinukulit na kuhanan ng litrato nang magkasama. Ang awkward kaya!

Naramdaman kong umusog palapit sa'kin si Huli. "Pagpasensyahan mo na si Mama. Shipper ata." Nasapo niya ang mukha niya.

"Mukha nga. Pero tingnan mo, oh." panimula ko. "Pati si Mommy game na game." Sabi ko, napapailing.

Napatawa na lang siya nang makita ang mga nanay naming todo ngiti habang hawak ang kanya-kanyang camera. "Pwede na pala tayong loveteam."

"Showbiz ba?"

"Pwede." Sabi niya. "O kaya real life?"

"Nye nye. Asa ka."

"Late, Rose, tingin na dito. Matamis na ngiti ang gusto ko, ha! One, two, three---say cheese!"

Nagkatinginan pa kami sandali ni Huli at napangiti nang marealize na mukhang pareho kami ng iniisip.

"Cookies and cream!" Sabay naming sabi at nagpose sa camera.

"Eh wala, may sarili silang version, eh." Pabirong sabi ni Mayora nang iba ang sabihin namin ni Huli at nagkibit-balikat.

Nagtawanan kaming lahat.

Katatapos lang naming magsimba. Hindi naman gaano marami ang pinagdasal ko ngayon. Pasasalamat, paghingi ng tawad, at ipinagdasal ko ang tatlong priority ko sa buhay. Una, yung relationship ko kay Lord. Pangalawa, relationship ko with my friends and family. At pangatlo, tungkol sa career ko at sarili.

Pagkatapos, ito na. Binaha na kami ng mga picture taking bilang remembrance daw. Mukhang minsan lang kasi makasama sina Mayora sa mga ganitong lakad. Ewan ko rin, eh. Siguro busy masyado.

"Oh, magbaon na kayo ng mga tubig niyo. Malayo at mataas ang lalakarin natin papuntang Apo Apang." Paalala sa'min ni Lolo.

Nagpaalam muna akong iihi, at sinabing kahit mauna na sila. Buti na lang talaga may cr dito sa labas ng simbahan. Pero sana walang palaka. Nung nakaraan kasi, sabay pa kaming napatalon nung palaka sa loob ng cr dahil nagkagulatan kami. Nakaka-stress talaga!

"Rose?"

"Ay, palaka!"

Putek. Paano po maging patatas? Nakakahiya ka talaga Rose Mille!

"Hala sorry po, Mayora. Nagulat po kasi ako." Hiyang-hiya na sabi ko at ilang beses pang yumuko habang nagsosorry.

Natawa lang siya at pinatigil ako sa pagyuko at paghingi ng tawad. "Ano ka ba, ako nga ang dapat magsorry at nagulat kita. Magugulatin ka pala, iha." Natatawang sabi niya kaya tumawa na lang din ako. Awkward kasi!

"Ano po pa lang sasabihin niyo, Mayora?"

"Naku, masyadong nakakatanda ang mayora. Tita Lizette na lang, iha."

"Sige po, Tita Lizette na lan---ang haba naman po."

Natawa siya lalo sa sinabi ko. "Naku, ikaw talagang bata ka. Maganda na, kwela pa." Sabi niya at marahan akong hinampas sa braso.

Shaket, beh.

"Pero iha, gusto ko lang sanang magpasalamat."

Kumunot ang noo ko sa narinig. Salamat sa? Kagandahan ko? Kalokohan?

Memories In ZambalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon