Sa 'ting dalawa lang, mas mahal pa ang wallet ko kaysa sa laman niya ngayon. May tumataginting akong P1,127.25, P120 of which was in my wallet plus 'yung bigay ni Kuya Lex na isang libo.

Sa totoo lang, ngayon lang bumaba nang ganito ang finances ko. Hindi bumaba ng limang libo ang laman ng wallet ko, idagdag pa sa limit ng credit card ko na kailangan kong ipaalala sa sarili ko na-maxed out na. Tinotoo rin ng tatay ko ang hindi pagbabayad sa kanila. Ayoko naman gamitin 'yung emergency credit card na extension ng sa nanay ko. Sasakalin ako n'un. At que horror! Naka-prepaid SIM ako ngayon dahil naputulan din ako ng line for non-payment. Talk 'N-freaking-Text.

Umiiling, pumasok ako sa building ng bago kong preso—I mean, office. Dumaan ako sa security check sa guard, 'tapos ay sa turnstiles bago makarating sa reception desk.

Binigyan ako ng temporary pass ng receptionist at pinaakyat sa penthouse ng gusali kung saan naroon ang executive offices ng Balajadia Industries.

Pagbukas ng elevator doors, sinalubong ako ng puting mga pader kung saan may mga framed pictures ng iba't ibang office buildings na pag-aari ng mga Balajadia including the one I'm currently in. May office building sa Ayala, sa UP Technohub, sa Baguio, sa Eastwood, sa Cebu... and all of those buildings looked spectacular. Ganoon sila kayaman.

Luminga-linga ako at nakita ang sandblasted glass doors na may nakasulat na Balajadia Industries at nagtungo roon. Pinagbuksan ako ng isang maganda, mestisahin at chinitang receptionist.

Well, well, things were immediately looking better.

"Good morning, Sir. Can I help you?"

"Yes," lumapit ako sa reception desk at binigyan siya ng isang charming na ngiti. She blushed adorably. "I'm here to see Miss Sherilee Valencia."

"May I have your name, Sir?"

"Ash Montesines."

Nagtungo sa monitor ang mga mata ng magandang receptionist bago tumango. "She's expecting you. Go right ahead, Sir. Pagpasok po ninyo, turn right. Miss Valencia's desk is right at the end."

Narinig kong nag-click ang locks ng isa pang set ng double doors sa kaliwa ng reception area at kinindatan ko ang babae. "Thanks."

"You're very welcome."

Pumasok ako sa inner offices. Malawak ang floor area roon na nahahati sa iba't ibang closed offices na binabantayan ng mga L-shaped desks na mesa siguro ng mga assistants/secretaries ng mga boss. May mga naka-upo sa ilan sa kanila, abala sa pagta-type o sa mga kausap nila sa telepono.

For the love of God, ito ba ang future ko sa susunod na anim na buwan?

Naglakad ako hanggang sa dulo ng walang hanggang papunta sa mesa ni Sherilee. Sa layo n'un sa pinto, muntik na kong magtanong kung may golf cart ba sila na p'wedeng i-rent o kaya ay walkalator.

Nang marating ko ang pinakadulo ng floor, may isa ring malaking L-shaped desk na nasa kanto, nakaharap sa bintana kung saan tanaw ang malaking bahagi ng Bonifacio Global City. May isang computer monitor doon, dalawang telepono, mga papel, files at mga abubot na primarily pastel ang kulay. May corkboard din na kung anu-ano ang nakadikit, may whiteboard na puno ng sulat, at sa isang corner, may mga... teddybears. Real, actual teddybears. Ano ba 'tong napasukan ko?

Dahil walang tao sa mesa, naupo muna ako sa sofa na malapit doon. May isang mababang coffeetable na may maliit na flowering plant sa gitna ang nasa tapat ng sofa at doon ako nag-focus.

It was five... ten minutes later when the door nearest the desk opened. Kahoy ang pinto pero sandblasted din ang mga salaming dingding na naghihiwalay sa office at sa main production floor kaya hindi ko nakitang may tao sa loob.

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Where stories live. Discover now