❝Miserably Goodbye❜❜

4 0 0
                                    

Maaga akong nagising dahil nagyaya mag-mall ang kaibigan kong si Shianie.

"Trishieeeee!! Bessy ko! Tignan mo,o! parang si boyfiee mo 'yon?" Magkalapit lang kami ngunit ang lakas lakas ng pagkakasigaw nya.

"Ano ba yan Shianie? Ang ingay mo! Tumigil ka na nga diyan wala naman kaming pinag-usapan,baka may binili lang?" Inosente ko namang saad sa kanya para tumigil na siya.

Maya maya pa ay nakaramdam si Shianie ng pagod kaya napagpasyahan na niyang umuwi na,wala na naman akong nagawa dahil pagod na rin ako kaya umuwi na kami.

"Trishie! Hatid mo'ko sa amin,ah?" Tumango na lang ako bilang tugon.

Nang makarating na kami sa bahay nila ay agad naman akong nagdrive patungo sa kabilang street kasi malapit lang naman ang bahay ni Kian doon kaya di na ako nagdalawang isip na pumunta dahil sabik na sabik na rin akong makita siya.

Pagkarating ko sa tapat ng bahay nila ay agad akong nagpark.

"Kian!" Tawag ko sa kanya ng makita ko siyang palabas ng gate nila at agad niya naman akong nilingon.

"Ahmm..Mal? Anong ginagawa mo dito" Bigla naman akong napangiti ng tinawag nya ako sa endearment namin.

"Wala lang namiss lang kita.." Sabi ko naman sabay yakap sa kanya

"Kiandrick!! Nasan ka na!?" Bigla akong napabitaw sa pagkakayakap ko sa kanya ng marinig ko ang sigaw ng mommy nya na parang
hinahanap sya.

"Kiandrick! Oh my! Nandito ka pang pala kasama ang babaeng ito?"Pagtataray pa niya.

"Mom.." Pag-aalalang saad ni Kian sa Ina.

"Pumasok ka doon at may naghihintay sa'yong mga bisita!" Sabi pa ng Mommy niya.

Natigilan ako ng lumabas sa isang kotse si Shianie kasabay ng ate Shasshi niya.

"Bes! Anong ginagawa niyo dito?" Di makapaniwala kong tanong sa kanya.

"Oh..Nandito na pala kayo! So shall we? Sa ibang venue nalang tayo tutuloy dahil may intrigerang pumasok sa pamamahay ko." Agad naman akong nagulat dahil sa tono ng pananalita nito at mga tingin na sa tingin ko ay ako ang kanya pinaparinggan.

"I'm so sorry,Trishie..."Ag­ad akong napatingin sa kanya,naguguluhan ako,di ko alam kung ano ang gagawin!

"K-Kian? A-anong ibig sabihin nito?" Nauutal kong sabi sabay patak ng aking mga luha ng di ko namamalayang tutulo mula sa aking mga mata.

"Let's Break-up. Mahal kita ngunit di tayo para sa isa't-isa,Trishie nabuntis ko silang dalawa kaya't nararapat ko silang panagutan..Napakagag­o ko! Di ko man lang na isip ang mararamdaman mo! I'm so sorry." Sabi niya sabay sakay sa kotse niyang kulay itim.

"Kiaaaaaaan!!" Habol­ ko pa sa kanya ngunit sadyang di ko siya naabutan.

Nakakatawa lang isipin na ang mga kaibigan ko pa ang inanakan niya kung pupwede naman ako na handang pakasalan siya...

LIFE (compendium)Where stories live. Discover now