❝Sooth Derives❜❜

7 1 0
                                    

Mag-isa akong naglalakad pauwi ng may nakasalubong akong isang napakagandang dalaga,halos di ko mawari kung ano ang aking nararamdaman nang una ko siyang masilayan.

Nang nasa bahay na ako di pa rin mawala ang ngiti sa aking masayang labi halos di ako makatulog sa kakaisip kung ano ang kanyang pangalan.

Isang araw pagkauwi ako sa galing sa eskwela nadatnan ko ang aking mga magulang na naghahanda at sa tingin ko ay magarbo ang okasyon dahil sa pagkakaayos nito.

"Anak! Andito ka na pala,Yohan.Magbihis ka na at maghanda dahil parating na ang mga bisita." Nasasabik na ika ni Mama

"Ma,Ano po bang meron?" Tanong ko na tila ba naguguluhan kung ano ang nangyayari sa aking paligid

"Ano ka ba..Kakauwi lang ng ate mo galing Amerika! Hay,napakasaya ko at may anak na akong Doktor" Galak na galak na sabi ni Mama

Maya maya pa ay bigla akong nagulat nang makita ko ang babaeng dahilan kung bakit hindi ako makatulog sa gabi at ang dahilan kung bakit ako nagsusumikap mag-aral,ang aking inspirasyon.

"Hi Miss..." Ani ko ng makalapit na ako sa kanya.

"Ahmmmnn...S-single ka b-ba?" Utal ko pang tanong..
Di ko maipaliwanag ang aking nararamdaman at 'di ko rin maitago ang kaba sa aking dibdib.

"Hello Yohan! My baby brother! Ang gwapo gwapo mo na,ah!? Ano ka ba!! Anong single -single ka dyan!? Aral muna bago landi kapatid!" Bahagya akong ngumiti dahil sa hiya na nararamdaman ko dulot ng sinabi ni ate Yazmin.

LIFE (compendium)Where stories live. Discover now