Chapter 28 - Arrival of Scarlet in the land of Confusa

3.4K 83 2
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Alfred's Point of View


Nang sa wakas ay nakatapak na din ako dito sa Confusa matapos ang mahabang panahon ay wala pa ding kahit anong Pagbabago subalit iba na ang sitwasyon ng aming pagpunta dito. Aking kasama ang iilang pinagkakatiwalaan na mga miyembro ng aming organisasyon dala ang aming misyon na magbigay tulong sa Confusa. Kung iisipin ko lamang ay ang laki ng pinagkakaibahan noong nauna kong pagtapak noon dito at ngayon subalit hindi pa rin nawawala ang aking nararamdaman na hindi ko nagugustuhan ang kaharian na ito. Pagkababa pa lamang namin sa barko ay agad na namin nakita sina Amber at Kenneth subalit ang laking pagtataka ko lamang dahil hindi ko nakikita si Miles sa paligid. Hindi niya ito gawain kaya napataas na lamang ang aking kilay.


Amber: Maligayang pagdating dito sa Kaharian ng Confusa, Pinunong Alfred. *Yuko*

Kenneth: Matagal na rin ang nakalipas noong huli po tayong nagkita. Maligayang pagdating, Pinunong Alfred.

Alfred: Hindi ko siya nakikita. Nasaan si Miles?

Clay: Oo nga, ang akala ko'y dapat andito siya upang kami'y salubungin. Nasaan siya?

Amber: Kasi---

Kenneth: Amber, tell them... I know that you are hesitating to tell, however, we already discuss about this and we both agree on this one.


Ako'y napakunot ng noo dahil wala akong maintindi maski isang salita na kanyang sinasabi at napapansin kong masyado atang komportable na sina Amber at Kenneth dito. Oo at hindi pa sila nakakatapak sa Incendia pero huwag sana nilang kalimutan na ang kaharian na kanilang pinagsisilbihan ay Incendia at wala ng iba pa.


Alfred: Kung may sasabihin kayo, sabihin na ninyo. Hindi pa iyong mag-uusap kayo sa linggwaheng iyan dito mismo sa aming harapan!

Amber: Ano...? Pinunong Alfred, kasalukuyan pong wala dito si Camille dito.

Clay: *Kamot sa ulo* Saan naman tutungo si Miles sa mga oras na ito? Nakakasigurado naman ako na alam niya kung kailan ang aming pagdating dito.

Kenneth: Pinunong Clay... kasalukuyan lamang may kinailangang gawin na tungkulin si Camille kaya sana ay maintindihan po ninyo.

Alfred: Saan naman tutungo si Miles? Wala naman nabanggit si Miles tungkol dito sa sulat.

Amber: Ah... *Kamot sa batok* Wala po kasing nababanggit si Camille sa amin kaya hindi po namin masasagot ang inyong katanungan, Pinunong Clay.


A Gangster is a REAL long lost PrincessWhere stories live. Discover now