Chapter 14 - WHAT?????

3.8K 113 6
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


(Incendia)


Camille Angel Smith's Point of View


Kasalukuyan akong nagtratrabaho para sa magiging bagong bahay namin. Medyo natagalan kami dito dahil ito ang magiging Royal Palace ng aming kaharian. Batay sa aming plano ay mas pinalaki na namin ang palasyo at maliban pa doon ay sinigurado namin na ang desinyo ay pabor sa aming seguridad. Oo at pinalakas namin ang seguridad ng mga tarangkahan pero mabuti na iyong nakakasiguro kami.

Abala lamang ako sa aking mga gawain ng may nararamdaman ako na parang gusto kong sumuka. Pinigilan ko ito noong una pero noong naamoy ko na ang lakas ng amoy ng baho nasa tingin ko'y niluluto nila ay hindi ko na mapigilan ang aking sarili na masuka. Hindi ko na natiis ang naamoy kong baho. Suka lamang ako ng suka hanggang sa nilapitan na ako ni ina at kanya akong inalalayan.


Ina: Camille, anak... ika'y ayos lamang ba? Siguro ay kailangan mo muna magpahinga. Ilang araw ka na ding walang tigil sa pagtratrabaho at panggagamot.

Camille: Huwag po kayong mag-alala, Ina. Ayos lamang po ako atsaka nakikita naman po ninyo na kakailanganin natin matapos ang ating magiging bahay sa araw na ito at pagkatapos ay kailangan ng isaayos ang pintuaang daan. Maliban pa doon ay may natitira pang pader na kailangang ipatayo para sa ating depensa laban sa ating mga kalaban.

Ina: Anak... huwag mo muna masyadong isipin iyon. Isipin mo naman ang iyong kalusugan--- *Natigilan*

Camille: Bakit, Ina? May nararamdaman po ba kayong masama sa iyong katawan?

Ina: Bakit iba ang iyong pulso?


(Miss Violet: Ang tinutukoy na pulso ng ina ni Camille is iyong way kung paano ang pagpitik ng puso niya basta imbento ko lamang ito at walang any bases. May hinahabol pa kasi akong tipaklong.)


Camille: Po? Ina, ano po ang inyong ibig sabihin?

Ina: Halika ka nga!


Fast Forward...


Nang dalhin ako ni ina sa Orakulo ay halos hindi ko na alam kong ano ang iisipin ko. Alam ng lahat na ang Orakulo ay magaling na makakapagsabi ng hinaharap at maliban pa dito ay madali niyang malalaman kung ang isang babae ay nagdadalang tao.  Hindi ko lamang maintindihan kong bakit dinadala ako ni ina sa kanya dito. Halos hindi na ako binitawan ni ina hanggang sa kami'y makapasok sa silid ng orakulo.


Ina: Pakitingin ang aking anak.

Orakulo: Opo, Mahal na Reyna.

A Gangster is a REAL long lost PrincessWhere stories live. Discover now