SLIT [09]

3.4K 135 17
                                    

“BERTO, 'wag mo nang ibigay kay Boss—”

Hindi na nagawa pang pigilan ni Erik si Berto na ibigay sa kanilang boss ang cellphone dahil huli na siya. Narinig na niya ang boses ni Boss Madam sa kabilang linya. “Erik, hindi ka daw makakasama sa operasyon later?” Agad niyang nahinuha na ang isip-batang Boss Madam ang kausap niya. Kahit papaano ay nabawasan ang takot niya sa dibdib.

“H-hindi po, e. Pasensiya na po, Boss Madam. Kasama ko po kasi family ko ngayon. Ipinapasyal ko sila…” Hiling niya na sana ay hindi ito magalit.

Narinig niya ang mahaba nitong buntung-hininga. “Hay naku… Ayaw ko sanang payagan ka pero… sige na nga! Okay lang kahit hindi ka muna sumama today. Pero promise me na sa sunod ay sasama ka na, ha. Magagalit ako kapag hindi ka na naman sumama sa next operation. Mahirap kasi kapag kulang ng tao, e!”

“Promise po, Boss Madam. Sasama na ako sa susunod. Salamat po pala sa pagpayag ninyo.”

“Welcome, Erik! Wait, nasaan ba kayo ng family mo? Anong ginagawa ninyo? Kwento ka naman. I’m bored kasi!” Para talaga itong bata sa paraan nito ng pagsasalita at pakikipag-usap.

Medyo nailang tuloy siyang makipag-usap dito dahil naiisip niya iyong isa pa nitong katauhan na ayon kay Mando ay dapat siyang mag-ingat.

“Dito lang po sa mall. Kumakain po kami sa Jollibee—”

“Jollibee?! Wow!!! Ang tagal ko nang hindi nakaka-eat sa Jollibee! Talaga? Diyan kayo kumakain? Sa bida ang saya?!”

“O-opo. Dito po kasi gusto ng mga anak ko, Boss Madam.”

“Favorite ko din ang Jollibee kaya! Kaya lang, I have no time na to eat sa ganiyan, e. Anu-anong in-order ninyo?”

“Burger po, french fries, spaghetti, Chicken Joy po saka sundae.”

Totoo ba talaga na Jollibee ang pinag-uusapan nila ni Boss Madam? Parang sa dami kasi ng pera nito ay hindi siya makapaniwala na kumakain ito sa isang pang-masa na fastfood restaurant.

“Bakit walang peach-mango pie?!” Medyo tumaas ang boses nito na ikinagulat niya ng kaunti.

“P-peach-mango pie? Ano po iyon?”

“Peach-mango pie! Hindi kayo um-order niyon? Bakit?!”

“Hindi po kasi namin alam na merong ganoon sa Jollibee. Minsan lang po kasi kami nakakakain sa Jollibee kaya—”

“Paanong hindi mo alam? Lahat ay alam na merong peach-mango pie sa Jollibee! Ang peach-mango pie ang pinaka masarap na pagkain sa Jollibee! Dapat ay pinapakain mo ng ganoon ang mga anak mo! Anong klase kang ama?!” Mataas na talaga ang boses ni Boss Madam na para bang ang laki ng kasalanan niya. “Ilan ba ang anak mo?!”

“A-apat po—”

“Bumili ka ng apat—Ay, hindi. Anim na pala. Anim na peach-mango pie. Tig-iisa ang mga anak mo at kayo ng asawa mo. Babayaran ko kapag nagkita tayo ulit. Nagkakaintindihan ba tayo, Erik? Picturan mo dahil gusto ko ng pruweba!”

“Opo, Boss Madam!”

Nakakatakot naman ito. Dahil lang sa peach-mango pie ay nagalit na agad ito ng ganoon.

“Sige na! Ayaw na kitang kausap. Pinapainit mo ang ulo ko, e. Bye, Erik!” At naputol na doon ang usapan nila ni Boss Madam.

Napabuga ng hangin si Erik. Napailing na lang siya sa naging pag-uusap nila ng kaniyang boss. Pagharap niya para bumalik na sa loob ay nagulat siya dahil nasa likuran na pala niya si Maya. “Sinong kausap mo?” tanong nito sa kaniya.

“K-kanina ka pa diyan?”

“Ngayon lang. Ang tagal mo kasi kaya nilapitan na kita. Sino bang kausap mo?” Ulit ni Maya sa orihinal nitong tanong.

SICK: Part FourUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum