CHAPTER 2

424 24 0
                                    


"NANDITO ka na pala." bungad sa akin ni Moon ng makapasok ako condo unit ko. Inilagay ko muna ng helmet sa side table bago sumagot.

"Yeah." Maikling sagot ko habang inaalis ang pagkabuhol ng sintas sa sapatos na suot ko.

Nang matanggal ko ito ay umupo ako sa sofa at minassage ang dalawa kong paa.

"Saan ka pupunta?" agad kong tanong ng makita ko syang nakaayos.

"Kay Angelica. May date kami." sagot sa akin.

"Edi ikaw na may lovelife!" asar na turan ko. Humalakhak naman ng loko!

"Don't yah worry cous. Magkakaroon ka din nyan!"

"Nah! No need! Gastos lang yan."

"Paanong naging gastos ha?" tanong nya at umupo sa tabi ko.

"Look at you, Moon. Lagi kang gumagastos for dates with Angelica, hindi kayo nagsasawa na laging nagkikita ha?" tanong ko habang hinuhubad ang suot kong Longsleeve. Sanay na kong nakasando kahit nandito ang pinsan ko.

"Bakit ka magsasawa kung mahal mo yung tao. At isa pa, bakit ka gagastos kung ikaw naman babae?" tanong nya sabay pitik sa noo ko. Sa bagay may point naman sya.

"Ang corny mo sa unang part! And yes hindi ako gagastos especially when it comes to nonsense date for stupid couples!" natatawang sabi ko pero nakataas ang kilay. Natawa lang ang loko sa sagot ko at umiling. Maya-maya pa ay tumayo na sya then he tap my shoulder.

"I'll go a head! Lock the door when I leave, Alex." bilin nya pa. Para talaga silang magkapatid pag ganto ang pinsan.

"Kahit hindi na." nakangiting sagot ko, sinamaan nya naman ako ng tingin at pinitik ang noo ko.

"Stop being stubborn, Alex. Remember even your an agent you should take care of yourself too, don't use your position because sometimes position won't saved you in danger." Seryosong sabi nito. Ngumiti lang ako, lagi nya ng sinasabi yan. Tumango na lang ako at gamit ang kamay ay pinalabas ko na sya.

Nang makalabas si Moon sa condo ay inilock ko ang pinto. Pumasok na ko sa kwarto ko. Si Moon, Dito sya pansamantalang tumira ngayon dahil ayaw nya bumili ng unit kase hindi naman sya magtatagal sa pinas. Mayaman ang pamilya namin, madaming ari-arian pero mas pinili ko ang trabaho kesa sa unahin ang business namin samantalang sya nandito lang sa pilipinas for some business and after that he'll be back in New york para asikasuhin ang Kompanya. He getting mad when my mom told him that I chose my work over our business, until I heard he say na natatakot sya para sa akin dahil hindi daw lahat ng ganitong trabaho, ligtas. Tama naman sya sa part na yun but trust me hindi ko pipiliin ang trabaho na 'to kung hindi ko kayang protektahan ang sarili ko.

At isa pa ayoko kase talaga. Gusto kong mamuhay ng maayos, ayoko na may babati sa akin ng kung ano-ano dahil amo nila ko. Gusto ko yung simple lang, simpleng tao. Yung hindi tinitingala dahil lang mayaman at kilala ang pamilya nyo sa larangan ng business.

Katulad ngayon tahimik akong namumuhay kahit alam kong delikado ang trabaho ko. I really love actions. I love guns, hindi ko alam kung saan nagsimula pagiging adik ko sa baril basta dumating lang sa point na mas pinipili ko ang baril over Barbies. I'm not lesbian, naaattract ako sa lalaki but now, ayoko muna maattract. Nakakatakot.

Agad kung kinapa ang cellphone sa bulsa ko dahil bigla na namang itong tumunog. I receive a message from Sir. Akron. I opened it.

From: Sir

Ms. Montecarlos go to my office tomorrow around 8 o'clock in the morning. We have some discussion about your mission with Mr. Buenavista. I expected you tomorrow morning.

Napahawak ako sa sintido. After that I went to bathroom, gusto ko magpahinga. Gusto ko magbabad sa bathtub para magpahinga, ewan ko pero mas bet ng katawan ko na nagpapahinga sa tubig. Well, nakakapagpakalma naman talaga yun sa mga taong mahilig magbabad sa tubig.

Kinabukasan maaga akong nagising dahil ayaw ni Sir na nalalate when it comes to work, you need to double time lalo na ngayon na may mission ako. Mission na hindi ko alam kung malulutusan dahil ang binigay sa akin na kapartner ay daig pang babae, no cut it. Babae talaga! walang hiya!

Kinuha ko na ang helmet sa side table at dumiretso na sa parking lot. Mabilis akong sumakay sa motor at pinatakbo na ito.

Wala pang thirty minutes ng makarating ako sa Office. Sinalubong ako ng mga katrabaho ko at bumati. Nginitian ko naman sila at binati pabalik.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin yung sarili ko. Tuwing naaalala ko kase na bakla yung kapartner ko parang mas gusto ko na lang magback-out! Ang inaalala ko naman ay anak sya ng isa sa may pinakamataas na position sa amin, so bali pag nagback-out ako. Wala na din akong trabaho at kapag nangyari yun, matutuwa si Moon dahil wala akong choice kundi ang bumalik sa kompanya at pag nangyari yun, mawawala lahat ng pangarap ko!

"Ahhhh!" hindi ko maiwasang mapatili habang inaantay ang pagbukas ng elevator. Pupunta ko sa office director kung saan magkakaroon ng meeting para sa akin and to that gay. Hays!

"You don't need to shout lalo na't nasa Office ka." agad akong napatingin sa nagsalita.

Napataas ang kilay ko.

It's Carlos.

"Why do you care?" maarte na tanong ko. He just smirk at pumasok na sa elevator na kabubukas lang. Mabilis naman akong sumakay at pumwesto sa likod. Walang tao kaya pwede kong gawin yung gusto ko.

Sinandal ko ang ulo sa malamig na pader ng elevator. I really want to rest right now feeling ko pagod na pagod ako.

"Wanna lay on my shoulder?" agad akong napadilat ng mata at tumingin sa kanya.

"Wanna punch?" tanong ko habang pinapakita ang kamao.

Humagikgik naman ang bakla kaya mas lalong uminit ang ulo nya.

Mabait naman ako.

Ewan ko lang kung bakit ang init ng dugo ko sa kaharap.

Maybe because I don't want him to be my partner?

Or maybe because he's gay?

Arg! I don't know!

"Do you have menstruation today, girl? Highblood ka masyado." maarteng tanong nya habang inaayos ang lips nya. He put some lip balm kung saan mapapansin mo na maganda ang kulay ng labi nya at mas lalo pa itong kumintab ng naglagay sya ng lip balm.

But wait…

"Do you use contact lens?" hindi ko maiwasang tanong. He didn't wear a sunglasses kaya napansin kong hindi kulay berde ang mata nya ngayon..

"Why do you care?" maarteng tanong nya sabay baling ng tingin at ngumiti sa akin. Sakto namang bumukas ang pinto ng elevator, mabilis syang lumabas. Lumabas din ako, while watching him walking makes me laugh. Seriously? bakit napili nitong maging secret agent kung sa paglakad pa lang nito hindi na pasado. Dinaig pang babae, kailangan may pakembot.

Napailing na lang ako at pumikit. Ngayon ko lang napansin na kulay pink ang suot nyang suit samantalang ako nakablack leather jacket at pantalon, sando at bra lang ang suot ko pang-itaas. Wala nasanay na sa ganitong suotan, anong magagawa ko?

Napailing ulit ako sabay kamot sa ulo.

Mukhang mas lalaki pa ko sa kapartner ko.

Lord! Help me!

Double G! (On-hold)Where stories live. Discover now