CHAPTER 1

493 28 4
                                    


TITIG NA TITIG ako sa monitor ng computer, another mission for another partner? Lexi is the best partner that I have. Pero last time na nagmission kami magkasama which is sa Lacouve Club. Napuruhan ang kaliwang paa nya kaya ayun, sa sariling bahay nya na sya nag trabaho, under pa din sya ng Kompanya namin.

"Sino na naman makakapartner ko?" kamot sa ulong tanong ko sa sarili.

"Hays! Pwede bang 'wag na ko magpartner!" naiinis na talaga ko, ewan ko! Until now wala pa silang nahahanap na kapartner kaya ako na sariling naghahanap.

Ang una kong napili si John. Kailangan kase lalaki. Sya ang una kung napili pero kapanganganak lang ng asawa nya at kailangan nitong magbantay. Pangalawang napili ko ay si Nathan, ang kaso may sakit sya ilang linggo na. Sunod si Anthonio, sya na lang ang inaasahan ko pero hindi din pwede dahil may naassign na sa kanyang mission kaya imposible na maging maka-oo sya sa alok ko. Kaya ang sinagot nya sa akin? Hindi!

"Alex! pinapatawag ka ni Sir. Asap!" bigla akong tumayo at nagmamadaling pinuntahan ang office. Just like what I said kumatok muna ko before I entered the room.

Bumungad sa akin sya akin ang Head ng kompanya. Ngumiti sya sa akin at tinuro ang upuan sa harap nya. Ngiti naman ako pabalik at pumupo sa tinuro nya.

"Pinatatawag nyo raw ho ako?" magalang na tanong ko pagkaupo na pagkaupo.

Tumango naman ang matanda at ngumiti sa kanya.

Inabot sa kanya ang envelope na hindi nya alam kong ano ang laman.

Kinuha nya ito at binuksan.

"That is Joaquin Carlos Buenavista.." sabat ng matanda ng makita nya ang litrato.

Mula sa picture ay natanaw nya ang hindi kalakihan nitong katawan, matangkad pero hindi macho. Gwapo. Matangos ang ilong at kulay berdeng mga mata, mapula ang labi at makinis ang balat. Kung marupok lang sya sa ganitong klaseng lalaki ay tiyak na naglulupasay na sya ngayon dahil sa nasisilayang litrato ng binata.

"He's my son, Iha. Sya ang makakapartner mo sa panibagong mission na inassign ko sayo." wika nito na may ngiti sa labi.

"Totoo po ba ang mga mata nito?" manghang tanong nya. Napakaganda kase talaga ng mga mata nito.

"Yes. Nung una napagkamalan pa namin yang bulag dahil nang sinilang yan, hindi sya agad dumilat. Ilang linggo lang yang nakapikit, kaya laking tuwa ng asawa ko na nakuha ang mata nito sa kanya." matabang na wika nito. Halatang hindi nya kase gusto ang pagiging kulay berde ng mga mata ng anak.

"Anyways Ms. Montecarlos. Joaquin is on his vacation." Pahabol nito.

Nagtatakang napatingin ako dito.

"But he will arrive at tomorrow night so prefer yourself dahil ikaw ang magsusundo sa kanya."






KINABUKASAN tanghali na nagising si Alex. Wala kase syang pasok dahil magsusundo sya ngayon ng isang baby! Oo baby! Dahil parang hindi nito kayang umuwi mag-isa sa mansion nila ng walang sumusundo! Baka gusto nya magdala pa ko ng pacifier para lang baby'ng baby na ang datingan nya! Jusko!

Dalawang pares ng damit ang pinagpipilian nya. Yung isa floral dress na blackless at yung isa naman ay Plain black dress na hanggang tuhod pero revealing masyado dahil kita ang cleavage nya once na masuot nya ito.

Napailing sya. Bakit ganito ko pinili kong gayong magsusundo lang naman ng lalaki.

Pumunta sya sa closet at kinuha ang simpleng fit na pantalon at sando, pinatungan nya yun ng Longsleeve polo.

She applied light make up on her face then maroon lipstick. She loves maroon!

Kinuha nya ang rubbershoes at umalis na ng condo.

Maaga-aga pa para dumiretso sa airport kaya nagpunta sya sa fastfood chain hindi kalayuan sa condo nya. She brought fries and burger, pirmi pa syang napakaupo habang nakatapak ang paa sa upuan.

Tumambay muna sya doon ng isang oras dahil libre naman ang wifi. Pagkatapos ay napagpasyahan nya ng lisanin ang lugar at pumunta na ng airport.

Trenta minutos na syang nakatayo pero hindi pa din nakadarating ang taong susunduin. Nagmumukha tuloy syang bodyguard!

Naiinis na umupo sya sa waiting area at dun pinagpatuloy ang paghihintay habang hawak-hawak ang tarpaulin na may nakasulat na "WELCOME BACK CARLOS" ay may puso pa.

Letse!

Naiinis talaga sya. Gusto nyang punitin ang hawak pero wala syang nagawa dahil kailangan daw ito para makilala sya ng kapartner.

Mula sa pagkakayuko ay nakita nya ang isang sapatos. Sapatos na panglalaki kaya mabilis syang umalisto. Iniisip nya kase isa ito sa mga nahuli nya at ngayon ay gusto syang gantihan.

Nang tignan nya ito ay may suot itong shade. Kahit ito pa lang ang first meet nila ay nakilala niya ito agad.

"Joaquin.." tawag nya sa pangalan na akala mo ay close sila nito.

Biglang umarko ang kilay nito at mahina syang tinapik sa balikat.

"Ikaw ba yung chararat na magsusundo sa akin?" napanganga sya sa tanong nito. Damn! Bakla ba 'to?

Pinasadahan nya ng tingin ang kaharap mula ulo hanggang paa.

Matangkad talaga ang binata. Hanggang ilalim lang sya ng tenga nito.

"I know that I'm pretty but Hey! You don't need to stare me like there's no other tomorrow! Why don't you help me na lang?" maarteng sabi nito at pilit na pinapabuhat sa kanya ng dala nitong bag.

Letse naman!

Inis nya itong inagaw sa kaharap at walang ganang binuhat. Humigikgik naman ang bakla na akala mo nakuha yung candy na gusto.

Sinundan nya lang ang bakla. Patuloy lang sya sa paglalakad pero bigla din huminto ng mabungo sya sa isang malabot na dibdib.

Agad syang napatingin sa may-ari, bumungad sa kanya ang baklang sinundo.

"So ikaw yung makakapartner ko sa mission?" tanong nito habang naglalakad papunta sa sasakyan na pagmamay-ari nung tatay ng kasama.

"Yes." maikling sagot nya.

"Mukha ka naman stick. Malakas ka ba?" agad tumaas ang kilay sya sa sinabi ng kaharap. Umirap sya at bumuga ng hangin. What a jerk?!

"Ako pa mukhang stick? Why don't you look in the mirror then say this 'bakit nga ba mukha akong palito'. Hmm?" mataray niyang sagot.

Payat kase talaga ang kaharap. Matangkad pero payat, hindi naman yung sobra may laman naman ito kakaunti pero unti lang.

Natatawang tinignan lang sya ng kaharap at sumakay na ng kotse.

Inilagay nya ang dala-dalang bag sa loob at akmang isasarado ng biglang iharang nito ang isang kamay sa pinto at nagtatakang tinignan sya.

"Hindi ka sasabay?" takang tanong nito. Umiling lang sya syaka tinuro ang motor na nasa harapan ng sasakyan.

"Dyan ako sasakay." sabi nya lang at sinirado nya na ang pinto. Hindi pa sya nakakalayo ng biglang may humarang sa kanya. And guess who?

"Get lost." utos nya. Harangan ba naman sya.

"Ayoko!"

"Gusto ko ng matulog! Why don't you get out of my way because i'm fucking tired!" naiinis na mura nya. Nangangalay na din ang mga paa nya dahil sa kaninang pagtayo nya.

"Did you…Oh gosh! Minura mo ba ko?" parang tangang tanong nito.

"Yes! So now umalis ka na at sumakay dun kung ayaw mong bumulagta." banta nya pero natawa lang kaharap. Sa sobrang inis ay sinipa nya ang paa nito pero laking gulat nya ng mabilis itong nakailag.

"Nice move!" natatawang sabi nito sa kanya at nilagpasan nya, napatid pa ito pero agad ding umayos at sumakay sa sasakyan.

Natatawang napailing sya.

Magaling umilag,

This is the first time

Na may nakailag sa sipa nya.

Pero mukha naman lampa.

"Sana natuluyang napahiga sa kalsada." mahinang bulong niya sa sarili at sumakay ng motor.

Double G! (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon