Chapter 59

46.9K 1.7K 871
                                    


"Bakit mo nagawa to Sari?" Sobrang hinanakit na tanong ni Primo sakin. But watching him in front of me feels nothing. "Sobrang minahal kita, sinamba kita at binigay ko lahat para lumigaya ka but you still cheated on me for a woman——" Buong buo ang emosyon niya at damang dama ko. "Ano ba ang naging pagkukulang ko sayo?

Sabihin mo para mapunan ko."

I slowly pulled away the cup of tea away from my lips. "Wala kang pagkukulang." 

Ginulo ni Primo ang buhok niya in frustration. He looks depressed na parang ilang gabi siyang hindi nakatulog. "Then tell me why kung bakit mo ako niloko para maintindihan ko——" 

Mabuti nalang at konti lang ang tao dito sa restaurant na lagi namin pinupuntahan. He insisted to go somewhere private though but i declined. As much as possible ay ayaw kong manatili sa iisang kwarto na kaming dalawa lang ni Primo. I won't let him to take advantage of of me again because he already hurt me nang komprontahin niya ako about my dance with Clay that night before we leave Maldives. 

Since pagod na ako magtago, magpanggap at maging manhid ay sinabi ko ang totoo at lahat kay Primo. As expected, nagalit siya. Galit na galit. 

"Hindi kita niloko." Mariin ko na sabi but i made sure it was loud and clear for him to understand. "Nagtiis ako ng ilang taon na pakisamahan ka..." 

"What?" I can't explain his reaction. More in disbelief. 

"Pinakasalan lang kita dahil sa kagustuhan ng parents natin."

I may seem to be a heartless person right now but this is the only way for me to escaped this prison with Primo. Siguro naman tama na ang ilang taon na pagtiisan ko na kasama ko siya, it's time for me to go where i truly belong. 

"Ano bang pinagsasabi mo Sari?" Naiyak si Primo. Hindi na niya kinaya ang mga pinagsasabi ko. Pero mas mabigat ang pinagdaanan ko. "Please let's fix this. I would do everything dahil ayaw kong masira ang kasal natin."

Bago sumagot ay dahan dahan kong kinuha ang mga kamay ko from him. "I'm sorry Primo but our relationship will never work." 

"We will make this work, I love you and you love me——"

Kumuyom ang palad ko while looking at him. "I never loved you Primo." 

Galit na napatayo si Primo, namumula ang mukha niya. "That's not true! Nabubulagan ka lang dahil sa Clay na yan! Wake up Sari." Sumisigaw na siya samantalang nanatili lang akong nakaupo. I don't care kung may mga nakakarinig.  "Ginagamit ka lang niya dahil mayaman ka——" 

"You don't know her." Pigil emosyon na sabi ko kay Primo. I have to defend Clay's credibility. She is not a gold digger. Never naging issue ang yaman sa pagitan naming dalawa. At least, for me and her. 

Primo laughed bitterly. "As if you know her still? Ang tagal ninyong walang communication Sari, wala kang ideya kung ano ba ang ginawa niya, kung nagbago na ba siya o..." 

"Her amnesia took her away from me." I glared at him furiously. Wala siyang karapatang pag-isipan si Clay ng masasamang bagay. "Ikaw nga ang tagal kong kinasama sa iisang bubong, katabing matulog sa kama pero hindi parin pala kita kilala." 

Primo was caught off guard. "What?"

This is my time. 

Sumandal ako sa upuan na hindi kumukurap man lang dahil gusto kong makita ang reaction niya sa sasabihin ko.  "And do you really think I'm stupid para hindi malaman kung ano ang ginagawa mo Primo?" 

His face turned silver in shock.

"Ilang taon mo na akong niloloko with Lukas but I never say a word to you." Pagpapatuloy ko. "At kung meron mang dapat magalit sa pagitan nating dalawa ay ako yon." 

Phone Sex Operator (lesbian)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon