Chapter 57

47.2K 1.2K 945
                                    


We only realized so many things when we are facing death. Happy or sad memories and some few regrets. Like about not doing things you’ve wanted, visiting places you were dreaming off or not pursuing someone you love because you’re afraid of trying. Those are the regrets that will keep haunting you forever. Somehow it’s the irony of life. The chances we never take, and the opportunities we took for granted.

And watching Sari's sorrowful face is heartbreaking. Gusto ko sana syang yakapin pero wala akong magawa dahil nanghihina at nanginginig ang buong katawan ko. I could even feel so out of breath as my heart beating started to drop.

"I'm right here.." Bulong sakin ni Sari. "Lumaban ka pakiusap Clay."

Pinisil ko ang kamay ni Sari bago ako tuluyang dalhin sa emergency room. Habang nagkakagulo ang mga tao sa paligid ko ay nakahiga lang ako at nakatingin sa kawalan. Then all of a sudden, a smile crept on my lips when i see my parents waving at me. Eto na ba? Magsasama na ba ulit kami? Sobrang miss ko na sila at mapayapa akong pumikit.

"Clay.." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. "Why are you here?"

Tumingin ako sa paligid at napansin ko na nakasakay ako sa kotse. Pero teka lang, bakit ako napunta dito? It took me a little time before i recognized her face, so beautiful, so warm and mystifying. "Gold?"

She smile at me that i really missed. My gosh, buhay na buhay si Good in every way, kaya naman hindi ko napigilang maiyak. She always touches my heart. "Oh bakit ka umiiyak? What's wrong?"

Umiiyak na iling ako. "Wala naman."

Gold give me a sideway glance. "I know you."

Natawa ako at kinuha ang kamay nya. "Sobrang namiss lang kita Gold."

"Ahh..." Huminga sya ng malalim na may ngiti sa kanyang labi. "How i missed the way you says my name." Pinisil ni Gold ang kamay ko. "I craved for it so much."

Tahimik ko na pinagmasdan si Gold na masayang nagmamaneho ng sasakyan. I don't have any idea kung saan kami pupunta. Maybe sa dapat naming pupuntahan nong gabing maaksidente kami? Isasama na ba nya ako? Patay na ba ako?

"You need to go Clay. " Bulong ni Gold na hindi tumitingin sakin. "Hindi mo pa panahon, marami pang bagay ang naghihintay sayo."

Napaiyak ulit ako dahil hindi ko alam kung paano gagawin ang sinasabi nya. "Pero paano?"

This time she turns to look at me. "Just remember why you have to." Bigla kong naalala sina Nanay, Maggie at syempre si Sari. "Why you need to." Dahan dahang lumapit si Gold sakin and without any hesitation ay niyakap nya ako. "She is waiting for you."

Pumikit ako at niyakap ko din si Gold. "Thank you so much Gold for everything, kung hindi dahil sayo ay hindi ko makakasama si Sari at kung hindi dahil sayo ay hindi ko mararansan ang tunay na pagmamahal."

Naramdaman ko ang paghagod nya sa likuran ko. "You are welcome Clay."

At biglang nagblack-out ang paningin ko at nawalan ng malay. Hindi ko na alam kung anong nangyayari basta natulog nalang ako ng natulog hanggang sa hindi ko matiis ang sakit ng aking lalamunan.

Despite of pain ay kinaya kong buksan ang mga namimigat kong mga mata. Ngunit sinalubong ako ng liwanag at sobrang lamig na parang nagpatigas ng mga daliri ko kaya hindi ko maigalaw. May suot din akong oxygen mask para suportahan ang paghinga ko.

Inilibot ko ang aking paningin until i found someone's sleeping in the couch. Si Sari. Sinubukan kong igalaw ang mga kamay ko pero hindi ko magawa dahil sa sobrang panghihina. Kaya mas pinili ko nalang tumahimik at hinayaang matulog si Sari. Nawala ang galit ko sa lahat habang pinagmamasdan ko siya, mas ramdam ko ang pagmamahal ko para kay Sari at pagpapatawad. Kung tutuusin ay mas mabigat ang pinagdadaan ni Sari, she sacrificed a lot alone. Habang ako ay namuhay ng normal, na parang walang nangyari.

Phone Sex Operator (lesbian)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon