Chapter 1

151K 2.5K 1.6K
                                    

This is my last year in College at ilang araw nalang ay makakagraduate na ako. Hindi na ako makapaghintay na iwanan ang buhay estudyante and to finally pursue my dreams.
Maari narin akong mamuhay ng normal at iwanan ang trabaho na matagal ko ng tinitiis. Yes, nagworking student ako para buhayin ang aking sarili dahil wala na akong pamilya, matagal ng namatay ang magulang ko kaya naiwanan na akong nagisa.

Simula ng mawala sina Mama at Papa ay naging independent na ako. Hindi ako umasa sa ibang tao, nagsumikap para makapagkolehiyo. Scholar ako ng school namin pero dahil private ito ay kinakailangan ko paring gumastos especially sa mga libro at kung ano ano pa.

Para mairaos ang pangangailan pang araw araw ay pumasok ako bilang crew ng kung ano anong fast food chain, nagsideline na tutor, minsan sumasali ako sa mga beauty contest dahil hindi naman sa pagmamayabang ay kahit paano may maipagmamalaki rin naman ako. Hanggang sa may kaibigan akong nagalok sakin na maging phone sex operator.

Sa pangalan pa lang siguradong tataas na ang kilay ng mga tao. Iisipin na marumi itong trabaho which is true. Kailangan ng matinding sikmura para kumita ng malaking pera. Noong una syempre pakiramdam ko masusuka ako sa kalakalan na ito pero hindi nagtagal ay nasanay na ako. Kaya naman kahit paano ay nabibili ko yung bagay na gusto ko. Pero syempre very confidential ang trabaho ko at walang nakakaalam or else tapos ang maliligayang araw ko.

"Ms. Acevedo." Narinig kong tawag sakin ng professor ko.

Medyo kinabahan ako. Paano kung binagsak mya ako? Pero close kami ni Sir. Alam nyo yun sangga dikit kami. But gosh, I can't afford to fail. Lumapit ako sa kanya. "Yes Sir."

Inalis ni prof ang suot nyang eye glasses at tumingala sakin. "Do you have any family or relatives?"

The question really caught me off guard. Bakit naman nya tatanungin ang bagay na iyon? Umiling ako. "No Sir. Ulila na akong lubos."

"So wala kang kasama sa graduation?"

"Maybe my best friend."

Tumayo sya at may kinuhang papel sa lamesa. "Do you want me to walk you to the stage?" Nabigla ako hindi dahil sa offer nya kundi bakit nya iyon gagawin. Maybe he read what's on my mind. "You are a suma cumlaude Ms. Acevedo."

"W-what?" Nataranta na ako at biglang niyakap si prof. "Oh my gosh, thank you."

Tinapik tapik lang ni Sir amg balikat ko. "Umayos ka na Clay baka may makakita satin at baka kung ano pa ang isipin."

Namumula sa hiya ang mukha ko. "Ay sorry po. Hindi ko lang mapigilan yung saya ko ngayon."

"It's okay." Nakangiting sabi ni Sir. Inabot nya sakin ang papel. "Just tell me if you need a hand, I will gradly help you Clay."

Para akong nasa cloud nine nagkalabas ko ng klasrum. Tinext ko agad si Maggie para ibalita sa kanya yung achievement ko. Pababa na ako ng elevator ng harangin ako ni Kib. Sya ang pinakasikat na lalaki dito sa school, campus crush kumbaga at sya ang isa sa mga walang kwenta kong ex boy friend.

"Masaya ka ata Clay." Nakangiti nitong sabi sakin. Himala wala ata yung mga minion nya at nagiisa sya.

"Oo kanina, pero ng makita ko yang pagmumukha mo hindi na." Matapang ko na sagot. Tinulak ko sya paalis sa daanan ko pero nakasunod parin sya.

"Ayan yung gusto ko sayo Clay." Paghabol na salita sakin ni Kib. "Hard to get, palaban. Kakaexcite."

"Leave me alone." Mas binilisan ko pa ang paghakbang. Wala akong pakialam kung may mabangga man ako o maitulak basta ang mahalag ay mahabol ko ang byahe pauwi. Mahirap kasing maghintay ng jeep dito sa school. Laging punuan.

Phone Sex Operator (lesbian)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon