Chapter 5

83.9K 2.4K 944
                                    

Hating gabi na pero wala parin kaming pagod mag usap ni Maggie dito sa labas ng tindahan nila habang umiinom ng alak as a celebration sa pagtatapos ko ng College. Kasama namin ang iba naming kaibigan kaya parang may fiesta, samantalang ako medyo nakakaramdam na ng pagkahilo. Hindi naman kasi ako tanggera, bihira rin akong makatikim ng alak kaya ilang bote lang lasing na. Dinadaan ko nalang sa pulutan at chikahan para mas mauna silang malasing kaysa sakin.

Marami rin akong natanggap na tawag today from several companies and invited for interview bukas. Finally, nakapili narin ako. Hindi lang malaki ang sweldo, marami ring benifits at may bayad ang OT hindi lang basta thank you.

Lumabas si Nanay na may dalang pulutan na adobong paa ng manok at sisig. "Last na ito at magsipagpahinga na kayo."

"Grabe ang KJ mo talaga Nay." Reklamo ni Maggie na pulang pula ang mukha.

"Baka gusto mong batukan kita dyan Margarita." Bulyaw ni Nanay ma ikinatawa naming lahat. "Nabubulol ka na nga sa kalasingan may pa KJ, KJ ka pang nalalaman diyan."

"Chill lang Nay." Naiiling na awat ni Maggie sa ina. "Hindi ka na mabiro e. Lagi kang high blood. YOLO dapat ang isipin natin."

"Anong YOLO?" Taas kilay na kwestiyon ni Nanay sa anak.

Tumungga muna si Maggie ng alak bago sumagot. "You only live once—"

"Kung ano ano yang pinagsasabi mo Margarita." Ubos pasensyang sabi ni Nanay. "Tama na yang inom at magpahinga na kayo, may interview pa kayo bukas sa trabaho."

Tumango tango ako. "Opo nay, last na to."

"Mabuti pa si Clay e—" At piningot ni Nanay si Maggie. "Pero ikaw nagrereklamo ka pa."

Napadabog si Maggie. "Nay naman e, 21 na ako pero pinipingot nyo parin ako."

"21 ka nga pero hanggang ngayon nanunuod ka parin ng Doraemon Margarita." Sermon ni Nanay bago tumalikod at pumasok sa loob ng bahay.

"Grabe Maggie, nanunuod ka parin ng Doraemon?" Nakakalokong tanong ni Tori. Sya yung nakalabam ko sa billiard.

"Manahimik ka Tori." Pagbabanta ni Maggie na may kasamang pag irap ng mata. "E bakit ba? Maganda ang Doraemon ah." Lalo lang kami natawa. Of course, I know na favorite ni Maggie si Doraemon. Hindi naman para sa bata ang mga cartoon, anime kundi pwede rin sa mga young at heart. "Uminom nalang tayo." Itinaas ni Maggie ang hawak nyang bote. "Para sa pagtatapos ni Clay." Sumunod kaming magkakaibigan. "Cheers!"

"Clay.." Hindi lang ako ang napalingon kundi lahat kami sa taong tumawag ng pangalan ko.

"Teka bakit—"

Pero agad kong inawat si Maggie bago pa sya maghalimaw. Tumayo ako at nilapitan si Kib. "Anong ginagawa mo dito?" I tried not to sound attacking him at napansin kong lasing sya.  "Gabi na Kib."

Kib gave me a drunken smile. "I just want to see you Clay."

"Bakit?" Wala na akong ibang maisip na itanong.

Sinuklay ni Kib ang kanyang daliri sa buhok nya bago tumingin ng daretso sa akin. "Let's just talk and fix everything Clay."

"Kib..." My voice is warning him not to continue what he is going to say. "We are done, napakahirap bang intindihin non?"

His face twist in pain and rejection. "But I still love you Clay."

"But I don't." Mariin at matigas ko na sabi. "Wala ka ng aasahan sakin Kib, wala ka ng babalikan." Namula ang kanyang mata pero hindi ito ang magiging dahilan para bawiin ko ang desisyon ko. "Kaya please lang. Kahit wag ka ng maawa sakin Kib, kahit sa sarili mo nalang."

Phone Sex Operator (lesbian)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon