Chapter 7

4.4K 351 256
                                    

Angela Jeon's POV

"Disbandment? Anong kaputahan 'to, ha Bangtan?!"

I noticed them flinch. 'Di talaga ako nagmumura, pero punyeta lang kasi 'di ko maintindihan kung bakit nila kailangan 'yun gawin.

"Sagutin niyo ako!" I shouted since they don't want to answer. I sighed and ran my hand through my hair, "Pangarap niyo 'to, Bangtan. Pangarap niyong maging isang sikat na performer. Pangarap niyong maipakita ang talents niyo sa buong mundo. Anong nangyari? Ha? Putang ina sumagot kayo!"

Walang nangahas na sumagot sa'kin. Tiningnan ko sila at inis na hinilamos ang kamay ko sa mukha ko. Naiiyak ako. Alam ko ang lahat ng hirap na dinanas nila para lang maabot ang ganitong estado ng kasikatan nila. Isang taon palang ang grupo nila. Masyado pang maaga para sa kanila ang tumigil.

"Ano bang nangyayari sa inyo? Tingin niyo ba magiging masaya si Jungkook sa desisyon niyong 'to? Masyado kayong padalos-dalos! Inisip niyo man lang ba ang mararamdaman ng fans niyo? Napakaselfish niyo!"

"Tingin mo ba 'di kami nahihirapan ngayon, noona?" Walang emosyong sabi ni J-Hope.

Umiwas ako ng tingin. Ayokong tingnan siya kapag seryoso siya. 'Di ako sanay.

"Tingin mo ba, 'di namin inisip ang mararamdaman ng Armys? Mahalaga sila sa'min at ayaw namin silang masaktan. At ikaw na rin ang mismong nagsabi, pangarap namin 'to. Selfish pa ba ang tawag sa'min kung handa naming bitawan ang mga pangarap namin?"

"Yun na nga! Ipaliwanag niyo sa'kin kung bakit kailangan niyong magdisband pa--"

"Kasi hindi Bangtan ang Bangtan 'pag kulang ang isa."

Saglit akong natigilan sa sinabi ni Jin.

"Sabay-sabay namin binuo ang mga pangarap namin para sa BTS. Nagsimula kami bilang pito. At kahit anong mangyari, 'di kami papayag na magperform sa harap ng fans bilang anim."

Unti-unti nang tumulo ang mga luha nila. Napabuntong-hininga nalang ako at niyakap sila.

'Di man sang-ayon, susuportahan ko parin sila.

Naiintindihan ko sila. Naiintindihan ko ang point nila na kaya nila 'yun ginawa dahil pito sila. Pito ang miyembro ng Bangtan at 'di nila kayang magperform ng 'di kumpleto. Pero nanghihinayang ako. Kaya pa naman nilang magpatuloy eh, kayang-kaya pa. Pero desisyon nila 'yun bilang grupo. 'Di na ako makikielam at susuportahan ko nalang sila.

-
Someone's POV

Lihim akong napangiti. Nako, nako. Lahat talaga ay umaayon sa plano ko.

Tingnan mo nga naman. Namatay na 'rin si Channel. Babalik na 'rin siya kung saan siya nararapat.

Sa impyerno.

Eto namang si Angela, ang drama talaga ng babaeng 'to. Nakakainis. Ang dami pang kapunyetahang nalalaman sa buhay.

Pero mabuti na rin 'yun. At least, nadidistract na siya. Nakakalimutan niya na ang tungkol sa kaso ni Jungkook.

Ang engot mo talaga, Angela.

-
question of the day:
anong gagawin niyo kung sakaling (no. please don't let this happen. kahit na alam kong mangyayari din 'to sa future pero please, 'wag muna ngayon) mangyari na talaga ito sa bangtan?

Who Killed Jeon Jungkook?Where stories live. Discover now