Chapter 25

2.4K 148 85
                                    

Mikaela's POV

Habang nasa kotse kami, kausap ni Angela si Jodi sa telepono. Ngayon ko lang talaga nakitang nagalit si Angela. Sa lakas ng boses niya, para niya nang pinapagalitan si Jodi.

It's really amusing. Sa isang araw, iba't ibang emosyon na ang nakita ko kay Angela Jeon.

"Tingin mo ba may kinalaman si Wang Jackson dito?" Tanong ko sa kanya.

"Possibly. Pero bantay sarado naman siya ng manager niya ngayon. Ewan ko. We would have to listen to his alibi."

Tiningnan ko siya sa peripheral vision ko at nakita ko siyang namomoblema ang mukha.

Napangisi nalang ako. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan, honestly. Noong mga unang buwan palang ng investigation, 'di ko naman siya nakitang ganyan kapoblemado. Or maybe yes, pero iba sa kasong ito.

"Bakit ka ba namomoblema diyan?"

Napansin kong mabilis siyang napalingon sa akin habang nakakunot ang noo. "Bakit ba hindi? Isa siya sa suspects natin! 'Di siya pwedeng mawala ng basta basta!"

Mas lumaki ang ngisi ko sa naging reaksyon niya. "Chill. 'Di mo naman ako kailangang sigawan."

Natahimik siya sandali at saka tumingin ulit sa labas.

"Sa totoo lang, kung hindi ka lang talaga detective at kung hindi mo lang kapatid yung namatay, pagdududahan na kita. Iisipin kong kaya ka namomoblema ngayon dahil baka tauhan mo si Jimin at natatakot kang mahuli kaya binabantayan mo ng maigi yung bata."

She stared at me for a few seconds before she scoffed, "Hindi ito ang panahon para magbiro, Mikaela. Ayusin mo ang trabaho mo."

With that answer, my grin only grew wider.

Pagkarating namin sa ospital, lakad takbo ang ginawa namin para makarating agad sa kwarto ni Park Jimin.

Pagkarating namin doon, naabutan naming pinagsasabihan ni Jodi ang head officer ng mga pulis na nagbabantay sa labas ng kwarto. Eto namang si Angela, nakisali pa.

Hindi ko na sila pinansin pa at saka pumasok na sa loob ng kwarto. Ang una kong napansin ay iilang traces of blood sa sahig. May dugong papunta sa malaking bintana ng kwarto na nasa kanan at may dugo ring papunta sa comfort room na nasa dulong kaliwa. Umupo ako at inobserbahan ang dugo nang biglang pumasok si Jodi sa kwarto.

"Si Angela?"

"Nasa labas, kausap si Xander sa cell phone."

Tumango ako at saka inobserbahan ulit ang kwarto.

"Kakaiba ang pattern ng dugo, hindi ba?"

Tumango ako ulit at saka tumayo. "Nagsimula ang dugo mula sa pintuan ng kwarto papunta sa bintana. Naputol ang trace tapos nagsimula ulit galing sa kama papuntang cr. Pero kapag pumasok ka naman sa cr, nawala ulit ang trace."

Bumuntong-hininga ako at saka binuksan ang pintuan ng cr para makasigurado, "Baka ang iilan sa traces ay pampalito lang ng kumuha kay Jimin." Hinarap ko siya, "Natingnan mo na ba ang CCTV?"

"Ihahanda daw muna ng security. Tatawagin lang daw tayo."

Biglang pumasok si Angela at nagulat nalang nang makita ang dugo na nakakalat sa sahig.

"Kay Jimin ba 'to?"

Naparolyo nalang ako ng mata at hindi na siya sinagot. Tanungin ba naman kami eh 'di rin namin alam kasi wala kami sa kwarto ni Jimin kanina? Tingin ko pareho kami ni Jodi ng iniisip kasi hindi siya sumagot at parang asar din siya.

Who Killed Jeon Jungkook?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon