Kabanata 9

1.8K 121 37
                                    

MAURICE

"Claude?" Naiusal ko nalang dahil sa kaba.

Hindi ko alam kung bakit siya biglang lumapit sa'kin ng ganitong kalapit. At ang mas malala ay hindi ko pa naramdaman.

May kapangyarihan ba siyang teleportation?

"Bakit ang lapit mo po sa'kin?" Nakipagtitigan siya sa mata ko na parang may gustong ipahiwatig

He smirked and whispered something that I couldn't understand.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Huh?"

Ano bang pinagsasabi niya?.

Minsan talaga hindi ko malaman ang ugali ng mga lalaki. Pabago-bago. Kahapon, ang sungit niya sa'kin na parang naiinis tapos hindi nakikipag-usap tapos ngayon kung ano-anong sinasabi niya sa'kin na hindi ko naman maintindihan.

"Anong ginagawa niyo?!"

Kaagad kong naitulak si Claude nang makita si Mr. Baroda na nasa harapan ng pinto at gulat na nakatingin sa'min.

"Naku! Sir! Mali po ang iniisip n'yo!" paliwanag ko dito pero pinaningkitan niya lang kami ng mata.

Nakita ko naman sa peripheral vision ko ang inis na pagtayo ni Claude sa sahig at sinamaan ako ng tingin.

Sabi ko na, e. Bipolar siya. Pabago-bago ng mood.

Naiinis na naman siya sa'kin.

"Umupo kayong dalawa ng maayos. Dapat hindi kayo magtabi," seryosong utos sa'min ni Mr. Baroda.

Napalunok na lang ako at sinunod siya.

Hayys.... mali 'yung iniisip niya.

Hindi ko alam kung saan ako titingin ngayon. Sa harapan ko ba kung saan nakatingin ng mataman ngayon sa'kin si Claude o kay Mr. Baroda na kung saan may malisyosong tingin sa'ming dalawa.

Pinaglaruan ko na lang ang aking dalawang daliri upang hindi makaramdam ng nerbyos.

"I'm very disappointed sa inyong dalawa Mr. Villarreal and Ms. Sillera. Talagang sa office ko pa kayo naglandian. Hindi na kayo nahiya," naiiling na simula ni Mr. Baroda.

"Nakadalawang offense na kayong dalawa. Una dahil sa naging gulo kahapon at ngayon... sa office ko. Dalawang araw ka palang na pumasok ulit, Mr. Villarreal pero dalawa na agad ang offense mo, while you-" tinuro niya ako kaya mas lalo akong napayuko." Scholar ka pero may ganito ka na agad. Hindi ka ba nahihiya sa mga nagpapaaral sayo? Imbes na pagpursigihin mo 'yang pag-aaral mo, gulo ang ginagawa mo?"

Napakagat ako ng labi sa sinabi niya.

Masyado naman yatang ang sakit niyang magsalita. Mali ba na tulungan ko ang kaibigan ko? Wala naman akong masyadong ginawa sa kanya. Pilit ko lang namang pinatigil ang pagdurugo sa saksak ni Daniel. Pero bakit parang mali pa rin ang ginawa ko?

Mali na pala ngayon ang tumulong.

Rinig ko ang malalim na paghinga ng nasa harapan ko kaya napatingin ako sa kanya. Masama ang tingin nito kay Mr. Baroda na parang gusto niyang saktan ito.

The Odds Against Us Where stories live. Discover now