Chapter 27: Party P2

Start from the beginning
                                    

-----------------

Kurt's Pov:

"Bakit di mo ba ako namiss ha?" Tanong ko kay Venice.

"Hindi no?! Hmp! Ikaw nalang, naku mas mabuti pa si Edward sa'yo!" Inis na sabi niya.

"Uy. Sino yang Edward na yan ha!?" Galit na tanong ko.

"Wala ka na dun! Atsaka, bakit ka ba kasi umuwi rito. Di ka naman namin kailangan rito no!" Inis niyang utas.

Hindi naman talaga ako dapat uuwi. Sadyang may hinahanap lang ako rito.

"Venice.. please okay naman tayo di'ba?"

"Okay?.. matapos mo akong iwan. Di no?!"

"I know and I'm sorry." Sincere na sabi ko.

I was lost at naiwan ko siya. Si Venice. Mahal na mahal ko siya kaya lang ay kailangan ko siyang iwan. Dahil may hinahanap ako. Ang gusto ko ay ayos na ang lahat bago ako bumalik sa kanya. I want to be whole again.

Ayaw kung magkulang sa kanya. That's how I love her.

Ngumuwi siya at tumingin nalang sa harap ng stage. Narinig ko rin ang kanyang singhap. Nakita ko ang emcee roon sa stage. Nagkaroon ng pagpapakilalang nangyari. Tinawag ang pangalan ko at nagbigay galang ako sa Emcee'ng tumawag sa'kin. Marami rin akong narinig na buntong-hininga habang tinatawag ang pangalan ko at ng mga kasama ko.

Nagkwentuhan kami pagkatapos kumain. Hindi narin kami uli nagkausap ni Venice tila iniiwasan niya na ako. Marami na akong natanong sa kanya ngunit ang lagi niyang sinasabi ay 'Oo' lang at 'Hindi'. May mali ba?

-------------------

Sam's Pov:

Hay! Nakakabagot naman dito. Namimiss ko tuloy siya. Ang boyfriend ko :3. Tapos naiinis pa ako kanina. Tinext ko si Cc na sama nalang kami patungo rito ngunit di rin pala siya ang susundo sa'kin kundi itong bugok na ito! Tsaka tumatabi pa ha! Ang kapal talaga ng mukha!

Naiinis parin talaga ako sa mga sinabi niya. Bakit naman ako pagtataksilan ng boyfriend ko? Mabait naman iyon. Tsaka kahit na minsan lang kami magkita dahil sa mga inaasikaso niya ay okay parin naman kami. We're still in touch.

Tiningnan ko ang cellphone ko. Napabuntong hininga ako. Hindi siya nagreply kanina at ngayon -.- Bakit ba sobrang busy ng boyfriend ko?

Nagtatawanan na sila ngunit di naman ako nakakarelate. Para yatang kinakabahan ako ngayon e. Napatalon ako ng hinawakan ni Shane ang kamay ko.

"O?"

"Are you fine? Parang ang rami mong iniisip ha?" Tanong ni Shane. Nilingon naman nila ako. Yumuko ako. Kung alam mo lang.

"Ano pa bang ibang problema niyan kundi boyfriend niya lang? Tss." Sabi ng katabi ko sabay iling. Inirapan ko siya.

"Pwede ba!? Kanina ka pa a! Huwag ka ngang sumali rito!" Sigaw ko. Kung siguro lang ay mahina ang tugtog ng music ay paniguradong makakarinig halos lahat ng tao rito.

"Shh! Sam.. Please pwede ba huwag kayong magaway rito? Please.. let's just enjoy the party. Ngayon lang ito, and this will be the last. So please.." sabi ni Shane tsaka tiningnan kami pabalik-balik.

Tiningnan ko si Chasten tsaka inirapan. Inirapan niya rin ako tsaka tumayo. Buisit! Ako pa talagang may kasalanan e! Arrg! Tumayo rin ako tsaka pumunta sa labas. Magpapahangin ako. Nakakasuffocate ang pagmumukha niyang gwapo sana pero mayabang lang at masungit. Daig pa ang babae. Parang may dalaw. Hindi naman iyon ganun kanina e! Gusto lang talaga niya akong mainis.

SHE'S THE GANGSTERWhere stories live. Discover now