Chapter 35: Kuya (Part 1)

3.7K 115 14
                                    

Chapter 35 of Part 1 is off. :)
Happy Reading mga #STGFAMILY 😘

--------------

•Cc

"Pwede ba kitang makausap?" He smiled and show his teeth widely.

Napatayo ako, pero bago paman ako makaalis ay bigla ng dumilim ang paningin ko.

***
Kumakain ako habang napatingin sa lalaking papaupo sa harapan ko. Ngumiti siya, mukha siyang anghel pero biglang nagdilim ang paligid.

Walang tao'ng makikita doon kundi kaming dalawa lamang. Nakakapangilabot.

Siya uli. Yung lalaking iyon kilalang-kilala ko siya, nagpakita uli siya.

***
Nagising ako at napatingin sa paligid. Anong ginagawa ko dito? Madilim ang paligid ko at tanging ang ilaw lang sa tapat ang nakikita ko.

Nakarinig ako ng tunog hanggang sa naging malapit ito sa akin.

"B? Anong? Bakit ka narito? Bakit ako nandito?" sigaw ko.

"Hello sister!" She smiled. "Kamusta ang tulog mo?" Sabay tawa.

"Silvia?! Bakit ako nandito? Ikaw? Bakit ka nandito?" Sigaw ko.

"Oh sister, are you alright? Huwag kang maghestirical diyan. You'll find out soon kung bakit." Kinindatan niya ako sabay alis.

Napatingin ako sa sarili ko. Nakagapos ako sa upuan, napabuntong hininga ako. Wala na din dito ang cellphone ko. Napatawa ako, cellphone talaga ang pinoblema.

Huminga ako ng malalim.

Sue mag-iingat ka...

Pero bago ko paman ipinikit ang mata ko may narinig na uli akong pumasok. Di sana ako magugulat kung hindi lang sa ikalawang lalaking pumasok. Nakagapos din siya at ina-alsa papunta sa kinalalagyan ko.

Nanlaki ang mata ko. Siya ang lalaking huli kong naiisip na mapupunta rito. Bakit?

***

•Gl

"--saan? Kailan?" Mahinahon kong tanong dahil ayokong makahalata si Sue. Naikuyom ko ang kamay. Tiningnan ko si Sue ngunit tulala na siya.

Mabuti naman at hindi niya malalaman ang tungkol dito. Hinatid ko agad siya sa kanila. Nag-aalab ang dugo ko dahil sa narinig ko kanina.

"Sige na Sue, pasok ka na." Nginitian ko siya sana man lang tumalab sa kanya ang charm ko kahit ngayon nang hindi niya maramdamang may problema.

Ayoko ng madawit si Sue dito, lalo na't kagagaling niya lang sa isang problema.

"Ah.." di niya ako matingnan. "Ah, kasi.. gusto ko lang sanang sabihin na..."

I look at her curiously, napangiti ako kahit ganun. Ang cute niya kahit na natatameme. Gusto kong tumawa ngunit pinigilan ko, ayaw kung magalit siya at pagsarhan ako ng gate.

"Hmmm?" Nag-maang maangan ako.

Tiningnan niya ako ng maigi para bang sinusuri niya ang reaksyon ko. Nakakatawa lang kahit na alam kung may problema na namang nakasunod nitong lahat.

"-- wala pala. Umalis ka na." Numb niyang sabi.

Ayy grabe siya o! Wala man lang thank you.

Sinara niya ang gate.

Kahit man lang "sige mag-ingat ka. Byee." Tsss. Grabe talaga tong si Sue. Nakakabitin e!

SHE'S THE GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon