Chapter 27: Party P2

5.4K 166 3
                                    

Sorry for super duper late update. HIHI :'>

SANA OKAY LANG ITO :)
HAPPY READING!

------------

Sue's Pov:

Iginala ko ang tingin ko sa buong party. May nararamdaman kasi akong kakaiba, hindi ko malaman kung ano nga iyon ngunit nanunuot talaga siya.

Tumayo ako.

"Sue. Asan ka pupunta?" Tanong ni Gl.

"Teka lang." Sabi ko tsaka naglibot-libot sa party.

Napunta ako sa mga pagkain. Nakita ko kung gaano ito kasarap. *NamNam. Hinaplos ko ang tiyan ko. Nakakagutom naman. Inilibot ko uli ang panigin ko sa buong pagkain at nakita ang isang..

~^O^~ Waaa! Chocolate.

Dahil lang siguro ito sa chocolate, kaya ganun. Mas lalong nangalam ang sikmura ko. Ang sarap.

"Sabi ko na nga ba magugustuhan mo iyan."

Napalingon ako sa likuran ko. Tumango lang ako habang nagiilaw parin ang aking mata dahil sa mga nakita ngayong pagkain. Ibinalik ko uli ang tingin ko sa chocolate fountain.

"Sarap." *^▁^*

Tumawa si Gl. Tumunog ang tiyan ko at mas lalo pa tuloy akong tinawanan ni Gl. -_-/// Nagugutom ang tao tapos tatawanan niya lang ganun? Kahit na naiinis ako sa kanya ay parang napapangiti narin ako. Ang carefree niya kasing tingnan parang hindi gangster kong tumawa.

Tiningnan ko siya gamit ang may-problema?-look. Kumuha siya ng isang stick yung parang stick-o pero sosyal nga lang itong nasa harapan ngayon. Kumuha pa uli siya ng iilang pangdip na cookies at nilagay sa pinggan.

Tumawag siya ng waiter at nagpakuha ng chocolate at nilagay sa cup. Malaking cup ﹋o﹋ sa tingin ko ito na ang pinaka masayang araw sa buhay ko. HAHA!

"What else do you like?" Sabi niya ng hindi parin natatanggal ang ngiti sa labi.

Umiling ako bilang sagot. Ito lang ang gusto ko. Chocolates •﹏•

Pumunta kami sa upuan namin kanina at nakita namin ang mga may kahulugang tingin nina Cc. Nakita ko rin ang kapatid ni Gl rito sa table namin. Si Venice kasama yung lalaking di ko kilala. Parang pamilyar. Tss. Hindi ko nalang sila pinansin at umupo na.

Nilagay niya ang pinggan sa mesa at sinimulan ko na itong kainin. *nam nam. Ang sarap. Ramdam ko na naman ang titig nila. Tinaasan ko sila ng kilay. Anong problema niyo?

"Sue. Kumain ka ba sa in-- Ay wala." Magtatanong sana si Shane ngunit sinamaan ko na siya ng tingin. Bahala kayo!

Kumuha si Gl ng tissue at pinahid iyon sa pisngi ko. Nagkatinginan kami. Kukuhanin ko sana ang tissue ngunit ang kamay niya ang naabot ko.

"A-ang dungis mo." Sabi niya agad. Ngayon ko lang napansin na ang gwapo niya talaga. Lalo na pag sa malapitan. Hindi rin pala nagkamali yung mga fans niya. Gwapo nga siya. Napatango ako sa isipan ko. Maganda ang kanyang suot. Elegante at kahit na nakasuit siya ay klarong klaro parin ang kanyang malalaking katawan. Napaisip ako. May abs siguro 'to. Alangan namang wala di'ba? Di ba masarap humawak ng abs? Pwede kaya akong humawak roon? >o< Ayy Naku! Ang green ko na.

Ipinagkibitbalikat ko iyon, napailing rin ako dahil sa mga iniisip. Hindi ko tuloy alam na nagkatitigan na pala kami. Tsug tsug tsug. Umaandar na naman ang puso ko. Nyeta!

Tumigil ka ha! Ano gusto mo siya ha?! Dun ka nalang kaya sa kaniya!

Tsug.tsug.tsug.

Nyeta! Ayaw talagang tumigil a! ~T_T~

SHE'S THE GANGSTERWhere stories live. Discover now