Chapter 20: Umalis

4.7K 176 5
                                    

Cc's Pov:

Sabi ko nga ba! Sana hindi ko nalang siya pinuntahan! Kainis e! May konsensiya pa kasi ako e! Napahiya tuloy ako, hindi nga niya ako kinausap tapos nandon pa si Silvia.

Siya ang captain sa cheerleader. Hindi ko nga alam kung bakit sumali pa iyon sa pagaayos ng party. Atsaka bakit naman niya 'yun itatanong kay Rienhard.

Haay. Kawawang ako. Bumuntong hininga ako at umiling hindi dapat ako nagkakaganito. Tama lang na umalis agad ako 'dun! Oo tama lang!

Pero nacucurious kasi ako, kung ano ba talaga ang isasagot ni Rienhard. Pagkatapos tanungin ni Silvia iyon kay Rienhard ay rinig ko naman ang tili ng kaibigan niya.

Imposibleng hindi siya Oo-o kay Silvia. Isa siya sa pinakasikat sa buong campus. Tsaka naisip ko ulit 'yung pagdistorbo ko sa kanila. Nilakihan pa ako ng mata ni Silvia. Sign na dapat akong umalis kundi lagot ako.

Nakakatakot pa naman si Silvia pagnagagalit. Aaay! Pero ano kayang sinagot ni Rienhard?! Sana pala naghintay muna ako ng konti para marinig kung anong isasagot niya.

Hindi! Dapat kalang umalis. Paano kung umoo siya!?

Pagumoo siya?! Aaa. Hindi ko rin alam e?! Napakamot nalang ako sa ulo ko at sinubsob ang sarili sa desk.

***

"Uy.. Cc. Anong nangyari sa'yo?" Tanong ni Sam.

Nandito kami ngayon sa Canteen. Naglulunch. Kanina pa sila nagtatanong pero hindi naman ako sumasagot. Ewan ko ba! Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin?!

Manghunting ka'ya ako ng alien ngayon?! Oo tama! Maghuhunting ako!

Hunting ba talaga? O may iniiwasan ka lang?!

Wala kaya?! Ano naman ang iiwasan ko? Ano ba itong utak ko? Kakampi ba kita o hindi?!

Hindi Ano kundi, Sino?!

Wala kaya! Ano bang pinagsasabi ng utak ko?! Tumigil ka nga! Papatulan na kita diyan e! Kanina ka pa sali ng sali a!

"Look who's here?!"

Napatingin ako sa nagsalita si S.. Silvia pala.

"Alam niyo bang kami ni Rienhard ang magdidate sa Aquintance?!" Sabi niya, tsaka huminto sa table namin.

"Di'ba Girls!.. Grabe hindi ako makapaniwala?!" Sabi niya with an amazement expression. Umoo naman ang mga kasama niya.

Ibig sabihin silang dalawa ang magdidate sa Aquintance?! "Aaa. Ganun ba?! Edi Congrats.." sabi ni Shane at ngumiti ng napakalaki. Sarcastic smile.

"Ikaw Cc?.. Sino naman ang kadate mo?" Sabi niya na mukhang naaawa. Bakit ba siya nagtatanong? Sino ba siya?!

Siya lang naman ang kadate ni Rienhard..

Ano naman ngayon?! Hindi naman kami atsaka wala rin akong pakialam, dahil noon nga wala naman akong kapartner. Mas mabuti nayon!

Hmm? Mabuti ba talaga?.. Rienhard and Silvia?. bagay na bagay..

Wala akong paki, umalis ka na nga!

"Bakit ko naman kailangan ng date?!" Tanong ko. Naiinis na ako sa pagmumukha ng babaeng 'to a! Hindi magtatagal papatulan ko na 'to. Lagi nalang niyang kinukuha ang lahat ng attensyon ng taong nagmamahal sa akin. Attention Seeker!

"Aaaaa. Alam ko na.. wala ka palang kadate 'nun. Ano?!" Tanong niya gamit ang nakakainis na tono. Nginitian niya ako ng napakalaki. "Dahil.." lumapit siya at binulungan ako.

"Dahil.. lage ka nilang iniiwan.." pagkatapos ay ngumiti na naman siya ng napakalaki.

Napahinto ako at natulala. Tama naman siya.. Lagi nalang nila akong iniiwan.. Palagi nalang..

"Hooy! Ingiterang babae! Umalis kana kong ayaw 'mong inudnod ko 'yang pagmumukha mo sa lupa!" Galit na sabi ni Shane habang nakatayo.

Hindi niya pinansin si Shane at tumingin sa akin. "I'm just clearing things out.. Cc! Lumayo-layo kana.. Kung ayaw mong sagasaan kita!" Pagbabanta niya.

Nagsitayuan naman ang mga balahibo ko. Nakakatakot rin 'yan si Silvia. Marami na siyang pinahirapan dito sa school. Pati mga pamilya ng mga estudyante dito ay dinadamaty niya.

Natulala ako. Umalis rin siya matapos niyang sabihin iyon. Binabalaan niya ako. Kung hindi ko susundin 'yon baka kung anong mangyari sa mga kasama ko.

SIGURO tama siya.. Kailangan ko ng lumayo.. pati kina Sue.. at lalong lalo na kay Rienhard.

----------------------------

SHE'S THE GANGSTERWhere stories live. Discover now