Nang malaman ko kung anong section ko ay napangiti ako pero ng makita ko kung sino ang mga kaklase ko ay parang gusto kong wasakin ang mukha ng principal namen at ihampas sa ulo niya ang bulletin board na nasa harap ko.
"Take it easy bro lalo na't kaklase naten ang vicente brothers at ang grupo niya"hinawakan ako sa balikat ni kenji at nginitian ako.Napabuga ako ng hangin dahil sa napufrustate ako,demonyo.Ano bang nangyayari saakin?
"Where's markien?"siya lang wala saamin dito,madalas naman na wala siyang pakialam sa paligid niya pero maasahan siya sobra.
"Baka nagiikot-ikot lang ang chickboy na iyon, baka naghahanap ng bagong babae niya!"nakangiting sabi ni minato,minsan talaga may pagkagago itong kupal na to.Chickboy?eh mas gwapo pa ako sakanilang lahat.
"Gago."nagtawanan nalang kami,kitang-kita ko ang saya sa mga mukha ng grupo ko,sila ang tinuturing kong pamilya ko,lalo na ang grupo nila andrei napilitan lang akong umalis at magsarili ng grupo dahil sa mga nangyare noon na hindi naman namin inaasahan.
"Oh nandito na si chickboy!"
napatigil kami sa pagtawa ng nagsalita si hirato,napatingin kami sa gawi ni markien na dahan-dahang naglalakad papunta samen.Markien was so hot,adorable and humble,ayan ang mga bagay na gusto sakanya ng mga babae.Kanang kamay ko siya parang kapatid na rin ang turing ko sakanya,sakanilang lahat.
"San ka galing?"usisa naman ni franco,lumingon si markien dito ngunit hindi niya pinansin ito.Bagkus ay kinuha niya ang panyo ni takayuki na busy sa pagsusulat sa kanyang maliit na notebook,napalingon si takayuki dito at agad sinamaan ng tingin.
"Mainit pare,basa na ang kili-kili ko eh." kumunot ang noo ko ng ipunas niya ang panyo sakanyang kili-kili at ibinato ito kay takayuki.Jusko kadiri!!
"Wtf men?"napataas ang boses ni takayuki ngunit hindi iyon pinansin ni markien.Tumingin lamang siya saakin at tinapik ang balikat ko.
"Tara na pumunta na tayo sa klase natin."nagsimula na akong maglakad at sumunod na sila saakin,sa bawat room na nadadaanan namin kakaibang kaba ang nararamdaman ko at hindi ko alam kung bakit.May mga mabibigat na matang nakamasid sa grupo ko at alam kong napapansin din iyon ni markien at kenji.
"Wag na muna kaya tayo pumunta sa klase natin?"nababahalang tanong saamin ni mike,nararamdaman niya din ang nararamdaman namin nila kenji at markien.
"Wag kayong mag-alala yakang-yaka natin ang mga mangyayare at mangyayare palang."positibong sabi ni remphsy siya ang napiling mandaya bilang Sc Pres for 4 years saaming bulok na paaralan.International School ito ha.
"Kaklase natin ang Vicente Brothers at ang grupo nila,di ka ba nababahala ethan?"may lamig sa pananalita ni remph,ganyan naman siya palagi eh.Pamisteryoso ang loko,tiklop naman kay aika.
"Wala akong balak na makipag-buno kay andrei,gusto kong maging maayos na kami,pagkatapos ng mga nangyare,pero di ko alam kung papaano?kapag may nangyare mamaya wag nalang kayong lumaban."gustong-gusto ko ng kavibe ang vicente brothers at ang grupo nito lalong-lalo na si andrei gusto ko siyang kasama araw-araw.
"Okay."sabay-sabay nilang sagot saakin,kumanta nanaman ang pinakasintunado saamin na si matthew kaya todo tawa ako.Para siyang ngongo na naligaw.
Nagsisunuran narin ang mga madapakers naming fangirls/boy,di ko ba alam sakanila?ano bang meron saamin?tumatae din naman kami,umuutot kagaya nila bat kailagan pa nila kaming sambahin puruin?aaminin ko minsan may pagka hambog ako pero iisang babae lang ang nakakapagpawala nito ayon ay ang babaeng matagal ko ng iniibig si Alliah.
'Sheeemayy nandyan na ang Campus Queen'
'Ang ganda parin ng Campus Princess'
'Ang ganda ni ate marie'
"Who gave you to permission to call me ate?wala akong kapatid na pangit!"hinila ni Marie ang kwelo ng babae at pinagsasabunutan ito,agad na umawat si hilary sakanya at umawat narin ang grupo ko.The badass marie is here.
"Ate!Tama na,hayaan mo na yan."tss si hilary lang ang may ganyang ugali magkaibang-magkaiba talaga sila ng ate niya.Nang hindi nila maawat si marie ay agad na akong lumapit at hinatak siya.
"Tigilan mo nayan marie!"agad siyang nakinig saakin at dere-deretsong naglakad,nakaakyat na kami sa second floor ng magsalita si marie.Kung hindi lang siya importante saakin ay baka nasuntok ko na siya.Napakaarte niya,eh mas mabango pa nga ako sakanya!
"That bitch!gusto ko siyang patayin at ibalik sa sinapupunan ng nanay niya!"galit niyang sigaw,inismiran ko siya at umiling-iling.
Hilary marie and Pm marie tinagurian silang 'The Detablan's' magkambal sila,magkaibang-magkaibang kambal.sa lahat ang pinakagusto nila ay si hilary mabait ito at mapagbigay kung lahat ng kabaitan nakay hilary kabaliktaran naman nun ay ang kakambal niyang si Pm marie.
Si marie ay ibang-iba kay hilary,kinakatakutan siya ng lahat wala siyang pakialam kung makapatay pa siya ng tao as long as masaya siya sa mga ginagawa niya,gagawin niya.Kahit angkinin niya ang lahat,pakiramdam niya siya na ang Reyna.Eh mas bagay sakanya ang maging alipin.
"Hayaan mo na ate,masasayang lang ang ganda mo kung maiistress ka pa."
ngumiti si hilary at niyakap ang ate niya.Nako,kahit hindi na maiistress yan.Sayang na talaga ang ganda niyan.
"Nako,baka maniwala ang ate mo na masasayang ang ganda niya.Tignan mo nga yan oh!" nagtawanan kami ng bigwasan ni marie si kenji at sinamaan ito ng tingin.
"Thank you sis,palagi kang nandyan.Pinapagaan mo ang loob ko kapag badtrip ako."yumakap pabalik si marie at hinalikan sa noo si hilary,Hay nako ang dalawang panget.Nagbolahan nanaman.
"Hayy nako,dalawang panget tara na umakyat na tayo!"nangaasar na sabi kenji sa dalawa.Palihim akong napangiti at umapir kay kenji,ayan ang bagay sakanya.Ang maging patapon na joker.
ps:abangan ang mga happenings mga kanoo thankyou!
PART 3
Start from the beginning
