Injerness! Ang gwapo ng lolo niyo ngayon ah. Naka white t-shirt lang sya and pants. Plus his messy hair. Ang gwapo.

"nagbreakfast kana?" he is looking at me sa salamin.

"yup."

hindi na sya sumagot.

"nagbreakfast kana?" binalik ko sa kanya yung tanung niya.

"hindi pa."

kinuha ko yung tupperware na nasa bag ko. Ewan ko, para kasing may force kanina na nagsasabi na magbaon ako e. Baka eto na yung rason kung bakit.

"eto oh, kumain ka muna." inabot ko sa kanya yung tupperware.

"pano ako kakain, e nagdadrive ako?"

"pwede naman kasing huminto muna tayo" akala ko papalag pa siya pero itinabi niya yung sasakyan.

"tatapusin ko to in 5minutes" then he started eating.

Binaba ko yung salamin nung kotse niya at tumingala sa langit. Ang dami pa ding stars. Madilim pa naman kasi e.

"wag mong sabihing nagwiwish ka sa stars?"

"hindi ah. I don't believe wishes on the stars do come true" sagot ko.

"wow non-conformist ang peg"

napangiti na lang ako sa tono ni Zeke. "bakit nga pala di ka naniniwala dun? May wish ka ba na hindi nila tinupad?"

"they're just stars. Why waste time na idaan pa sa kanila yung wishes ko? Kung pwede namang idiretso ko na kay Papa God di ba? At least  siya, he knows what's best for me kaya alam niya kung yes , no or wait yung tamang sagot sa prayers ko."

"have you ever tried praying for Lance?"

inistart na niya ulit yung kotse.

"oo, lagi. "

"edi ibig sabihin, mahal mo talaga siya? kasi di ba sabi nila pag lagi mong pinagpepray yung tao, ibig sabihin mahalaga talaga sila sayo."

O_O

Pano niya nalaman yun?

"kahit naman mahal ko siya, hanggang dun na lang yun e."

"bakit?"

"he left me two years ago. At wala ng balikan yun"

"aw. May bago na siya? Sayang naman."

"nope. He is already dead."

*awkward silence

we are sharing this awkward silence until he decided to break the ice.

"pagkatapos niya, may minahal ka pa ba?"

ako lang ba yun o may iba talaga sa tono ng pananalita niya.

"crush madami"

"alam mo para kang one year old na bata."

"ha?"

"pag tinanung ng anong pangalan nila, sasagot sayo one"

"eh baka naman kasi one talaga pangalan nila."

"figures, miss" medyo inis na sya. Hahaha. Pikon.

"matutulog muna ako ha." sinandal ko yung ulo ko isang side nung sasakyan.

"ayaw mo syang pag-usapan?" 

"pechay Zeke! Ano bang alam mo? Sabihin mo na lang kaya sakin hindi yung tinatadtad mo ko ng tanong"

"I'm sorry. Matulog ka na."

what's wrong with this guy? Para siyang interviewer sa isang talkshow e. Bakit naman kaya bigla na lang naging interesado sa buhay ko? Aish! Matutulog na nga lang ako. 

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Where stories live. Discover now