10. Warned

2.2K 86 44
                                    

Mabuti nalang hinila ako palayo ni Amara. I was really scared. What if nakita nila ako kanina? May ginagawang illegal sina Tita Eula behind Dad's back. At dahil Heneral ang kapatid niya kampante ito na walang makakaalam?

" Ouch!!" pinitik ni Ara ang ilong ko.

" My Gosh Elizabeth, saang lupalop kaba nakarating, kanina pa ano nagsasalita dito." nakapameywang nitong sabi.

" Sorry Ara, ano na ulit yon? " napanguso ito. Pero hindi na niya naulit ang sinasabi niya dahil sumulpot na naman ang bruha.

" Kung ako sayo Amara, hindi ako magdidikit sa sampid na ito, hindi ka manlang ba bothered?, Mommy narin ang tawag niya sa Mommy mo? One of this days nakuha na niya ang lahat ng para sayo ng hindi mo namamalayan." sabay ngisi nito.

" Alam mo Bethany, kung ayaw mong umuwi ng may black eye tantanan mo kaming magkapatid. Wala kaming panahon sa kanegahan mo." hinila ako ni Ara palayo sa kanila pero sumunod parin ito.

" Bakit mo ba pinagtatangol ang sampid na yan? She's the daughter of your Dad's mistress, kabit ng Daddy mo ang Nanay niya, walang lugar ang mga gaya niya sa Pamilya natin." kahit alam ko na ang totoo tungkol sa kina Mama at Dad, masakit parin marinig na tinatawag nilang kabit ang Mama ko.

" Ikaw ang walang lugar sa Pamilya namin Bethany, anong magagawa ko kung sadyang pinaglihi ka sa ampalaya at hanggang ngayon issue padin sayo ang nakaraan, uso magmove on. Isa pa nananahimik na ang Mama ni Lizzy pero sana multuhin ka niya, dalawin ka dahil sa masamang budhi mo." bahagyang namutla ito sa narinig, pati ang kapatid nito ay ganon din.

Tuluyan na kaming lumayo sa kanila ni Ara.

" Mukhang may kinatatakutan din pala ang malditang yon. Hay nako, ang dami dami na ngang nangyayari sa mundo pero puro kanegahan parin yong babaeng yon. " litanya ni Amara.

" Mainit lang ang dugo niya sakin kahit wala naman akong ginagawa sa kanya. " kibit balikat ko.

" Ganon talaga pagmaganda, trending topic lagi Lizzy. Wait a minute, si Nat ba yon?" nakita nitong masayang nakikipag usap si Agent Nat sa isang magandang babae.

" Uhuh! Selos ka?" tukso ko sa kanya.

" Selos? Hindi no! Bakit naman ako magseselos?" pero hindi na maipinta ang mukha nito.

" Lizzy, dito ka lang ha, may pupuntahan lang ako. " mabilis itong naglakad at mukhang sa labas nang bahay ang tungo nito.

Alam ko na, Ara knows na susundan siya ni Agent Nat kaya ito lumabas. Napailing nalang ako.

Hinahanap ko nalang si Dad, he needs to know that Tita Eula's is doing illegal deals behind his back. Nakita ko siya pero abala ito sa pakikipag-usap. Nilapitan ko nalang si Trevor mylabs.

" Uhm, kilala mo ba yong kausap ni Daddy? I need to talk to him." hinawakan niya ako sa siko.

" Lizzy, whatever it is that you have seen or heard keep it to yourself for the meantime. Hindi pa safe sa ngayon para kausapin mo ang Daddy mo." wait a minute, how on earth could he knows. Kasabwat ba siya nila Tita? Lumayo ako sa kanya.

" What are you talking about Agent Alonzo? " liban nalang kung alam niya din ang lahat ng ginagawa ni Tita Eula.

" I was just trying to protect you. Kung tama ako may nalaman ka about your Tita Eula, matagal na siyang under surveillance dahil pinaghihinalaan na sangkot silang mag-asawa sa mga illegal na gawain. I was send here not only to look after you but to investigate about this case. So whatever you heard, you could tell me. " umiling ako.

" Wala akong alam sa mga sinasabi mo. " sa puso ko gusto ko siyang paniwalaan pero hindi ko pa siya kilala para pagkatiwalaan. I only trust my Dad.

The Precious DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon