1. Beginning

7.4K 157 18
                                    

NAGTAKA si Lizzy kung bakit madaming tao ang nagkukumpulan sa harap ng bahay na tinitirhan nila ng Mama niya. Galing siya sa eskwelahan at kakauwi lang dahil may tinapos pa silang assignment sa bahay ng kaibigan, nagtext naman siya sa Mama niya kanina kaya alam nitong malalate siya ng uwi.

" Elizabeth ang Mama mo!" humahangos na salubong sa kanya ng kapitbahay nila na si Aling Salve. Napansin niya na basa ang mukha nito ng luha.

" Bakit po Aling Salve? Nasaan mo si Mama?" umiling ito habang lumuluha.

" Ma! Mama!" sinalakay na siya ng kaba. Hinawi niya ang mga tao at nagpumilit na makalagpas para makapasok sa bahay nila.

Kinakabahang napatigil siya sa pintuan ng matanaw ang mga Pulis sa loob ng bahay nila.

" Siya po ang anak ni Liza.." nasa tabi niya na si Aling Salve. Hinayaan naman silang makapasok.

Agad siyang napaiyak ng makita ang duguang katawan ng ina.

" Ma.." lalapitan niya sana ito pero pinigil siya ng mga Pulis. " Ma, nandito na ako, gising na kayo, please. Sir, dalhin po natin sa Hospital ang Mama ko, para magamot ang mga sugat niya. " baling niya sa Pulis na naroon. " Aling Salve dalhin natin sa Hospital si Mama, parang awa n'yo na. Siya lang ang meron ako hindi niya ako pwedeng iwan." niyakap siya ni Aling Salve.

" Wala na siya Lizzy, patay na ang Mama mo." tumigil ang mundo niya sa sinabi ni Aling Salve at kasunod noon ay unti uting dumilim ang paligid niya.

" Lizzy anak..Lizzy." nakangiting mukha ng ina ang una niyang nakita ng imulat niya ang kanyang mga mata.

" Mama?" nagtaka man ay mahigpit niya itong niyakap.

" Palagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni Mama, magpakabait ka anak at mahalin mo ang Daddy mo pati narin ang mga taong makakasama mo mula ngayon. Palagi kitang babantayan. I love you Lizzy." bumitaw ang ina mula sa pagkakayakap sa kanya at lumabas ito sa pintuang naroon.

" Ma! Sandali lang, Mama.." napabangon siya at nagtaka dahil hindi pamilyar sa kanya ang kwartong kinaroroonan niya.

" Lizzy, calm down. " napatingin siya sa lalaking nasa harapan niya.

Pinakatitigan niya ito.

" Lizzy it's me, ang Daddy mo." Tama nga ang nasa isip niya. It was her father. Ang ama na ni minsan ay hindi niya nakasama, nakita niya lang ito sa picture at ngayon kung kailan.., naisip niya ang ina.

" Si Mama?" para sa kanya ayos lang na hindi nila siya kasama pero hindi ang Mama niya.

" I'm sorry anak, wala na ang Mama mo." kahit malinaw sa kanya ang nakita niya sa bahay nila ay umasa parin siya na buhay pa ang Mama niya at isang masamang panaginip lang ang lahat.

Tinakpan niya ang mukha at doon umiyak. Pero may mga kamay na yumakap sa kanya. Yumakap din siya sa ama. Malaking bagay sa kanya na kasama niya ito, hindi pa siya magisa sa mundo kahit wala na ang Mama niya.

Sinamahan siya ng ama sa burol ng Mama niya, hindi ito umalis sa tabi niya. Nakilala niya din ang Tita Almira niya ang asawa ng Daddy niya at ang mga kapatid niya sa ama. Sina Arman, Errol at Amara.

Pinacremate ang labi' ng Mama niya para maisama niya ito sa pagluwas nila ng Manila. Walang malapit na kamaganak ng Mama niya na gustong kumupkop sa kanya kaya napilitan siyang sumama sa Ama.

Pagdating sa Manila ay nalula siya sa laki ng bahay ng Daddy niya. Wala siyang alam na kahit ano tungkol dito liban sa pangalan nitong Eleazar Noble Williams, palaging iniiwasan ng Mama niya ang mga tanong niya patungkol sa Ama.

" Lizzy, ito ang magiging kwarto mo mula ngayon. Ang Tita Almira mo ang nagayos nito. Sabihin mo lang kung may gusto kang ipabago." nilibot niya ng tingin ang kwarto, triple ang laki nito kumpara sa dati niyang kwarto. Puti at pink ang halos kulay na naroon. Pangarap niya lang dati na magkaroon ng ganito kagandang kwarto.

The Precious DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon