6. Arrogant

3.1K 119 16
                                    

MONday quickly came na siya namang ipinagpapasalamat ko. Today is the day, I'm going to meet my handsome bodyguard Trevor. I double check my reflection bago lumabas ng kwarto ko.

" Good morning Tita." nakangiting bati ko sa stepmom ko.

" Good morning Lizzy, sana ganyan din kasigla ang kapatid mo sayo." pero alam naming lahat na Ara is not a morning person. Plus masama parin ang loob nito dahil sa paghihiwalay nila ni Raven. I'm glad na nadadamayan ko siya kahit papaano, it will be harder for her kung magisa niyang hinaharap ang breakup nila ng ex niya.

" Good morning Daddy at sa inyo din mga Kuya." masigla ko ding binati sina Dad.

" Good morning anak. Kumain kana, I'll introduce you and Ara sa mga bago niyong personal bodyguards." lalong nabuhay ang dugo sa katawan ko sa sinabi ni Dad. I've been looking forward for this day.

Mas gwapo ba siya sa personal? Mabait kaya siya? Maganda kaya ang boses niya? Mabango ba siya? Ang daming tanong sa isip ko. I hurriedly eat my meal.

" Woah! Easy.." saway sakin ni Kuya Arman. " Bakit ka nagmamadali Lizzy?, maaga pa naman." nginitian ko nalang siya dahil puno ang bibig ko. Ara finally came at tahimik na kumain pagkatapos batiin sila Dad.

" Amara what's with the long face? Lunes na lunes parang byernes santo na yang mukha mo." puna ni Kuya Errol sa kanya. Pero nagkibit balikat lang ito.

Sumunod kami kay Dad sa labas sa may garden pagkatapos naming kumain. Naabutan naming kinakausap niya ang ilan sa mga guards na naroon. The guards today are in suites, men in black lang ang peg, minsan naman yong puting longsleeve ang suot nila. I asked Dad kung ang gobyerno ba ang nagbabayad sa kanila but he sternly said " No". Siya daw ang nagpapasweldo sa mga ito.

Ara told me na hindi lang basta General ang Daddy namin. He's very rich too, madami daw negosyo si Dad. At sa kanilang magkakapatid he's the most successful, kung tutuusin he doesn't need to work as a General pero mahal daw ni Dad ang trabaho niya at gusto niyang nagsisilbi sa bayan.

" Nandito na pala ang dalawang Prinsesa ko." which makes Ara rolled her eyes. Pinisil ko ang braso niya.

" Good morning General." magkasabay na bati sa kanya ng dalawang taong lumitaw mula kung saan. Napaawang ang labi ko ng mapagsino sila.

He's handsomely beautiful. Possible palang magamit ang ganong adjectives sa isang lalaki? I asked myself..

" Good morning. Agent Alonzo and Agent Baltazar. This are my daughter's, Elizabeth and Amara Elize. Girls, sila ang personal bodyguards ninyo mula ngayon, ayoko ng maulit ang nangyari noong nakaraan." napansin kong ngumiti ang babaeng Agent samantalang seryoso naman ang mukha ni Trevor mylabs.

" Good morning Girls. Pwede niyo akong tawaging Natalie." tinanggap ko ang pakikipagkamay niya saka siniko si Ara na tila natulala sa kanya. I knew it. Nakipagkamay din siya ng matauhan saka namula. So gay!

" Good morning, I'm Trevor, I think' we should go or you girls are going to be late." disappointed akong sumunod sa kanila papunta sa sasakyan. Hindi manlang siya nakipagkamay? Halos hilahin ko ang araw na too tapos deadma ang Lolo niyo. Asar! Naunang pumasok si Ara sa kotse pero bago paman ako makapasok naisara na ang pinto. Anyareh?

" This way Miss, protocol. Starting today, you and your sister will have different ride to school." ano daw? Seryoso ba siya?

" Excuse me? Iisang school lang ang pinapasukan namin." babalik na sana ako sa sasakyan kung nasaan si Ara pero nakaalis na sila. Eh di wow!

Great!

" Ready to go?" aniya. Binuksan niya ang pinto ng kotse. Wala na akong nagawa kundi sumakay sa kotseng nasa harapan ko. Umikot naman siya pagkasara ng pinto at saka pumwesto sa driver's seat.

The Precious DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon