"F-for your information nag seselos ako e-este 'di ako nag seselos sa nga babae mo." SHIT!

Mapanuksong tinignan ako ni Ken.

"Okay my wife as you said so 'di na ako mag dadala ng babae sabi mo nga nag seselos ka at sabi ko din Good boy to." Tsk! Hindi na ako aasa na magagawa niya yan.

"Good boy mo mukha mo. Your a bastard remember?."

"What did you say?!" Sinirado ko na ang pinto ng kotse at pumasok sa gate.

"Accept the fact Mr. Sean...Byebye Mr.Sean."

"Hoy! Mrs.Sean bawiin mong sinabi mo!"

"Ayaw ko! Umalis ka na!"

"Lagot ka saakin mamaya!"

Tinawanan ko nalamang siya at tuloyan ng pumasok sa bahay.
Hindi parin maalis sa isipan ko ang mga sinabi ni manong ice cream vendor saakin kahapon.

Kaya ayaw ko sa mga pamahiin ehh. Kinakabahan tuloy ako.

Should I give up? Sasayangin ko ba yung sinakripisyo ko? Pagod na pagod na kasi akong masaktan niya. Pagod na akong umiyak. Oo mahina akong tao.

I'm always trying to convince myself not to give up.

"Andiyan na po pala kayo  mam.. Asan po asawa niyo?" Salubong sakin ni manang sa sala habang nag tutupi siya ng mga damit tinutulongan siya nga mga robots ni Ken.

"Ayon umalis may biglaang importanteng lakad ehh." Sabi ko at umupo sa tabi ni manang. In-on ko ang TV para manuod ng balita.

"Kumusta naman yung meeting niyo mam kasama si sir?"

"Subrang boring manang nakakabagot, nakatulog nga ako sa subrang boring ehh."
Buti nalang talaga at andito si manang nang may makausap ako paminsan minsan.. Noon kasi puro robot, di naman nag sasalita.

Tinawanan lang ako ni manang at nag patuloy siya sa pamimilo. Umakyat muna ako sa kwarto namin para makapagbihis ng pambahay.

Pag balik ko sa sala may bumulagta sa aking balita.

"Breaking News, Lovynne Ortega ay natagpuan na ..kasama ang isang lalaki."

Bumalik na siya!!
Bumalik na ang ate ko!!

May halong lungkot at pananabik 'yong nararamdaman ko ngayon.

Natagpuan na si ate, ibig sabihin hindi ko na makakasama si Ken. Siya na naman ang centro ng lahat. At ako? Balik nanaman ako sa dati. Ibig sabihin iiwanan na ako ng lahat, pati ni Ken.

Pero salamat sa panginoon at safe siya, buhay siya, at natagpuan na siya.

Kaso paano na ako ngayon? Siguro ipaubaya ko nalang kay ate lahat ng 'to. Mas magiging okay na siguro buhay ko no'n. Total mahal siya ng lahat, ehh ako? Anong laban ko?

"Mam ate niyo po nag balik nah!.. M-mam o-okay lang po ba kayo?" Kilala pala ni manang si ate.

"Okay lang ako manang p-punta lang ako sa park manang ahh, babalik din ako agad." Paalam ko saka umalis.

Kailangan kong makapag isip. Saan kaya ako pupulutin matapos nito?

Napabuntong hininga nalang ako sa bigat ng pakiramdam ko.

Hayyy!

"Wag mong isuko ang mga bagay na nasimulan mo na iha." Napatingin ako sa nag salita.

"Manomg ice cream vendor."

"Grego pangalan ko iha Gregoryo Lordea." Ganda ng pangngalan ni manong.

"Manong bakit niyo po ako binabalaan sa mga pangitain niyo? Ano po ba ang nakikita niyo sa hinaharap ko?" Biglang tumawa si manong at binigyan niya ako ng isang ice cream. "Hindi naman po ako bumili manong."

"Kunin mo iha...libre ko." Inabot ko ito, total libre naman.

"Salamat po manong."

"Iha hindi ako manghuhula tulad ng sinasabi mo pero ganon talaga ang buhay natin diba.. May mas mabigat na pagsubok na ating pag dadaanan bago pa natin makamit ang ating minimithing kaligayahan."
Tama si manong. "Kaya kung ano man yang pinagdadaanan mo malalagpasan mo din yan, tiwala lang sa may kapal."

-
Warning: not edited.

DON'T forget to vote and comment readers ;)
If you like this chapter just comment down.
Thank you and Goodbless you readers.

@Papan-pandadel08

Substitute Bride(Completed)Where stories live. Discover now