BEINTE

8 1 0
                                    


Sabrina Ana Maniego

Matapos ang hapunan ay nagsipasok na kami sa kanya kanyang kuwarto , malamang ay pagod si timothy sa kanyang biyahe kaya di ko na siya inabala pang kausapin, si Mr.Carvajal naman ay dumeretso sa opisina, malamang ay may tatapusing mga trabaho, minabuti ko na sundan siya at kausapin muna sa mga gumugulo sa isip ko .

"Come in.." turan ni Mr.Carvajal matapos akong kumatok , " You need something? Maupo ka muna anak," sabay turo sa upuan sa tapat ng lamesa niya , " Ahh, may lead na po ba ang mga pulis sa nagpasunog sa bahay namin?" panimula ko , mula ng matapos ang sunog ay hindi muna ito binabanggit ni mr.carvajal sa akin siguro ay ayaw niya na maalala ko pa ang mga nangyari at lalong ikalungkot ko ito, " the police said it was an arson case, sinadya na sunugin ang bahay niyo by putting gas around the area , hindi lang isa ang gumawa dahil sa mabilis na oras ay naisagawa nila ang paglibot ng gas sa bahay at pagsaksak kay manang teri na nasa kwarto niya, walang masyadong mahanap na clear evidence aside from the gas container near the area, na wala ring fingerprints, matalino ang nagplano nito sab." – paliwanag ni mr.carvajal, "sir , kailangan po managot ng kung sino man ang gumawa nit okay manang, "- maluha luha kong tugon dahil sa panghihina sa mga sinabi niya, natatakot ako na mawalan ng hustisya ang pagkamatay ng taong nagalaga sakin.

"anak, I'll do everything to get them, promise." – turan niya habang nakatingin ng diretso sa akin.

" salamat po mr.carvajal."- isang pilit na ngiti ang iginawad ko sa kanya,

"- but for one thing." Hirit niya pa habang nakangiti

" ano po yun?"- patakang tanong ko, " please call me dad, "- nahiya naman bigla

" okay po , dad " – sabay naman kaming napangiti.

On my way sa kwarto ay nakita ko si timothy sa hagdanan na may hawak na sketchpad at seryosong may ginuguhit , sa edad na labing dalawa ay halos mukha ng binata si timothy sa tangkad niya kapag nakatalikod , pero mahahalata sa mukha niyang babyface ang pagiging dose anyos, lumapit ako ng kaunti at sinilip ang ginuguhit niya, at nagulat ako dahil isa itong babae , magandang babae , at napakaganda ng pagkakaguhit niya dito , nang maramdaman niyang may tao sa likod niya ay napalingon ito sabay tago ng sketch pad niya, "kanina ka pa po ba jan?"- tanong niya na nanlaki ang mata na parang kinakabahan, " hindi naman pero nakita ko siya, mukhang pamilyar nga siya sakin eh, kaibigan mo ba siya?"- paliwanag ko , " hindi po , nakita ko lang siya ng isang beses sa isang campsite nung magcamping kami sa school , i cant forget her face cause she saved me after being trapped in a cave ."- sabi niya habang nakatitig sa sketch " you find her pretty? "- tanong ko sa kanya while smiling na para bang nangaasar , " yup ,"- maikling tugon niya " I guess you're having a crush on her ."- pangaasar ko pa sa kanya ng makita kong nagningning ang mga mata niya sa usapan tungkol sa babaeng ginuhit niya.

Tumayo naman siya at humarap sa akin , " ate please don't tell dad about this , matagal na niya akong kinukulit about having a girlfriend or something , at alam kong kukulitin niya ako about her , so please don't tell dad until I met her again."- pagsusumamo naman niya sakin , which I found really cute , hinawakan ko naman siya sa balikat at ang isang kamay ko ay hinawakan yung sketch pad " that wont take long, I know this girl , at pwede kitang tulungan na makita siya ulit." – and it brightened his eyes as if he's a puppy . " talaga po? You know her? Thank you ate ! youre an angel ! "- he exclaimed sabay yakap sakin, at bumalik na kami sa kanya kanya naming kwarto.

[ phone ringing...]

Me: Hello, let's have a lunch tomorrow, 1pm sharp sa Hidden Base Café , I'll text you other details see you ..

-Call ended-

Maaga ako nagising to prepare breakfast for dad and tim , nagpaturo ako kina manang hilda kung ano ang mga paborito nilang pagkain, gusto ko naman bumawi kay dad sa lahat ng tulong niya sakin, at dahil marami raming taon din ang ninakaw samin ng dahil sa mga nangyari, at alam kong nangungulila din siya sa pagaalaga at pagmamahal ng isang anak, matagal na niyang alam na buhay ako pero ngayon lang niya ako nakasama, samantalang ako ni hindi ko manlang siya naisip those years dahilang alam ko si papa ado rang totoo kong ama, ngayon ang pinakamagandang pagkakataon para bumawi sa kanya.

Marami kaming hinanda na pagkain, si timothy ay hindi pala mahilig mag-rice pag breakfast dahil lumaki ito sa states, si dad naman ay bihira daw kumain ng madami sa almusal, samantalang kami noon sa bahay kung kumain parang kargador, naihanda na naming lahat sa lamesa ng bumaba si dad " what's happening here? Manang bakit si Sabrina ang naghahanda ng mga pagkain?"- mahinahon nitong tanong " ahh d-dad ako po ang nagprisinta na ipagluto kayo ng agahan , wala pong kasalanan sila manang actually pinigilan ng—"- di ko na antapos ang sasabihin ko ng magsalita siya ulit " thank you ana , no need to explain , I appreciate it., manang pakitawag si timothy para makapag agahan na ."- agad naman umupo si dad sa gitna ng lamesa ,

" I didn't know you cook well, "- sabi niya habang sumasandok ng pagkain, " tinuruan po ako ni manang teri at mama , "- at sakto naman na pababa na din si timothy, " wow , do we have a celebration here? "- patawang tanong ni timothy ng makitang madami ang nakahain sa hapag para sa almusal " yes , son. Your ate ana cooked for us , tikman mo mukhang masarap lahat."- pagaaya ni papa " ahh—dasal po muna tayo "- suwestiyon ko ng akmang kakain na sila,

" oh lord thank you for this day na kasama ko ang pamilya ko, thank you sa blessings na pagsasaluhan namin ngayong umaga , there is nothing I can pray for but for them to be happy and safe , amen., kain na po ..."- napansin ko naman na kaunti lang ang sinandok ni dad

" kain po kayo ng marami dad, mahalaga po ang breakfast kasi dun niyo huhugutin lahat ng energy niyo sa maghapon, and you as well timothy , tikman mo ito ... "- sabay lagay ko ng omellete sa plato niya, na-miss ko to, yung may kasabay kumain, kausap habang nasa hapag, mas nakakagana kumain pag alam mong may kasabay ka .

Miss Fortunate [COMPLETED]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें