[TDS(1)] : ADLS 34

Start from the beginning
                                    

HEARTNELLE'S POV

"Tara pasok muna kayo sa loob kukuha lang ako ng damit sa taas."sabi ko sa dalawa

Oo dalawa. Ewan ko bat nakisabay tong Squirrel na to samin ni Jin tsh.

---FLASHBACK---

"Kinausap niya nga ko kanina Jin diba? Ano sa tingin mo? Tsh!"sabi ko at inirapan siya

"Sabi ko nga e hehehe!"sagot ni Jin

"Tara na Jin pasabay ako papunta sa bahay tutal alam kong miss mo na sila mama."sabi ko sabay hila sa kanya

Pero pinigilan naman ako ni Squirrel problema nito?

"Fier, do you mind if I'll just go with you both? Ah because... Because I'm saving gas yeah that's it."mahabang litanya ng Squirrel

Wow improving.

"Sure bro let's go."

Bubuksan ko na sana yung pinto sa passenger seat kaso inunahan ako ni Squall tas siya yung sumakay. Bwiset.

Pinagbuksan naman ako ni Jin nung pinto sa backseat. Bwiset na Squirrel to mas trip ko sa passenger's seat eh!

---END OF FLASHBACK---

"Ma! Hulaan mo sino kasama ko!"bungad ko kay mama na nasa kusina

"Anak? Sino?"nakangiting tanong niya

"Tadaaa!"sabi ko sabay turo kay... Squall?

"Sino yan anak? Kaklase mo ba yan? Aba napaka gwapong bata! Hello! Anong pangalan mo hijo?"

"Ah Sq---"

"Ma! Hindi po siya! Squall asan ba si Aljin?"tanong ko

"I don't know."sabi niya sabay lingon kay mama

"I'm Squall. Nice to meet you Mrs. Santori. I'll excuse myself."sabi niya sabay alis sa harapan namin ni mama

"Aray!"

Si mama hinampas ako huhu!

"Ma! Bakit ka po nang hahampas?"sabi ko habang hinihimas yung braso ko

"Ang sama mo anak! Bisita mo rin yun ano ba at ipakilala mo rin sa akin diba? Hindi yung inooffend mo!"sabi ni mama sabay pitik pa sa noo ko

Hinila niya ko palabas ng kusina at dumiretso kami sa sala nandun pala si Jin at nakikipag usap kay papa. Teka asan si Squall?

"ALJIIINNN!"daig pa ni mama ang biik sa sobrang lakas niyang sumigaw

Tumakbo siya palapit kay Jin at niyakap ng mahigpit.

Oo close talaga sila para pa ngang si Jin talaga ang anak niya hmpf!

Hinayaan ko lang sila mag usap don at hinanap ko si Squall.

Asan ba yung lalaking yon atat na ata bumalik sa ospital.

Tama! Sabi ko na nga ba nandito sa labas e!

"Hoy Squall ginagawa mo jan?"

"Nothing."

Sungit.

"Sorry kanina ha naexcite lang akong ipakita si Jin kay mama kaya hindi kita naipakilala ng maayos."

"It's fine. I'll go to Fier's car."sabi niya sabay nilayasan ako.

Bwiset.

Bahala siya diyan! Napaka cold!

Bumalik na ko sa loob at kumuha ng damit para sa amin ni Hearxelle. Alam kong dun din matutulog yon. Concerned yon kay Swirll e hihihi!

Nung natapos na ko. Pumasok na ko sa kwarto ni Rairai para kumuha ng damit niya pero may nakita akong picture sa sahig. Syempre pakielamera ako kinuha ko.

Aha! Si SWIRLL TO AH! Habang tulog! Nasa bus! Ah oo naalala ko to! Sabi ko na nga ba crush niya si Swirll e! Wahahaha! May pang blackmail nako kay Rairai! Wahahahah! At talagang pinadevelop niya pa yung picture ha? Inlababo ata tong kapatid ko bwahahha!

Pumunta ko sa closet ni Rai habang dala yung picture. Tas kumuha ako ng backpack niya. Maarte kase yon ayaw makihati sakin ng gamit. Nilagay ko muna sa bulsa ng backpack niya yung picture tas kumuha na ako ng damit niya.

*Few Minutes Later*

"Tita, tito pano po ba yan. Mauna na po kami wag po kayong mag alala babalik po ako pag nagka time ulit."sabi ni Jin at lumabas na kami

Nakapag paalam na ako kila mama at papa at naintindihan naman nila yun kaya pinayagan nila kami ni Rairai na mag bantay din kay Swirll.

At tuwang tuwa naman si mama nung inabot ko sa kanya yung mga sash at certificates at pati narin yung crown ko.

Nagdala akong dalawang folding bed para samin ni Rai. Kasi isa lang ang sofa dun sa room ni Swirll. Pero bongga tong si Squall ang laki nung piniling room para kay Swirll kasya benteng tao!

Ngayon naman kila Squall kami pupunta. Kukuha rin siyang gamit niya eh.

Ang tahimik nga ngayon eh hindi rin kinakausap si Jin hindi katulad kanina puro sila daldalan!

Ang tahimik!

Naoffend ko kaya talaga siya?

Huhuhu!

_______

Thanks for reading! ❣️
Don't forget to vote! Lovelots!

_______

AuthoRishT x AuthoRinH

(The Dreamers Series)

The Dreamers Series 1: A Dream Love StoryWhere stories live. Discover now