[TDS(1)] : ADLS 24

Start from the beginning
                                    

"Sorry for that. Sorry nagtanong pa ako ang daldal ko kasi eh."sabi ni Ali at nag zip ng bibig

"Okay lang po yun ate Ali let's forget about it."sabi ni Swirll at lumiwanag na ang mukha niya

Ibig sabihin sila nalang talaga ng kuya niya.

That's why I'm very thankful na nasa tabi ko parin ang mga magulang ko.

Ang hirap kaya mawalan ng magulang.

Buti at nakayanan ng dalawang to.

Nakarating na kami sa mall at pumasok sa bilihan ng dress at kung ano ano pa.

Bagot na bagot na umupo si Squall sa isang upuan sa harap ng fitting room.

Sabagay. Kahit ako nababagot pag nagshoshopping tong si Ali eh.

"Okay, wait hahanapan ko kayong dalawa ng bagay sa inyo."sabi ni Ali

White nga pala ang kailangang dress.

"Fshie white ang kailan---"

"I know fshie, kulay white."sabi niya at nag wink

Umupo nalang din muna kami ni Swirll at hinintay si Ali na makakuha ng dress na gusto niyang ipasuot samin.

Expert dito si Ali kaya hindi namin kailangan mag worry, pag sinabi niyang maganda ibig sabihin maganda talaga.

"Ito sayo Fshie. Ito sayo Swirll."nakangiting sabi ni Ali

Teka bakit tigdalawa kami?

"Fshie isa lang ang kailangan."sabi ko

"I know. Look, hindi ako makapili sa apat na yan kaya isukat niyo yan at kami ni Squall ang magsasabi kung alin ang bagay sa inyo. Ano agree ka ba dun Squall?"tanong ni Ali

"Whatever."bagot na bagot namang sabi ni Squall

Sus.

Wala talaga siyang kwentang kausap.

"Ewan! Tse! Sige na isukat niyo na yan."oh diba hindi lang ako ang naiinis sa Squall na to hahaha!

Pumasok na ako sa isang fitting room at sinukat yung binigay ni Ali at wala na akong balak sabihin kung anong itsura mahirap mag explain hahahaha!

Dumungaw ako at tinawag si Ali pagkatapos ko magbihis.

"Lumabas ka diyan Fshie patingin."sabi ni Ali

"Ayoko nga! Halika dito! Tignan mo nalang."sabi ko

"Fshie."sabi ni Ali at bakas ang pagkastrikto sa boses niya

Ano ba yan!

Lagi akong talo sa isang to!

Nagdadabog na lumabas ako sa fitting room at nakasimangot na humarap kay Ali, at yeah nandoon si Squall at bagot parin as usual tss.

"Ayos na toh"sabi ko

"Nope, sukatin mo rin yung isa. Tingin mo Squall?"tanong ni Ali kay Squall

"Yeah."bagot paring sabi nito

Wala talagang kwentang kausap err.

"Hays. Sige na isukat mo na yung isa fshie."

Pumasok na ako sa fitting room at sinukat yung isa.

Pagkatapos ko ay pinakita ko na ulit.

"Oh alin? Fshie ang kati nito."sabi ko

"Buy the first one tss."bagot paring sabi ni Squall

Inirapan ko naman siya at inirapan niya rin ako ewan ko sa kanya mukha siyang bakla umirap!

The Dreamers Series 1: A Dream Love StoryWhere stories live. Discover now