Chapter 3

7 1 0
                                    

Chapter 3: Start of the Darkness

Meghan's POV

Nagigising ako sa isang tawanan....

May biglang kumalog sakin....

"Meg gising na malalate na tayo!" Sabi ni Azariah

Bumangon nako at naligo pagkatapos ay sabay sabay kaming nag tungo sa cafeteria para sa almusal...

Naiilang ako sa mga titig ng mga estudyante...

Mga titig na puno ng puot...

Napatigil kami ng may biglang humarang samin...

Isang babae....

Isang babae na mala dyosa ang ganda ngunit kitang kita sa mata nito na may tinatagong Galit ...

Mga matang may tinatagong puot....

"Dba sya yung newbie ....bakit kasama niyo siya?"

"Wala kana ron Kiara!" Sigaw ni Scarlett

"Oww...so friend nyo yang newbie na yan na galing sa outside world!"

Nilapitan niya ko habang nakangiti ng nakakaloko at bumulong......

"Pumasok ka ba dto para mailigtas ang mga kaibigan mo? Haha..kung gayon ay nagkamali ka sa inaakala mo, di mo na sila maililigtas...dahil isa ka na sa mga target nila...pumasok ka? Pagsisisihan mo yang ginawa mo...Habang patagal ng patagal...bawat segundo na andito ka sa empyernong toh ay unti unti ng naililibing sa hukay ang buhay mo.."

At ang huli nyang sinabi na ikinakilabot ng buong pagkatao ko...

"Mamamatay ka rin" at bigla syang tumawa na mala demonyo

Hinila ako ni Hunter palapit sakanya...

"Ano ba Kiara ang aga aga nang gugulo kana namn ? Umalis ka rito!!" Sigaw ni Hunter

"So sorry baby, but alam mo at alam nating lahat ng andito na totoo ang sinsabi ko!! Hindi na tayo makakalabas dito lahat tayo ay mamamatay sa empyernong ito!!" Sigaw ni Kiara na ikinakunot ng noo ko.

Lumapit syang muli sakin at......

"Humanda kana"

"Hindi moko kilala" walang ganang sagot ko sakanya na ikinagulat nya..

"Ibang klase ka sa inaasahan ko"

umalis sya ng may inis sa mukha.....

Ano ba talagang meron dito?

Ano ba talagang nangyari sa Dream Academy na puno ng ngiti?

Kailangan ko itong malaman upang maipatuloy ko n ang plano kong maipatumba kang demonyo ka.....

Ang tanong sino ba ang demonyo?

Umupo na kami pagka tapos naming umorder...

"Meg anong first subject mo?"- Scarlett

"Math"

"Oww...so mahihiwalay ka pala samin Meg?"- Aislinn

"Gusto mo samahan kita?" Sabi ni Hunter na ikinagulat ko

"Hindi na kailangan ok lang ako"

"Pero hindi mo alam ang pasikot sikot dito"

"Kaya ko ang sarili ko Hunter salamat sa concern"

"Sige pero mag iingat ka"

Naghiwalay na kami ng tumunog na ang hudyat ng unang subject namin...

Pagdating ko sa classroom ay lahat ng mga mata ay na saakin...

Binalawala ko nlng ang mga titig nila at pumunta nako sa pinakahuli na upuan...malapit sa may bintana....

"Dumating na ba yung newbie?" Tanong ng teacher namin

Biglang lumingon sakin yung babaeng nasa harap ko...

"Dba ikaw yung newbie?" Naka ngiting sabi nya

"Oo"

"Mam andito po siya!" Sigaw nya

"Ms. Braiden halika rito sa harapan at mag pakilala"

Pumunta namn ako sa harapan...

"Hello everyone! Ako nga pala si Meghan Braiden just call me Meg if you want." Walang ganang sabi ko

Pabalik nako sa upuan ko ng may nag tanong...

"Saan ka nag aral ng first and second high school ka?"

Hhmmm...this gonna be exciting...

"Dito" simpleng sagot ko sakanya ng may ngiti sa labi na ikinagulat namn nila pati na ng teacher namin..

Bumalik nako sa upuan ko at iniwan silang tulala

Habang nag didiscuss ang teacher ay nakatulala lang ako...

Kailan ko ba sisimulan ang pag iimbestiga?

Kanino ako hihingi ng tulong?

Hindi naman pwedeng sa mga kaibigan ko ako hihngi ng tulong dahil malalaman nilang may plano akong kalabanin ang demonyong iyon...

Sigurado ako na pag namalan nilang plano kong kalabanin ang demonyo ay haharangin nila ako...

Napahinto ako sa pag muni muni ng may biglang dumating....

"Sorry mam I'm late!" Humi hingal na sabi nya

"Mr. Sandoval palagi naman yan!" Sabi ng teacher namin

"Sorry po mam!"

"Sige na umupo kana!"

Habang palapit siya ng palapit siya sakin ay medyo namumukhaan ko siya ....

Magkamukhang kamukha sila....

Pero hindi maaari....dahil nag iisang anak lng siya...

"Miss may naka upo ba rito?" Tanong niya

Nagising ako sa aking imahinasiyon...

"Ahmmm..wla namn"

Umupo siya at humarap sa kin

"Ako nga pala si Caleb Sandoval" sabi nya at inilahad ang kamay niya sakin at malugod ko naman itong tinanggap...

"Meghan Braiden"

Nagulat kami nang may sumigaw....

"Aahhh!!!" Sigaw nung babaeng nasa harap ko habang nakaturo sa baba...

Napatingin kami sa baba at....

"Nagsisimula na naman sila." Inis na sabi ni Caleb

Habang hahakbang na sya para umalis ay hinawakan ko ang braso nya at tinitigan sya nang nagtatanong na 'anong nangyayari?'

"Wag munang alamin mapapahamak ka lang"

At umalis na talaga sya

Napatingin akong muli sa patay na babaeng nasa baba ....

Kung titigan mo ito ay di mo na ito makikilala sa lala ng hiwa na natamo nya...

Sinong gumawa nito?

Ano ba talagang andito?

Anong ibig sabihin ni Caleb sa sinabi nyang 'nagsisimula na naman sila'?

Well, then I guess.....

This is the ....

Start of Darkness

---------------------------------------------------------------
A/N: alam kong magulo po ang story pero sa next update ko ay gagawin ko po itong special chapter para eekwento kona sa inyo ang buong storya ng Dream Academy bago ito naging Dark Academy...

~Voss_madam

Dark AcademyWhere stories live. Discover now