[TDS(1)] : ADLS 27

Start from the beginning
                                    

Hay nako! Si Squall lang pala ang katapat.

Padabog na ibinagsak ni Swirll ang ulo niya sa dibdib ni Hearx at sinimulan nang kumuha ng picture si Squall.

Pagtapos nila ay inis na tinanggal ni Swirll ang heels niya at naglakad papalapit sakin at sumunod naman si Hearx.

"Ang arte mo ugly creature! Akala mo namang gusto kong akbayan ka!"inis na sabi ni Hearx

"Ang arte mo rin! Akala mong gusto kong sumandal sa dibdib mo! Disgusting!"sabi din ni Swirll

"Ab----"

"Hep hep! Tama na yan. Give our ears a break. Kanina pa kayo nag aaway."sabi ko

"Eh siya kasi eh!"sabay nilang sabi sabay turo sa isa't isa

Napailing nalang ako at nag hintay ng turn ko.

Nung ako na ay lumakad na ko papunta doon at doon na sinuot yung heels.

"Wait lang ha hehehe."sabi ko

Dahil sinusuot ko pa yung heels!

At ayun na nga. Nung kami na ni Chase ay ang awkward naman talaga ng position tsk.

Pero umayos na ako kaagad para mabilis na matapos.

Natapos ang photoshoot at ala una na pala.

"Okay guys let's thank God for a successful photoshoot!"sabi ni Twinnie

"Tara na at kumain!"sabi ni Valender at naunang pumunta sa hotel

Bitbit ni Swirll ang heels niya at nasa unahan ko lang siya nung lumapit sa kanya yung crush niya hihihihi! I mean si Jermie pala.

At dinala yung heels niya nakita ko namang nag blush si Swirll at sabay na silang naglakad.

Katabi ko si Hearx at si Squall.

"Hearx."tawag pansin ni Squall sa kapatid ko

"Wow close kayo? Tsh."sabi ko

"Yes."sabay nilang sabi

"Edi kayo na ang close!"sabi ko

"Bakit kuya Squall?"tanong ni Hearx

"You see that?"turo ni Squall dun sa dalawa sa harapan namin

"Oo nalantod na kapatid mo."pasimpleng sabi ni Hearx

Sinamaan naman siya ng tingin ni Squall kaya nag peace sign siya.

Close na nga.

Bilis ah!

"Pag layuin mo sa isa't isa."sabi ni Squall

"What?! Why? Why me?"tanong ni Hearx

"Oo nga! Bakit? Tignan mo nga oh mukhang happy si Swirll kausap yung friend niya."singit ko sa usapan

"She has a crush on that guy."sabi ni Squall

"Bakit mo ba pinagbabawalang magka crush ang kapatid mo?"tanong ko pa

"I don't want my sister to get hurt."sabi ni Squall at nakatitig sa kapatid niya

"Oo alam ko naman yun! Syempre bilang kuya ayaw mo talaga! Pero heller crush lang yan oh bat hindi mo pag bigyan?"sabi ko pa

Iniwasan niya ang tanong ko at bumaling kay Hearx.

"Hearxelle sumingit ka sa gitna nila hurry."utos niya

The Dreamers Series 1: A Dream Love StoryWhere stories live. Discover now