[TDS(1)] : ADLS 15

Start from the beginning
                                    

Aba huh! Ako pa ang nagsasayang ng oras? Kapalmuks din siya eh noh.

"Bakit? Ano bang gustong mong gawin ko? Itapak ko tong sapatos kong madumi sa magara niyong tiles?"inis na sabi ko

"Tss! Wear your shoes and go inside."sabi niya

Ah! Bahala siya! Wag siya magrereklamo mamaya sakin pag dumumi ang tiles nila!

Sinuot ko ulit ang sapatos ko at lumakad papasok.

"Oh saan si Swirll?"tanong ko

"At her room, she's sleeping right? Where do you think she would sleep? At the bathroom?"pilosopo pero seryoso paring sabi niya

Argh ang eng eng naman nito kausap!

"Malamang nasa kwarto talaga! Tulog nga diba?!"inis na sabi ko

"You're the one asking!"inis na ring sabi niya

"Tinatanong ko kasi kung saan! As in ituro mo! Saan! Tingin mo unang pasok ko sa bahay niyo alam ko na pasikot sikot dito? Common sense Squirrel!"sabi ko

Binigyan niya naman ako ng seryoso pero may bahid na inis na tingin.

"First, linawin mo ang tinatanong mo. Second, don't shout. Third, don't call me Squirrel cause I'm not an animal. Fourth, learn to wait because we're heading there right?"sabi niya pa sabay irap

"Sabi ko nga eh."sabi ko nalang bwiset wala pala akong laban pag madami siyang sinasabi

Umakyat kami at nung makarating kami sa kwarto ni Swirll ay tulog parin siya.

Hinipo ko naman ang noo niya at hindi na siya masyadong mainit katulad kanina.

"Oh mababa na yung lagnat ni Swirll. Pinunasan mo na ba siya ng maligamgam na tubig?"tanong ko

Binigyan niya naman ako ng seryosong tingin, NANAMAN.

"I don't know how to take care of a sick person. Even my sister."amin niya

Ano ba naman yan Squirrel!

Jusmeyo marimar! Kung magiging kapatid ko ang isang to ang sakit sa ulo panigurado!

"Tsaka asan yaya niyo?"tanong ko

"What yaya?"tanong niya

Ay leche flan.

Kaunti nalang hihimatayin na ako dahil sa lalaking toh.

"Maid!"sabi ko

"Day off."sabi niya

"Diyan ka lang bantayan mo si Swirll! Kukuha ako ng maligamgam na tubig."sabi ko at lumayas na sa kwartong yun

Jusmeyo marimar yung lalaking yun.

Nagpunta ako sa kusina nila at nag-init ng tubig.

Umupo muna ako sa isang stool doon at hinintay maging maligamgam yung tubig.

Kaso hindi ko namalayan napaidlip ako.

HAYST!

Napatayo ako agad agad at nakita ang kumukulong tubig!

Hay nako Heartnelle anong kaengengan yan!

Agad kong pinatay ang kalan at natatarantang humanap ng maliit na planggana at buti may nakita ako.

At dahil medyo eng eng ako ngayon, natapunan ako ng mainit na tubig sa kamay.

Yeah.

Ang SWERTE SWERTE ko ngayong araw hays.

Hindi ko nalang muna pinansin yun at nilagay ang mainit na tubig sa planggana na maliit at hinaluan ko nalang ng malamig na tubig para maging maligamgam.

Tas dinala ko na sa taas.

Pagdating ko sa kwarto ni Swirll ay gising na siya.

"Oh ate Heartnelle? What are you doing here?"gulat na tanong niya

Ah yeah, for sure hindi sinabi sa kanya ng kuya niyang Squirrel tss.

"I'll take care of you muna since hindi daw marunong mag alaga yang kuya mo."sabi ko at pinasadahan ng tingin si Squall

Totoo naman eh!

Lumapit na ako sa kanya at inilapag yung planggana sa gilid ng kama niya.

"Bakit ka naman tumakbo ng ganun kalayo Swirll? Dapat tinawagan mo nalang ako. Ayan tuloy pagod na pagod ka."sabi ko

"I left my phone po sa bag ko eh. Tapos po nataranta ako nung nakita kong naiyak si ate Ali. Tinanong ko siya kung anong problema pero naiyak lang siya kaya tinawag nalang po kita."sabi niya

Hays ang bait talaga ng batang to eh.

"Squirrel--err Squall pahiram ng bimpo."sabi ko

"What for?"tanong niya

"Malamang para dito oh."turo ko sa tubig

"Anong gusto mo? Ibuhos ko to sa noo ni Swirll ganon?"sabi ko

"Noisy."sabi niya at tumayo

Eh bakit ba?

Nawiwindang ako sa kanya eh! Ang gulo kausap!

Kumuha siya ng bimpo at agad inabot sakin.

Binasa ko agad yun at pagtapos kong pigain ay pinunasan ko na si Swirll.

"Yan pag may lagnat si Swirll ganyan gawin mo para alam mo."turo ko kay Squall

"Tss."sagot niya

May dalaw ata to araw araw eh.

Narinig ko nalang ang hagikhik na tawa ni Swirll.

Bakit kaya to natawa? Luh?

Magkaiba talaga sila ng personality ng kuya niya.

Pero mas matino parin kausap tong si Swirll.

_______

Thanks for reading! ❣️
Don't forget to vote! Lovelots!

_______

AuthoRishT x AuthoRinH

(The Dreamers Series)

The Dreamers Series 1: A Dream Love StoryWhere stories live. Discover now