[TDS(1)] : ADLS 13

Start from the beginning
                                    

"I don't know. She's sweating all over, sobrang hingal na hingal at nakahawak pa sa dibdib niya and saktong I was passing by nung bigla siyang nahimatay, so I brought her here. Bait ko diba? Kahit kaaway ko yan dinala ko parin. Ako lang naman to guys wag kayo masyadong bumilib sakin."sabi ni Hearx sabay kindat

May sapak na to.

Argh! This is really my fault! Kung bumaba sana ako agad ay sana di na niya ko kailangan na puntahan sa room namin na nasa 3rd floor pa, at tinakbo niya yun mula sa garden!

"Makaalis na nga. You're welcome pala kuya Squall maangas, kahit di ka nag thank you hahaha!"paalam ni Hearx at umalis na

Baliw na talaga!

Napansin ko naman yung lalaki na tinulungan akong madala dito si Ali.

Sobrang nag-aalala talaga ang itsura niya.

WAIT! Friend to ni kuya ah!

Oo! Tama! Friend ni kuya to!

Ngayon ko lang napansin dahil sobrang natataranta talaga ako kanina.

Hindi ko nga lang alam pangalan niya.

"Uhm kuya would you mind if I'll ask your name?"tanong ko

Parang nagulat naman siyang napatingin sakin.

What?

Did I say something wrong?

"Quest. Quest Montralejo."sabi niya

Tas nag-aalalang tumingin ulit kay fshie 

"Uhmm by any chance? Magkakilala po ba kayo ni Ali?" tanong ko

Hindi siya tumingin sakin pero sumagot naman siya

"I know her but she doesn't know me."sabi niya at mapaklang ngumiti

Uh I think he likes my fshie.

"Uh thank you nga po pala sa pagtulong sakin sa pagdala sa kanya dito."sabi ko

"No problem."sabi niya

"By any chance, do you know Zach?"tanong ko

Pang kumpirma lang na siya nga yung kaibigan ni kuya.

"Yes, he's my friend. Why?"sabi na eh siya yun!

"Nothing. Thank you po ulit, sige po ako na po ang bahala kay Ali salamat po uli."sabi ko

Pero di siya umalis.

"Please let me stay here for a while habang hindi pa siya gising."

Eh? Does he really like my fshie?

Hindi na ako sumagot at tumango nalang.

Lumapit muna ako kay Swirll.

Hinipo ko ang noo ni Swirll at may lagnat siya.

"May lagnat siya."sabi ko

"I know."sabi ni Squall na hindi manlang tumitingin sakin

Argh! Bakit ba ang sungit ng isang to?

"Hindi kita kausap."inis na sabi ko

"I'm not talking to you too. Don't assume."inis na sabi niya

Inirapan ko nalang siya at sinamaan niya naman ako ng tingin.

Problema nito sakin? Tss.

"Take care of her wag mo na muna siyang papasukin bukas."sabi ko

"I know what to do Heartnelle. I'm not dumb, and wag mo ako utusan cause I'll do that kahit hindi mo sabihin tss."cold paring sabi niya

Kainis talaga to!

Oh alam pala nito pangalan ko kailan pa? Tss.

"Akala ko kasi hindi ka marunong mag-alaga."sabi ko

"Ofcourse I know how!"inis na wika nito

"Kaya nga 'akala' diba?!"inis na ring sabi ko

Biglang dumating si Nurse Hailey na may dalang thermometer. Lumapit siya samin kaso biglang nag-ring ang phone niya.

"Pakilagay kay miss Shin. I have to answer this call, excuse me."sabi ni nurse Hailey

Kinuha naman yun ni Squall.

Tinignan ko ang mukha niya at mukhang hindi niya alam kung saan yun ilalagay, dahil nagtatakang tinitigan niya lang yung thermometer at inis na nagkamot ng ulo.

Oh hahaha di nga niya alam kung pano maglagay ng thermometer mag-alaga pa kaya?

"May problema ka ba diyan? Mr. Squall? HA-HA-HA!"pangaasar ko

Fc na kung fc pero nakakatawa pagmumukha niya eh!

"None of your business."seryosong sabi nito

Sus hirap naman asarin nito.

Lumipas ang ilang minuto at hindi parin niya nilalagay yung thermometer kay Swirll.

Naasar na ako kaya kinuha ko na yun sa kanya.

"Ano ba yan! Kala ko ba marunong ka mag-alaga? Simpleng thermometer lang nga hindi mo malagay sa kapatid mo."inis na sabi ko

"Who said na makialam ka dito? Go away okay? Your friend there needs you. Don't stick your nose into other's business."seryoso paring sabi nito

Inilagay ko nalang ang thermometer kay Swirll at inirapan si Squall tas tumalikod na.

Makabalik na nga lang kay Fshie! Siya na tinutulungan siya pa galit! Concerned lang naman ako kay Swirll!

"Una na ako ha."paalam ni kuyang Quest

"Sige po salamat po ulit!"

_______

Thanks for reading! ❣️
Don't forget to vote! Lovelots!

_______

AuthoRishT x AuthoRinH

(The Dreamers Series)

The Dreamers Series 1: A Dream Love StoryWhere stories live. Discover now