[TDS(1)] : ADLS 2

Start from the beginning
                                    

Nagkwentuhan lang kami dun at maya maya may eksena nanaman na nangyari.

Ano ba naman tong tatlong to oh! Hanggang cafeteria ba naman nanggugulo!

"Well well well may bagong salta nanaman!"sabi ni Paula na sobrang kapal ng foundation sa pagmumukha

"Hoy nerd!! Alam mo bang ang panget mo?!"sabi naman ni Zora

Isa pa tong may sapak na to eh!

Sobrang kapal nga pala ng lipstick niya! Nako ang kapal na nga ng labi ang kapal pa ng lipstick! Hoy don't hate me ha! Totoo yung sinasabi ko! Kayo pa dito sa sitwasyon ko eh matatawa talaga kayo.

Nako lagyan ko ng Zonrox yang bibig niya eh ng matanggal hahaha joke lang good girl ako noh.

"Hoy nerd magsalita ka nga!"sabi ni Clori sabay tulak tulak pa kay--- uyyy teka! Siya yung nakabungguan ko kanina ah/katapat ng kapatid ko!

At dahil naaawa nako doon sa babae tumayo na ko.

"Oy kayong tatlo! Pati ba naman mas bata sa inyo papatulan niyo? Pwede ba magbago na kayo?!"sabi ko

Nako ayoko ng inaagrabyado ang mga babae!

"Oh Heartnelle you're here."sabi ni Paula sabay ngisi

"Magpapabida ka nanaman?"dugtong pa niya

Napairap nalang ako sa hangin anong klaseng pag-iisip ba ang meron siya?

"Hoy ano wala talaga kayong kapagurang tatlo noh? Kailan niyo balak tumigil? "singit ni Ali

"Wala kang pake! Hindi porket anak ka ng may ari ng school na to e matatakot mo na kami!"sabi ni Clori

Napangisi naman si Ali.

"Sinong nagsabing tinatakot ko kayo? Wag niyo sabihing natatakot nga kayo?"sabi pa ni Ali

"No way! How dare you!"inis na sabi ni Clori

Lumayo kami dun at sinama ko yung nerd paalis.

Sinama ko siya sa may likod ng school at umupo kami sa bench.

"Mianhae. Nadamay ka pa po sa pang-aaway sakin nung tatlong yun."sabi niya

"Nako okay lang yun ayokong may naaagrabyado, lalo na kung babae. Ano palang pangalan mo?"tanong ko

"Swirll Kylel Shin po!"sabi niya

"Korean ka noh?"kanina ko pa napapansin dahil ang puti niya tapos singkit

"Half Korean half Filipino po."sabi niya

"Nako wag ka mag-alala ha kapag binully ka ulit nila kami na ni Ali ang bahala sayo."sabi ko

"T-talaga po? Yeyyy! It's like having a protective sisters! Kamsa eonnie!"

Ang cute niyaaaa!

"Eonnie what's your name po?"

"Heartnelle Zerin Santori."

"Tutal friends na tayo you can call me ate Heartnelle or ate Heart."sabi ko uli

Tanging ngiti na lamang ang sinagot niya sakin. Mahiyain yata siya hahaha.

Maya maya pa nagpaalam na ko sa kanya dahil magtatime na rin..

TURO TURO TURO.

UWIANNNNN.

Nasa may parking lot na kami ni Ali nung may eksena nanamang nagaganap, ano ba yan! Hindi ba matatapos ang eksena ng tatlong toh?!

"Hoy nerd! Hindi porket nakahanap ka na ng kakampi eh titigilan ka na namin!"sabi ni Paula

"Oo nga!"sabi ni Clori sabay tulak kay Swirll

Agad akong tumakbo papalapit kay Swirll.

Lumuhod ako ng kaunti para tulungan siya.

Kaso tutulungan ko palang sana siyang tumayo nung may humawak na sa kabila niyang kamay at itinayo siya.

Luh mukha akong ewan dun ah phew.

"Sabi nang tigilan niyo na siya eh!"bulyaw ko sa tatlo

Aba okay nang ako ang inaagrabyado pero hindi ako makakapayag na ibang tao!

Aba hindi sumasagot ah! Nakatunganga lang yung tatlo at nakanganga mga mukhang ewan!

Nakatitig sila dun sa nagtayo kay Swirll.

Ay teka di ko pa nakikita mukha nun ah.

"You three, don't you dare hurt my sister ever again."cold na sabi nung...

LALAKI?

Napalingon naman ako sa kanya.

Hala ka ang gwapooo.

Ayyy shhhhh.

Joke lang erase!!!

Wag kumarengkeng Heart!

"K-kuya sabi ko naman sayo wag mo akong lalapitan dito sa school aish!"pagdadabog ni Swirll.

May pagka childish rin pala siya.

Pero teka...

Kuya?

Kapatid niya?!

_______

Thanks for reading! ❣️
Don't forget to vote! Lovelots!

_______

AuthoRishT x AuthoRinH

(The Dreamers Series)

The Dreamers Series 1: A Dream Love StoryWhere stories live. Discover now