Chapter 14: Celebration and Meeting Her Dad

163 2 0
                                    

Marah's POV

"I love you too." Sabi ko habang nakayakap kay Dylan. Nanatili lang kaming magkayakap ni Dylan. Naghiwalay lang kami ng may nadinig kaming pumapalakpak sa likuran ko.

"Alam niyo yung sweet kayo yun." Halata kay Lyka na kinikilig pa ito.

"Alam niyo yung istorbo? Kayo yun." Balik na sagot naman ni Dylan. 

"Ganyan ka Dylan matapos kitang tulungan?" Umarte pa talaga si Lyka na nagtatampo.  "Bhes! Ibreak na yan!"

"Uy. Eto naman di mabiro." Pag-aamo naman ni Dylan kay Lyka. Tsaka sila sabay sabay na nagtawanan. Pero biglang nagseryoso itong si Dylan. "Pero seryoso guys salamat sa tulong niyong lahat."

"Wala yun. Basta huwag mong sasaktan ang best friend ko dahil malilintikan ka talaga sa akin."  pagbibigay ng babala ni Lyka.

"I know at wala akong balak paiyakin ang girlfriend ko." Aww. Ang sweet naman ng boyfriend ko.

Mayamaya pa nagkasiyahan na kami. Kinain din namin yung biniling cake nila bhes. Nagkaraoke din si Lyka. Oo si Lyka lang kasi siya lang ang nakahawak sa mic. Ginawa niya kaming audience niya.  Hindi na namin namanlayan ang oras hanggang sa napansin namin na 9pm na at kailangan na naming umuwi.

Sabay-sabay ng umuwi si Lyka, Aj at Micah samantalang si Gino naman ay kina Dylan daw makikitulog dahil wala ang parents nito. If I know maglalaro lang ng dota ang magpinsan na yan at syempre ihahatid ako ng boyfriend ko sa bahay namin sinabi ko nga na sasabay na lang ako kina Lyka pauwi pero sabi niya gusto daw niyang siya ang maghatid sa akin kasi boyfriend ko na sya at responsibilidad niya yun.

At ngayon nga ay naka angkas ako sa likod ng motor ni Dylan so parang nakaback hug ako sa kanya. Kapg nararamdaman niyang lumuluwag yung pagkakayakap ko sa kanya hahawakan niya yung kamay ko para mas higpitan ko ito. Hindi ko namalayan ay nandito na kami sa labas ng bahay namin.

"Dee ayaw mong pumasok?" Sabi ko kay Dylan habang bumababa ng motor niya nang biglang may humintong itim na kotse sa may tapat namin at biglang bumaba ang sakay nito. Si Daddy!

"Marah! Di ba I told you na huwag na huwag kang sasakay ng motorcycle? Paano kung madisgrasya ka?" Galit na sabi ni Dad. Lumapit ako kay Daddy and give him a kiss on his cheek.

Lies and PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon