Chapter 7: The rival

312 8 16
                                    

This chapter is dedicated to witcheverwriter. Grabe ang BME napapaisip talaga ko ng bongga! Basta si Troy Jefferson Salamat pa din ang nasa puso ko :D Inaabangan ko din yung His Hired babymaker mo :D Keep up the good work! I love you :*

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Marah's POV

Teka tama ba yung narinig ko? Ako liligawan niya?

Loading...

0%

.

.

.

.

.

.

.

.

100%

Nung nag sink-in na sa akin yung sanabi niya. Bigla ko siyang pinaghahampas sa braso niya.

"Hoy Sebastian di nakakatawa yang biro mo ha!" sabi ko habang patuloy pa din ako sa paghampas sa kanya.

"Araaaay.. Tama na.. " Tapos nahawakan niya yung mga kamay ko. Kaya natigil na yung paghampas ko sa kanya. "Sino ba nagsabing nagbibiro ako? I mean it Marah. Papatunayan ko iyan sayo." tapos nag smile siya ng sincere smile..

Sasagot na sana ako sakanya kaya lang biglang nagtaas ng kamay si Kierwin.

"Ma'm since Dylan announce that he is an official suitor of Marah, I also want to announce something Ma'm!" paalam ni Kierwin kay Miss May. Ano ba meron sa araw na ito at lahat sila may ina-announce? O pinapahaba lang nila ang usapan para di makapag klase si Ma'm?

"Go on Kierwin. Make it fast. Baka mahuli kayo sa lessons niyan." pagpayag ni Miss May sa announcement ni Kierwin.

"I want to tell Marah Nicole De La Cruz that I love her simula pa noong first year high school tayo. Sinubukan kong pigilan ang nararamdaman ko pero hindi ko kaya. Tuwing pinipigilan ko mas lumalaki ang pagmamahal ko sayo. At ngayong nalaman ko na hindi lang ako ang nagmamahal sayo sa klaseng ito. Ayokong isuko ka ng hindi man lang lumalaban. So starting today I, Kierwin John Gonzales declaring myself as an official suitor of Marah Nicole De La Cruz and the rival of Dylan Perseus Sebastian." sabi ni Kierwin habang naka-tingin sa akin. 

Lies and PromisesWhere stories live. Discover now