Chapter13: And when she says YES

249 6 2
                                    

Marah's POV

Naging maayos ang pag-uusap namin ni Kierwin. He also assured me na walang magbabago sa friendship namin. Pinakiusapan ko na din siya na huwag muna niyang sabihin sa iba yung napag-usapan namin tungkol kay Dylan.

Nang makabalik ako sa classroom hinanap ko agad si Dylan pero wala siya hanggang sa dumating na yung teacher namin sa Economics. Akala ko ba sabay kaming uuwi? Bakit di siya pumasok?

Sobrang bored na ko sa klase namin. Usually kasi nandyan si Dylan na laging nangungulit sa akin. Hindi na ako makapag-concentrate sa klase ko. Nag-aalala na din kasi ako kay Dylan? Paano kung nagkasakit pala siya? O kaya may emergency sa family niya? Paglabas na paglabas nung teacher namin hinanap ko agad si Gino upang itanong kung alam ba niya kung nasaan si Dylan pero maski si Gino ay di na pala pumasok. Sabi ng mga kaklase kong boys baka nag dota daw.

Natapos na lahat ng afternoon class namin pero walang Dylan ang nagpakita. Kaya naisipan ko ng magtanong kina Lyka tutal naman mukhang nagkakamabutihan na sila ni Gino.

"Bhes bakit di pumasok sina Dylan?"

"Ayyyyiiieeeee! Hinahanap niya." Pang-aasar naman ni Aj.

"Namimiss mo na agad bhes?" Daddag pa ni Lyka.

"Ha? Ah eh... Hindi ah." Pagtanggi ko sa pang-aasar nila.

"Hindi daw pero bakit nagbblush ka?" Pang-aasar na naman ni Micah.

"Kyaaaaaaaaaah! Huwag niyo nga ako pagtulungan!" Then I pout.

Bigla naman pumunta si Aj sa may pinto at inilock ito. Lumingon ako sa paligid at ngayon ko lang napansin na kami na lang pala ang tao dito sa classroom.

"Umamin ka nga Bhes. Sino ba ang mas gusto mo sa dalawa?"Pag-uusisa ni Lyka.

Should I tell them? I think I should. They're my friends. I think they would understand my decision.

Lies and PromisesWhere stories live. Discover now