Chapter 12: Rejection

209 7 1
                                    

Marah's POV

Today is Monday at ngayon ko na din napagdisisyunan na kausapin si Kierwin. Kinakabahan talaga ako dahil ayoko namang masira yung friendship namin at ayoko din namang paasahin siya. Nung nagdate kasi kami ni Dylan I realized that I'm falling for him. No, mali pala kasi nahulog na talaga ako sa kanya.

Sakto naman at nagbell na para sa lunch break. Ito na yung pagkakataon ko para kausapin siya. Agad kong niligpit yung gamit ko at nilapitan siya.

"Kier pwede mo ba akong samahan sa canteen?" Sabi ko paglapit ko pa lang sa kanya.

"Ako na lang sasama sa iyo Marah." pagppresinta naman ni Dylan. 

"Si Kierwin na lang. May mahalaga din kasi kaming pag-uusapan eh." Pagdadahilan ko dito. Bigla naman itong nag pout.

"So shall we go?" Tanong ni Kierwin ng may ngiti sa labi.

"Okay." sabay tingin kay Dylan. "Don't worry D! Gusto mo sabay tayo mamayang uwian?" Pasalamat sya di ko sya matiis -.-

"Okay babe." sabi niya ng may ngiti sa labi.

 Nagpunta na kami ni Kier sa canteen. Pagkabili namin ng pagkain namin naupo na kami sa isang table. Hinayaan ko muna na matapos kami kumain bago ko siya kausapin.

"Ahmmm Kier may sasabihin sana ako sa iyo eh." I really don't know how to start this conversation.

"Ano yun Marah?" Sabi niya ng may ngiti sa labi.

"Can you stop courting me?"Heto na nasabi ko na. Wala na talagang urungan to.

"Bakit naman? Did I do something wrong?" bakas sa boses niya ang lungkot.

"No. Actually you're a great guy Kier. Gwapo ka, mabait, matalino, maalaga, gentleman pero I only see you as a friend. Isa ka na nga sa mga best friend ko eh. You desrve someone better. Yung kayang suklian yung pagmamahal mo. I hope you understand." Naiiyak na ko habang sinasabi ko iyan. Ayoko kasi yung feeling na nakakasakit sa iba at natatakot ako kasi baka masira yung friendship namin.

Lies and PromisesWhere stories live. Discover now