Pumunta siya sa booth nila Dami at naabutan niyang nagsisigawan ang mga players ng basketball team. Mula sa kinaroroonan niya, nakikita niya si Isaac na naglalaro sa isang section habang may kalaban itong isang babae na naka-bullcap. Nang lumapit siya ay nakita niya si Dami na sumasabay sa mga sumisigaw at nagchi-cheer kay Isaac o doon sa babae. Nilapitan niya si Dami at tinapik sa balikat.

"Chiara! Kanina ka pa?" tanong nito at hinarap siya.

Tumingin siya sa likod nito kung saan may nakikita na siyang nagpupustahan at may hawak na ng kani-kanilang pera. ''Ano'ng nangyayari?"

"May hinamon kasi itong si Isaac na babaeng magbasketball, kapag nanalo raw ito, makikipagdate ang babae sa kakambal ko." nakangising sagot nito at iiling-iling na parang hindi makapaniwala sa ginagawa ng kambal.

"Eh paano kapag natalo siya nung babae?"

"Papahiram ni Isaac ang kotse niya dun sa babae ng isang linggo." kaswal na sagot nito. "Let's go?" aya nito sakanya.

"Panuorin muna natin kung sino ang mananalo." sabi niya.

"Sigurado ka? Si Isaac naman ang mananalo riyan panigurado."

She tilted her head and looked at Dami ammusingly. "I think it's the girl. Wanna bet?" hamon niya rito.

Dami crossed his arms and leveled his head on hers. "Sure. If I win, susundin mo lahat ng utos ko for a day."

She held her head high. "Call! And if I win, I'll have three wishes that you'll grant."

Umayos na ng tayo si Dami at inilahad ang kamay nito para makipagkamay. "Deal."

"Deal." sabi rin niya at nakipagkamay rito.

Napakagat siya sa labi nang pinagsiklop ni Dami ang mga daliri nila. Hinila siya nito papunta sa nagkukumpulang mga tao sa paligid nina Isaac at nung babae.

"Tabi! Dadaan kami." utos ni Dami sa mga tao.

Hindi niya alam kung ano ang nangyari basta bigla nalang sila napunta sa harapan at kitang-kita niya na pinapalibutan si Isaac ng mga babae at minamasahe pa ito sa balikat habang sa kabilang banda naman ay nakasampa ang babaeng naka-bullcap sa basketball game at para bang inip na inip dahil hindi pa nagsisimula ang laro. May kasama itong isang babae at dalawang lalaki.

Tinignan niyang mabuti ang babae. Maikli ang pulang buhok nito at abot lang hanggang sa ibabaw ng mga balikat nito. May bullcap itong pabaligtad na sinuot. The girl's wearing a black shirt that's too big for her body. Sa tingin niya, panglalaking damit iyon. Nakapants ito at may suot na rubber shoes. Morena ito at maganda.

Napailing nalang siya. Si Isaac talaga, basta't maganda ay lalandiin nito. Paano naman kaya nito nakilala ang babaeng ito?

"Wala ng pupusta? Mag-uumpisa na ang laro!" anunsyo ni Marky. Nang wala ng sumagot ay inumpisahan na ang laro.

Nung una ay lamang pa si Isaac pero, nagulat nalang sila nang bigla nalang naging sunod-sunod ang ginawang pagshu-shoot ng babae. Literal na napanganga silang lahat sa nasaksihan. Nagsisigawan ang mga kaibigan nung babae at ang mga pumusta rito. Matangkad rin naman kasi iyong babae kaya parang madali lang nito nagagawa ang pagpasok ng bola sa ring.


Nang matapos ang laro, natulala nalang sila nang manalo ang babae. Sila Isaac at ang ibang teammate naman nito ay napanganga.

Lumapit ang babae kay Isaac at inilahaad ang kamay nito. "Akin na ang susi ng kotse mo."

"Sure kang ayaw mong makipagdate sa'kin?" tanong ni Isaac sa babae.

"Tsaka na kapag natalo mo na ako. Sa ngayon, akin na ang susi ng kotse mo."

Wala nagawa si Isaac at tuluyan nang ibinigay ang susi. Umalis na ang babae kasama ang mga kaibigan nito.

"Wait! Hindi mo man lang ba ibibigay ang pangalan mo?" habol ni Isaac.

Tinaasan siya ng kilay nung babae. "Bakit ko ibibigay? Hanapin mo nalang ako pagkatapos ng isang linggo sa buong campus. Makikita mo rin naman siguro ako. Sige, 'pre! Salamat!" sumaludo ang babae at tsaka tuluyang umalis.


"The fuck, 'bro! Natalo ka ng babae?!" sigaw ni Marky.

"Don't state the obvious. Nakikita mo namang iiyak na si Isaac." asar ni Calvin.

"Fuck you!" naiinis na sigaw ni Isaac at tsaka padabog na umalis at hindi na nila alam kung saan pa ito pupunta.

Nang nasa tapat na sila ng kotse ni Dami, pansin niyang hindi talaga makapaniwala si Dami na natalo ang kakambal nito ng isang babae. Natatawa nga siya kanina pa eh. Mahanap nga niya ang babaeng iyon.

"Paano ba iyan? Pareho kayong talunan ng kakambal mo." asar niya rito nang makapasok na sila sa kotse.

"Oo na. Don't rub it in." naiinis na sabi nito sakanya.

Natawa siya imbis na matakot. Paano ba naman, parehas na pikon ito at ni Isaac. Si Isaac kasi ang yabang habang si Dami ay tingin palagi itong tama. Men and their ego.

"So genie, can I have my first wish?" tanong niya.

Bumuntong-hininga ito at tsaka siya binalingan. "Okay, ano ang first wish ng master ko?" sakay nito sa una niyang sabi.

Ngumiti siya. "Can you kiss me?"

-----------

VOTE AND COMMENT.
FOLLOW ME @kendeyss

Next update: Saturday. Gabi.

Shut Up and Be Mine [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon