"Anong makukuha ko kung tutulungan kita?" tanong ko

"Hindi na ako magpapakamatay. Pangako" sabi niya. Napangiti na lang ako.

"Sige. Pangako mo yan ha? Pinky promise" sabi ko at inilahad ang pinky finger ko.

Ayoko na makakita ng taong mamamatay ulit sa harap ko. Ayoko na.

Simula nung araw na yun ay naging close kami ni Tyrone. At unti unting lumalim ang pagtingin ko. Masakit kasi si Vanessa ang mahal niya pero okay lang kasi atleast napapansin niya ako.

"Andyan na siya Hope! Amina kamay mo!" sabi ni Tyrone at hinawakan yung kamay ko. Naglalakad kami sa hallway at sakto namang nakasalubong namin si Vanessa. Nakita ko yung pagtingin ni Vanessa sa kamay namin ni Tyrone at nakikita kong nagseselos ito.

Paglagpas namin ay agad binitawan ni Tyrone yung kamay ko.

"Salamat Hope. Nakikita kong nagseselos si Vanessa. Sana makipagbalikan na siya sa akin" napangiti na lang ako ng mapait. Pero may isang lalaking nahagip ang mata ko.

"W-wait! Jervin?! WAIT! JERVIN!" sigaw ko habang hinahabol ng tingin yung lalaking dumaan. Hindi ako nagkakamali, si Jervin yun.

"Hoy! Sinong Jervin?" tanong ni Tyrone habang nakahawak sa balikat ko at inaalog ako.

Nagsimula nang tumulo yung luha palabas ng mga mata ko. Kailangan ko siyang makita at linawin lahat ng mga nangyari dati.

"BITAWAN MO AKO TYRONE!" sigaw ko at tumakbo papunta sa kinaroroonan niya. Nasa may bulletin board siya, nakatayo habang pinagmamasdan yung mukha ko dun. Nanalo kasi ako sa isang art contest kaya nakapost yung mukha ko dun.

"J-jer-jervin?" nakita ko yung gulat sa mukha niya nung napatingin siya sa akin. Siya nga.

"H-hope." agad ko siyang pinalo-palo sa dibdib habang umiiyak.

"3 years Jervin! 3 years kitang hinanap! Ako ang sinisisi ng lahat sa pagkawala niya. Bakit bigla kang nawala?!" pilit kong sinigaw yung sasabihin ko pero hindi ko kaya. Basang basa na ng luha ang mata ko. Nahihirapan na akong huminga.

Naramdaman ko na lang yung mga braso niyang nakapulupot sa akin.

"I'm sorry. Im very very sorry" sabi niya

"SORRY?! 3 YEARS AKONG NAGDUSA TAPOS SORRY?!" sabi ko habang di pa din tumitigil sa pag-iyak.

"Bakit bigla kang umalis?" tanong niya. Napatigil ako. G*go pala 'to!

"G*go ka ba?! Sinong tao ang gustong manatili pa dun kung ako ang laging sinisisi sa pagkawala niya! Jervin! Alam ng lahat na wala akong ginawang kasalanan pero ako pa din ang sinisisi nila. Asan ka nun?! NAWALA KA PARANG BULA! AKO ANG UMAKO NG KASALANANG DI DAPAT PARA SA AKIN!"

"Shh. Gumagawa ka ng eksena. Nakakahiya" napatingin naman ako sa paligid at nakita ko yung mga iilang tao na nakatingin sa amin at nakita ko din dun si Tyrone na nakakunot ang noo.

"Bakit ka ba nandito?! Ano bang kailangan mo?"

"Di ko kaya ee. Di ko kayang mawala ka sa akin" sabi niya. Nakaramdam ako nang kirot sa puso ko.

"Tama na"

"Mahal pa din kita Hope. Mahal na ma--"

"May problema ba dito?" nagulat na lang ako nang biglang sumulpot si Tyrone at hinawakan ako sa kamay.

"Pre. Nag uusap lang ka--"

"Kailangan ko din kasing kausapin yung girlfriend ko" pinutol ni Tyrone si Jervin at nagsalita. Nagulat ako sa sinabi niya. Girlfriend? Lumingon ako at nakita ko si Vanessa. Napailing na lang ako, parte to ng plano.

Suicidal Love (ONE- SHOT)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن