Kabanata 8.0: Weird

23.4K 710 145
                                    


HEAVEN
"Nah, that brand is chakabels, tinry ko 'yan kaso naging dry lang ang beautiful lips ko," sabi ni Niko sa pinsan n'yang si Kei habang pinagmamasdan ang nakatagong lipstick sa bag nito. Halatang gusto na niya itong kunin at ilapat sa bibig n'ya, kaso nilalabanan n'ya ang tukso ng lipstick sa pamamagitanan ng pagde-deny na hindi n'ya raw ito gusto.

"Niko, ayusin mo nga yang pananalita mo, 'di ba sabi ko naman sa'yo na bawal 'yan dito? Mapapahamak pa kami sa'yo eh!" puna ni Kei kay Niko at itinago na ang lipstick sa bag n'ya. Dumungaw naman si Niko sa lipstick ni Kei na unti-unting nawawala sa paningin n'ya dahil unti-unti rin itong tinatago ni Kei.

Tinaasan lang ni Niko ng kilay si Kei. At dahil doon ay binatukan ni Kei si Niko sa may ulo dahil sa ginawa nitong ekspresyon.

"Aray! Ano bang problema mo ha?" Sa pagsapok ni Kei kay Niko ay biglang lumaki ang boses nito na ikinatuwa naman ni Kei.

   "Yan, 'yan ang gusto ko!" At nagtawanan naman si Kei at si Darryle at nag-high five sa isa't isa. At 'yong mga kamay nila, hindi naghiwalay. Para silang nagholding hands matapos mag-high five.

"Ang laki talaga ng kamay mo dre," sabi ni Kei kay Darryle habang  hindi binibitawan ang kamay ni Darryle. Dre, 'yan ang tawagan nila simula nung pumasok sila sa university na'to. Hindi ko matansya kung sweet ba 'yon o nakakadiri o kung cute ba o nakakasuka.

"'Yong sa'yo rin dre e, sobrang laki," pagpupuri ni Darryle kay Kei habang hawak-hawak 'yong kamay nito. 'Yong tinginan ni Darryle at Kei, parang may meaning. Parang may romance. Tumatayo ang balahibo ko sa dalawang 'to.

"Tignan mo 'to oh, kung makapuna sa pananalita ko akala mo kung sino, e ang landi landi 'rin pala," paf-aalburoto ni Niko.

"Anong malandi? Malandi ba 'yong hinahawakan ang kamay ng kaibigan at inaapreciate ang laki nito ha?" pasigaw na sabi ni Kei kay Niko habang tinataas ang magkaholding hands na kamay nilang dalawa ni Darryle.

"Whatever." Umirap si Niko.

"Niko acts like my grandma," sabi ni Darryle tas nagtawanan naman sila ni Kei. Poor Niko.

Nandito kami sa room 43 ngayon, pito kaming nandito ngayon. Ang five fingers at si Choco girl at 'yong kaibigan n'yang mukhang tomboy. Nakaupo sila limang upuan bago ang sa'min. Nasa likod kami nila. Habang daldal nang daldal si Niko, Kei at Darryle at seryosong nagbabasa ng mystery book si Edison, ako naman ay inoobserbahan ko lang 'yong dalawang babae. Kanina pa kasi sila tingin ng tingin sa'min e, parang may masama silang binabalak.

Tinignan ko sila ulit, nakita ko si Choco Girl na nakadungaw doon sa may bag ng tomboy n'yang kaibigan. Matapos dumungaw doon ay napatakip naman ito ng bibig na para bang may nakitang kakaiba.

Napabalik naman ako ng tingin sa mga kasama ko ng tawagin ako ni Darryle.

"Heaven?" tugon n'ya, "Do you really like that girl? Kanina ka pa tingin ng tingin sa kanya e." Pin-noint out n'ya ang nguso niya kay Choco Girl tapos natawa sila ni Kei bigla.

Bago pa man ako makareact sa sinabi ni Darryle, nagulat na lang kaming apat ng biglang sumigaw si Niko.

"Waa! Maria Khomeni! Anong eteklabi ang dumapo sa jukems! Waaa!"

Nang makita ko kung ano ang dahilan kung bakit nagsisisigaw si Niko ay bigla akong napahawak sa upuan ko. Isang palaka nasa ulo niya. Mas lalo pa akong nagulat ng bigla itong tumalon sa'kin.

"O my gosh! F*cking shet! Aaaa!" Napatili ako ng 'di oras. Sa puntong ito nasa uniform ko 'yong palaka. At naka-smile ito sa'kin. Sa sobrang gulat ko naitapon ko kay Darryle ang palaka. At ngayon nasa may zipper niya na ang palaka.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Where stories live. Discover now