Kabanata 4.0: Laway

32K 857 144
                                    

HEAVEN
"Si-sige nga, h-halikan mo nga ako sa lips kung hindi ka talaga b-bakla?" Sa oras na'to ay sobra ang kaba ko sa dibdib ko. Pa'nong nahalata ng babaeng hindi ako straight? Dahil lang ba sa libro? Eh parang invalid naman yata 'yon.

Kailangan kong ipakita sa kanya na hindi ako bakla. Naka-uniform pa naman s'ya ng uniporme ng kaparehong uniporme ng university na pinapasukan ko. Ibig sabihin, schoolmate ko s'ya. At 'di n'ya pwedeng malaman ang tungkol sa liko-likong daan ko. Pero kahit ganoon ay hindi ko 'rin naman pwedeng basta-basta na lang ibigay ang libro sa kanya. Ilang beses akong pabalik-balik sa NBS makakuha lang ng kopya na'to. Kaya 'di ko 'to ibibigay. At isa pa, ako naman talaga ang unang nakakuha ng libro at hindi s'ya. Kainis talaga! Mapapasubo ako neto e.

"Ha. Ha. Ha. Ha. Hahahaha! So gay!" Sarkastiko siyang tunawa nang makita n'ya ang ekspresyon kong tila nagulat sa sinabi n'ya. Ang epokrita talaga ng babaeng 'to. Ang sarap sabunutan at jumbagin sa matres!

Kahit sa mga photoshop o advertisement na sinasalihan ko, never pa akong nakahalik ng babae but to end this is up, I will. Naglakad ako papunta sa kanya at mabilisang inilapit ang mukha ko sa mukha n'ya. Kaya ko 'to!

Hahalikan ko na sana s'ya ng biglang may nagsalita sa gilid namin.
"Excuse me po? Gusto ko lang pong ipaalala na bookstore ito lugar para maglaplapan kayo. May problema po ba?" Isang saleslady ang nakatayo sa gilid na'min.

Umatras naman ako papalayo sa babaeng hahalikan ko na sana. Napalunok ako ng laway. Yuck. Muntik na 'yon ah?

"Eto kasing babae na'to e. Iniinsist n'yang kunin 'tong nakuha kong libro!" Turo ko sa kanya. Tulala naman s'ya. Nabitin siguro. Natawa ako. Sorry ka girl, pero hindi mo matitikman ang precious lips ko.

Kinausap nung saleslady ang babae at ako naman ay agad ng nagpunta na agad sa counter. Nang matapos na akong magbayad, nakita ko s'yang tumingin sa'kin. Paniguradong inis na inis s'ya. Natawa ulit ako dahi nagmukha siyang dinosaur. Rawr.

"Sir? Puwede po bang magpapicture? Ang gwapo n'yo kasi!" Bigla namang sumulpot ang saleslady na na pumagitna sa' min kanina. Nagniningning ang mga mata n'ya habang nakatingin sa'kin.

"Sure," I said tas nagselfie kami. Antaray ni ate, may camera 'yong 3310 n'ya. Natawa ako.
*  *  *
Naisipan kong pumunta sa clothing shop ng Bench. Naka-uniform pa kasi ako. Pinabalik kasi ako ng dean ng university. Nag-apologize s'ya sa nangyari kanina nung dumating ako. 'Yong Lee Min Ho joke. 'Yong may bigang sumigaw na naroon daw si Lee Min Hoo sa library kaya kamuntikan ng magka-stampede
   Habang naghahanap ako ng damit at sapatos, may nakita akong guwapo. Napatingin s'ya sa'kin, ganun 'rin ako sa kanya. Kinindatan n'ya ako. Gago! Ang gwapo n'ya! Pero pinigilan ko ang sarili ko. Sa panahon ngayon, hindi ako pwedeng lumandi. Control Heaven! Control.

    Nang makapili na ako, binayaran ko na 'yong pinamili ko sa cashier at nagbihis na ng damit at sapatos sa dressing room tas nilagay ko 'yong mga pinagbihisan ko sa bag ko.

Presto! Napaharap ako sa salamin. Nakasuot ako ng faded gray sleaves, tas black skinny jeans at darkblue shoes. At dahil medyo maulan at malamig ngayon, bumili rin ako ng blue na scarf.

Tinignan ko 'yong repleksyon ko sa salamin. Sabi ng mga taong nakakaalam sa totoong kulay ko ay sayang daw ako. Palagi rin nilang tinatanong kung ba't daw ako naging bakla.

Ang sagot ko naman, ayaw kong matulad sa Daddy ko. Nung bata pa kasi ako, madalas kong makita na sinasaktan n'ya ang Mama ko. Madalas ko rin s'yang makita na may iba-ibang babae. Madalas umiyak ang Mama ko ng dahil sa kanya. Kaya simula noon, sabi ko sa sarili ko, hindi ako magiging katulad ng Daddy ko. At dahil na rin mas malapit ako sa Mama ko, mas naging malambot na rin ko.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon