"TIYANAK"

51 15 0
                                    


My One Shot Horror Story

"Tiyanak"

By: Haring Binata


Mabilis ang pagkaripas ng takbo ni Fonso sa gubat ng makatakas siya sa bilangguan. Tinakasan niya ang kanyang kasalanang Rape with Homicide kaya nasa 200 years ang kanyang sentensiya, ngunit nagawa niya itong takasan. Hindi na bago ito kay Fonso sapagkat ilang beses na siyang nakatakas sa piitan.

Nabigo ang mga kapulisan sa paghabol sa kanya sa gubat sapagkat masukal ito at sobrang dilim ngunit patuloy pa rin sila sa paghahanap sa nakatakas na kriminal.

 Nagpahinga si Fonso sa puno ng Santol at naghahabol ng kanyang hininga dahil sa labis na pagtakbo.

Napakalalim na ng gabi habang siya ay nagtitiis sa kagat ng mga lamok at malamig na gubat. 

Di niya magawang gumawa ng apoy baka madali siyang matunton ng mga pulis. 

Sa malalim na gabi ay hindi siya makatulog at patuloy sa paghampas ng mga lamok. Napakunot siya ng kanyang noo ng makarinig si Fonso sa di kalayuan ng umiiyak na sanggol. 

Nagtataka siya na kung bakit may sanggol sa loob ng masukal na gubat dahil narinig niya ito ngayon lang mismo. 

Napasok sa isip niya na baka may kasama itong nanay kaya lumabas ulit ang pagkamalaswang isip nito. 

Agad siyang tumungo sa puwesto kung saan niya naririnig ang pag iyak ng sanggol. 

Sa hindi kalayuan mula sa kanyang puwesto ay nahanap na niya ang sanggol na umiiyak sa mga tuyong dahon na walang saplot at walang kasama. 

Nagtataka ulit si Fonso kung bakit may sanggol sa gitna ng masukal gubat na ganitong oras at wala man lang lampin o kahit anong saplot sa katawan. Ngunit umiral na naman ang kanyang kasakiman.

Kaya naisipan niyang kunin ang sanggol upang ibenta niya ito kapag nakalabas na siya ng gubat. 

Nilapitan niya ang sanggol upang damputin. Kinarga niya ang sanggol na umiiyak ngunit napasigaw siya ng malakas sa sobrang sakit ng maramdamang may mga matutulis ang bumaon sa kanyang leeg. Napuna niyang kinakagat na pala siya ng kinakargang sanggol.

Agad niyang hinila ang ulo ng sanggol at binagsak sa lupa. Mabilis niyang pinigilan ang malakas na pagdaloy ng kanyang mga dugo mula sa malalim na sugat dahil sa kagat ng sanggol. Napunit ang kanyang balat at kalamnan kaya napahiyaw siya sa sobrang sakit at hapdi. Nang tignan niya ang sanggol sa lupa ay nakita niya ang ubod ng panget ang mukha.

Ang kaninang maamo na mukha ng sanggol ay napalitan ng nakakatakot, nakakahindik balahibo at mapanghiwalay ng kaluluwang ang anyo nito. Naging kulay abo ang mga balat ng nilalang, kulubot din, nanlilisik at mapupula ang mga mata, may matatalim na ngipin at may maliit na sungay sa noo ng sanggol. 

Dahil sa sobrang takot at hilakbot ng preso ay napatakbo ulit siya ngunit sa di kalaunan ay natumba siya. Nanghina siya sa dahilan ng maraming dugo ang nawala sa kanya. 

Umagahan ay natagpuan ang kanyang bangkay ng mga pulis ngunit gutay gutay na ang kanyang mga braso, nakabuka ang kanyang tiyan at wasak na ang dibdib ni Fonso.


~Wakas~

Source: Mga Misteryo ng Buhay: A One Shot Horror Stories Collection by Haring Binata. Please Vote each stories and thank you so much.

For more stories you can visit my following social media accounts:

Wattpad: haringbinata
Facebook: Solterong Mabait Writes

Thank you very much for your support and reading my works! I hope you enjoy it!

A peace!


Mga Misteryo ng BuhayWhere stories live. Discover now