Chapter 81:(Offer)

3.8K 51 5
                                    

JACOB's POV

*FRIDAY*

Simula nung nalaman kong nawawala si Mia, hindi na ako tumigil kakahanap sa kan'ya. Pinatulong ko na din si Alfred sa pag-hahanap. At sa lumipas na dalawang araw hindi namin s'ya makita.

Alam nadin ng mga kaibigan namin ang tungkol dito at galit na galit saakin si Dylan. Bakit daw hindi ko iningatan si Mia gayong pinangako ko daw ito. Well, kahit naman ako kay galit na galit sa sarili ko dahil hindi ko s'ya nagawang protektahan.

At talagang sobrang nag-aalala na ko sa kan'ya. Baka kung ano ng nang-yari kay Mia.

Pinapuntahan ko kay Fred ang kuta dati ng RDO pero hindi na sila doon nagkukuta.

"Fred, may balita kana ba kung nasaan si Mia?" tanong ko habang naka-upo sa study table ko. Andito ako ngayon sa Mansion sa kwarto ko. Hindi na nga ako pumapasok dahil pinagtutuunan ko ng pansin ang pag-hahanap kay Mia.

"Wala pa po akong balita, Young Master. Pero nag hire na po ako ng magagaling na inspectors, detectives, at mga pulis para hanapin si Ma'am Stella. Patago ko po itong inutos sa kanila ng sa gayon po ay walang maakalam." sambit nito at napapikit lang ako sa inis. Sa tuwing naiisip kong nawawala si Mia nagiinit ang ulo ko. Walang nakakaalam na nawawala si Mia bukod saaming mag-kakaibigan at kay Fred.

"Kailangan nating hanapin si Mia baka kung ano ng nangyari sa kan'ya!" inis na sambit ko at nahampas ko pa ng malakas ang table sa harap ko. Natahimik naman si Fred.

Napatingin agad ako sa phone ko ng mag-ring ito. Unknown number ang lumabas sa screen pero sinagot ko parin.

"Hello? Sino 'to?" tanong ko. Pero makalipas ang ilang segundo ay walang nag-salita. "Hello! Sino ba 'to!?" inis na sigaw ko. Pero kinilabutan ako ng may marinig akong tumawa.

["Hahahaha. Ito ba si Jacob Lee?"] nangunot ang noo ko at nag-katinginan naman kami ni Fred ng marinig namin ang boses nung lalaki. Ang laki ng boses n'ya at sa tingin ko gumagamit s'ya ng voice changer.

"A-ako nga.. S-sino ba ito?" takang tanong ko.

["Gusto lang naman naming pag-bigyan ang hiling ng taong malapit ng mamatay. Hiling n'ya na sana makausap ka n'ya kaya pag-bibigyan namin s'ya."] nangunot ang noo ko sa sinasabi n'ya.

"A-ano bang sinasabi mo? Sino kaba?" takang tanong ko.

["Tsaka mo na alamin. Gusto ka na n'yang kausapin."] sambit pa nito at nagkatinginan naman kami ni Fred. ["Tanggalan n'yo ng busal sa bibig 'yan!"] rinig kong sigaw mula sa kabilang linya.

"Anong--" natigil ako sa pagsasalita ko.

["Liam! Liam!"]

O_______O

Napatayo ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang boses ni Mia sa kabilang linya.

"Holy Sht! Mia.. M-mia!" tawag ko din at nag-umpisa ng kumabog ng malakas ang dibdib ko.

["L-liam.. T-tulungan mo ako! N-natatakot na ako dito.. Please, Liam. Tulungan mo a-ako dito.. S-sinsaktan nila ako.."] bigla na lamang tumulo ang luha ko dahil sa mga narinig ko. Kasabay noon ang pag-bulusok ng matinding galit sa sistema.

"Shhh Mia. Don't cry okay? Ililigtas kita. Ililigtas kita, Mia. Wag kanang umiyak okay? M-mahal kita." sambit ko at naririnig ko parin ang malalakas na pag-hikbi n'ya. Nasasaktan ako para sa kan'ya.

["M-mahal din kita, Liam. Mahal na mahal kita."] umiiyak paring sambit n'ya. ["Tama na 'yan! Masyado ng mahaba ang usapan n'yo."] napalitan ng matinding galit ang nararamdaman ko ng marinig kong muling nagsalita 'yung lalaki.

Marry Me ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon