Chapter 6:(Other Side Of Him)

11K 167 2
                                    

Stella's POV

Unti unti kong iminulat 'yung mga mata ko.Unang bumungad saakin ang puting kisame,inilibot ko ang paningin ko.

Nasaan ako?

Tinignan ko' yung katawan ko,nakabalot ako sa kumot.

Bumangon ako sa kama,napahawak ako sa ulo ko.

Ansakit!

Tumingin ako sa gilid ko,nakita ko 'yung isang lalaking mahimbing na natutulog sa tabi ko.

Tinignan kong mabuti kung sino' yon.Napatakip ako ng bibig ng makita ko kung sino 'yung lalake.

A-anong ginagawa ni Dylan dito?

Sa pagkakaalam ko ang huli kong kausap ay si Jacob papaanong...

Yieeee okay na' yun, 'wag ko ng isipin kung bakit s'ya andito,ang mahalaga s'ya 'yung nagbabantay saakin.

Pinag-masdan ko' yung muka n'ya.

Ang gwapo n'ya,ang lambing nung muka n'ya at tsaka 'yung labi n'ya parang ang lambot.Parang ang sarap halikan hehe.

Matatamasan ko rin naman ang matamis n'yang halik sa harap ng altar.

Hays.Pag ang lalaki ang may crush,pwede nilang ligawan.Pero kapag babae ka,hanggang tingin ka nalang.

Ang sad.

Tinignan ko 'yung oras.

Klase pa n' ya ah?

Napangiti ako sa naisip ko.

Ang sweet n'ya, kahit may klase s'ya mas pinili n'yang bantayan ako.

Biglang iminulat ni Dylan 'yung mata n' ya,kaya kunwari akong nakatingin sa kung saan.

Muntik na ako.

"Oh! Stel gising ka na pala."tanong n'ya.

"Oh! Dylan nandyan ka pala."pagkukunwari ko.Hehe

"Oo,nahimatay ka kasi eh."sabi n'ya.

"O-oo nga eh,i-ikaw ba nag dala saakin dito?"tanong ko sa kanya.

Sabihin mong oo.

"Hindi ako,si Jacob nagdala sayo dito."sambit ni Dylan at nanlaki naman butas ng ilong ko.

Sumimangot ako.

"May sakit ka pala bakit kapa pumasok?"
Nagulat ako sa sinabi n'ya.First time kong nakita 'yung ganyang muka n' ya.Yung seryosong muka n'ya.

"Dylan k-kase naulanan ako, tapos natuyuan ako ng ulan kaya s-siguro ako nagkasakit."first time ko din sumagot kay Dylan ng may bahid ng takot.Ngayon ko lang nakita 'yung ganyang side n' ya.Bakit s'ya nagkakaganyan?.At saka, hindi ko pa 'yan nakikita simula pa nung mga bata pa kame.

"Sana tinext mo ko,para napuntahan kita.Sana wala kang sakit ngayon."seryosong sabi n' ya.Ang cold nung expression n'ya.Bakit ba nagkakaganyan si Dylan? May nangyari ba?

"Nawalan kasi ako ng--"

"Tama na."pigil n'ya saakin na ikinagulat ko."Tatawagin ko na 'yung nurse."tapos lumabas na s'ya ng kwarto.

Di ako sanay sa ikinikilos n'ya ngayon.

Bakit ang cold n'ya?Talagang hindi n'ya ako pinatapos ng pagsasalita? Ano bang nang-yayari sa kanya?

Andaming tanong sa isip ko.

Sinaniban ba si Dylan? Parang ibang tao 'yung kaharap ko.

Maya-maya lang dumating na' yung nurse.Kasunod n'ya si Dylan na ang cold parin ng expression.

Marry Me ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon