Chapter 47:(OPENING REMARKS)

6.1K 80 4
                                    

A/N:

Hi Trishane Tabasa.. Thank you po sa pag iintay ng update Hahahahaha!

STELLA'S POV

Ngayong araw na ang interhigh. Napagkasunduan ng nga schools na dito ganapin sa LLU ang interhigh dahil malaki ang eskwelahan na ito. Kompleto din kasi ang school na 'to sa mga lugar kung ano mang sports ang gaganapin. Like for the example; Football field, swimming pools, malaking gymnasium at kahit na anong klase pa ng sports. Inaasahan din namin na marami kaming students na makakasalamuha galing sa iba't ibang schools.

At syempre.. Dahil sa school na 'to gaganapin ang interhigh. Maraming mga haliparot na babae ang dahit na dahit na makita ang Liam ko. Nakakainis! Mga echusera. Alam n'yo kung bakit ko nalaman na maraming gustong makakita sa kan'ya? Well, nakita ko kasi sa mga post post sa fb na gusto daw nila na makita si Jacob, kesyo nagpapasalamat daw sila dahil sa LLU gaganapin, ang suswerte daw nila dahil mapapanood nilang maglaro si Liam blah blah blah. As if namang papansinin sila ni Liam noh?

2 days silang nag training.. Grabe lang ganadong ganado silang lahat magsipag training. Lalong lalo na si Liam. Hataw kung hataw sa training. Hindi daw kase s'ya nakapag laro nung last game nila nung intrams kaya ngayon daw s'ya babawi. Naisipan ko nga s'yang gawan ng banner e, kaso pinigilan lang n'ya ako dahil hindi na daw n'ya kailangan ng banner basta lang daw makita n'ya ko ok na. Tsaaaa! Ang korni ni Liam diba?

Magkakasama kaming tatlo nila Heidi at Maddy. Yung boys hindi namin kasama. Nandun pa sila sa mga locker room nila. Mga nagbibihis 'ata e. Opening kasi ngayon at ngayon ipapakilala ang players ng iba't ibang schools tapos sasabihin din ang mga schedules ng laro.

Kung tatanungin n'yo kung anong suot namin ngayon, naka school uniform kami ngayon. Kahit 'yung mga taga ibang schools naka uniform din. Para hindi kami magkanda lito lito kung sino sino ba ang mga ka school mates namin. Ang dami kasing tao.

"Anong oras daw ba uumpisahan 'yung opening?!" iritang tanong ni Heidi dahil kanina pa kami naka tayo dito malapit sa stage. Dito kasi sila ipapakilala isa isa.

"Oo nga! Kanina pa tayo andito!" irita ring tanong ni Maddy. Ano ba 'yan! Mga kasama ko dito ang iinit ng ulo.

"Ez lang kayo malapit na magumpisa 'yan." sambit ko sa kanila.

"OMG! I'm so excited to watch the basketball game!"

"Yeah! Mee too!"

"For sure laglag panty nanaman tayo because of that 'oh-so-hot-and-handsome-guy' na si Jacob which is the owner of this fabulous schoo!"

"Yes! Ang super duper gwapo talaga n'ya!"

"I love him!"

"I love him more!"

Napataas nalang ang kilay ko dahil sa mga nagbubulungang mga babae sa gilid namin.

Nakita ko ring nagsitaasan din ang kilay nung dalawang kasama ko. Ang sama ng tingin nila dun sa mga babaeng sa tingin ko hindi sa school namin nagaaral. Nakita ko sa uniform nila na may nakalagay na St.Peter University parang familiar nga e. Parang narinig ko na sa kung saan..

So mabalik tayo, eto ngang dalawang kasama ko na ang tataray ng kilay kung makataas, parang pinapatay nila 'yung dalawang babae sa isip nila. Susko! Ano bang aasahan ko e parehas bitch 'tong kasama ko. >.<

Magsasalita na sana si Maddy ng pigilan ko s'ya.

"Shhhh! Wag n'yo ng pansinin.. Maguumpisa na oh."turo ko sa stage kung saan nandon na si President Kirvy. Si President Kirvy s'ya 'yung president ng student Council.

Marry Me ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon