Chapter 16:(Smile)

7.4K 97 2
                                    

Stella's POV

Hindi ko sinunod yung sinabi sakin ni Jacob na wag muna akong pumasok, bukod kase sa bored ako dito sa bahay e wala rin namang magbabago at ganon't ganon parin magiging trato nila sakin.Para san pa kung iiwas ako? Eh hindi naman totoo yung mga binibintang nila sakin.Like hello? Hindi kame totoong engage ni Jacob.Hiningi n'ya number ko para daw pag may nambully sakin tawagan ko raw s'ya.Psh ano s'ya si batman?

Bago ako lumabas ng condo para pumasok nag text sakin si Dylan.

~Dylan<3

Okey kana ba? Gusto mo sunduin kita?

O_O

Napatakip ako sa bibig ko like wtf? Alam na n'ya.?

Hindi ko s'ya nireplyan at saka ako dali daling bumaba, pagkarating ko sa parking lot nakita ko 'yung kotse ni Dylan nandon at sa loob non nakadungaw si Dylan, kumakaway sakin habang naka ngiti.

Shet anong ginagawa n'ya dito?

Sumenyas s'ya sakin na lumapit ako sa kan' ya kaya no choice ako kung 'di ang lumapit.

Omayghad anong sasabihin ko? Babe let me explain, It's not what you think ok? Ikaw lang ang mahal ko alam mo' yan. Wag mo sanang isipin na niloloko kita, ikaw lang ang laman ng puso ko.

Charot! Kala mo naman talaga e.

Nagpunta na ko sa kotse n'ya at saka ko binuksan 'yung kotse at pumasok.

"Kamusta ang buhay mag-aasawa?"

O_O

"H-ha?" the heck ano daw?

"Di mo agad sinabi sakin, sana man lang nasuportahan kita haha."mahinang tawa n' ya. Ngumiti nalang ako ng pilet dahil hindi ko alam sasabihin ko.Hay bad trip.

Tahimik lang kame habang nasa byahe, nahihiya akong magsalita dahil sa tingin ko mukang akala ni Dylan wala akong tiwala sa kanya kase hindi ko sinabi agad sa kanya.Ayoko lang naman na masaktan ko feelings nya. Charr

"Kelan pa kayo engaged?" biglang tanong n'ya habang nasa daan padin paningin n'ya.

"A-ah ano nung..." takte anong sasabihin ko?

"Nung nasa cafeteria tayo? Nung napulot ko sing sing mo? Yun ba yon?"

Tumango lang ako.

"Matagal tagal narin pala.":<

"Dylan sorry kung hindi ko agad sinabi sayo ano kasi...."

"Okey lang yun wag mo na isipin hehe.Ang mahalaga lang sakin ngayon poprotektahan kita dahil alam ko na mangyayare ngayong alam na ng buong school 'yung nangyare."seryosong sabi n' ya. Kinilig naman ako ng konte ehe.

"Salamat." nakangiting sabi ko.

"Welcome." nakangiting sabi n'ya sakin.

Nang makarating kami ng school agad kaming pinagtinginan ng mga tao.Naririnig ko rin na sinasabi nila na ang harot ko daw, kesyo may Jacob na raw ako bakit ko pa hinaharot si Dylan.Ehh paki ko ba sa kanila.Si Dylan lang naman hinaharot ko HAHAHAHAHA jonks.

Pumasok na kami pareho ng classroom naunang nag lakad si Dylan saken, mabilis yung lakad n'ya at ako mabagal kaya nagulat nalang ako ng biglang may lukot lukot na papel ang lumanding sa noo ko.Napapikit ako sa gulat at pagkatapos non sunod sunod na ang pagbabato nila sakin ng mga iba't ibang bagay.Wala akong nagawa kung 'di ang pumikit at tiisin lahat ng ginagawa nila sakin.Makalipas ang ilang minutong pambabato nila sakin napansin kong wala ng lumalanding na bagay sa katawan ko kaya iminulat ko mata ko. Nagulat ako ng nakaharap sakin si Dylan at sinasalo n'ya lahat ng bagay na tatama sakin.Nakita ko muka n'ya na napapangiwi na sa sakit.

Marry Me ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon